Chapter 19: Three Golden Animals

97 4 5
                                    


"Naawa ako doon sa family ni Keandra.." sabi ni Katey habang nag lalakad kami papuntang first class, which is P.E

"Well, ano pa bang magagawa natin? Desisyon 'yun ng killer." Sabi ni Ella

"Nagka watak watak na 'yung friendship nila dahil sa letseng pag ibig na 'yan." Sagot ni Katey. Napa tingin ako kay Tony. Kamusta na kaya sila ni Greg?

Pumasok na kami sa class namin, nandoon na 'yung mga lalaki pero wala pang teacher.

"Tagal niyo talaga." Sabi ni Max samin kaya binatukan siya ni Ella.

"Nahiya kami sa'yong gunggong ka!"

Pumasok na 'yung sexy na babae, napa tingin naman agad sila Max sa pwet niyang kumekembot. Si Ivan walang pake, he's not really into girls, aye? Well, si Ella at Katey pa lang naman ang pinapansin niya dito saaming mga babae, ako slight. Si Tony hindi ko alam. Si Greg ay naka ngisi, tss that cruel boy.

"Hello Class, I'm just your substitute teacher," nilapag niya ang gamit niya, "I'm miss Paula. Call me, Miss Pau."

"Miss Pau, single ka ba?" tanong ni Owen

"Uh, yes?" nagugulahang sagot ni Miss Pau sakaniya.

"Pwede bang mahingi ang number mo?"

"That's so thoughtful of you Mister..?"

"Owen, Miss Pau." Naka ngiting sagot ni Owen at akmang kukuhain ang cellphone niya.

"Oh, Owen.. yes I heard your name.. sikat nga pala kayo. But please, if you don't mind, paki lessen ang pag gamit ng gadgets when you are in the middle of the class okay? And I'm not into gadgets, so wala akong cellphone number." Ngumiti sakaniya si miss pau, kaya nag tawanan kami.

"Buti nga sayo!" sigaw sakaniya ni Tony.

"Eh palibhasa walang may humihingi ng number mo eh!"

"Hoy! Meron na 'noh."

"Okay, quiet quiet." Sabi ni Miss. Tapos ay nilabas niya ang isang foundation, nalaman kong foundation 'yun dahil sa liit nito at meron nito si Mama. Inopen niya 'yun at may lumabas na identity.. identity ni Miss Pau.

Agent Paula Im

Sex: Female

Age: 26

Agent Pau/P

"That's me! So pinakita ko 'to sainyo dahil magkakaroon din kayo nito to help solving cases." Sabi nito at tinago ang foundation chuchu, "It's called, Identifier Personality or I.P. bagong gawa 'to ng Blue Section."

Namangha ako, so siguro lahat ng napupunta doon ay magagaling at sobrang talino. Eh ako nga, di'ko alam ang mga 'iyan.

"Malalaman niyo 'to on your Science class, by the way, wala si Miss Kath dahil may pinapractice pa sila ni Sir A niyo." Sabi niya.

"Grabe, chix din 'yon eh." Rinig kong sabi ni Max, "Iba ka Sir A!" hindi ko alam kung sino ang kausap niya, sino kaya 'yun? Solving cases palang kasi ang napapasukan namin ni Tony kaya wala akong alam or kilala sa mga teachers dito, or kahit history ng school na 'to.

Well, except nung nasa museum kami. Naka hanap ako at naka gather ng info about dito sa detective school. Sobrang galing.

"So, dahil hindi ako ininstruct kung anong ituturo sainyo, may ipapakita nalang ako." Sabi nito. At inopen ang laptop niya, nagulat ako ng mag project ito sa harapan namin kahit wala namang projector, grabe na itooo.

"Blue section made this too," unti unti na akong namamangha, blue section ay known as taga autopsy ng katawan ng victim, pero parang mas more than that pa sila, parang ibang klase sila. "Science lang kasi and technology ang pinag aaralan, mababaliw na siguro ang mga 'yon." Tawa pa niya

"Okay so, ito 'yung three golden animals na naka tago sa mountain ng Palawel mountain, the golden animals, are the ones na nag babantay daw ng mountain na 'iyon at may gods na naka pasok sa loob. Tho, masyado itong hindi kapaniwala kapaniwala, some bad guys tried to stole this. But, hindi sila nag tagumpay dahil mahihina pa ang technology sa pilipinas dahil parati tayong outdated when it comes to technology." May pinindot sya sa laptop niya at lumabas ang lion na kulay gold at parang 3d lang sya, "This is the number one golden animal, the Lion-nal."

"It was called Lion-nal because Lion is the king of the jungle, pero hindi siya ang pinaka malakas, siya lang ang namumuno. The lion is the 2nd sa malalakas. And nal, was from the founder of this 'history', sir Leonal Arthur." Sabi niya. Napa 'ahh' nalang kami. Dahil manonosebleed na ako.

"So you mean, you are a secret agent or something?" sabi ni Katey

"Uh, yes." Binaling na niya ang tingin nya sa laptop niya, "Rabbit is the second one, It may not be stronger than the lion, but they are tricky and very smart. Rabbit-sun, from the word rabbit and sun, they are combined by Leonal's daughter na sobrang talino."

"Wait, so ano ang mga 'yan?" tanong ni Ella.

"Masyadong excited.." sabi niya, inirapan lang siya ni Ella, "The strongest of them all, the Dragon-heat. Dragon and heat of the fire. This is was called by the brother of Leon's."

"So what?" sabi uli ni Ella.

"Sinasabi ko 'to sainyo dahil may ikukuwento ako sainyo, mukhang atat ka yata." And again, inirapan lang sya ni Ella, "It is my mission. Yes, I'm a secret agent, and nag graduate din ako dito, mula ako sa purple section. May hindi pa kayo alam sa institution na 'to, so I understand why you guys are impatient." Sabay tingin kay Ella, "These three golden animals, are treasure of the three founders. Naka tira na sila mula dati pa sa mountain na 'to, kaya nandoon naka baon.. Someone is trying to steal these three golden animals, kaya binabantayan naming at inaalam ang pwedeng mangyari at kung sino ang gustong kumuha at ang pakay nito. I need your help in this case.. I'm not forcing you, just help me gather informations, I may look like a desperate secret agent, but I'm still needing you, kahit anong mangyari, we must protect these three golden animals.."

"And? Bakit masyado kang over protective at kailangan mo pa ng tulong namin? You are an agent, kaya mo na 'yan."

"Ella.." saway ni Katey, dahil kahit papaano ay teacher pa din namin siya, kahit malaki ang hinihingi niyang favor.

"What?"

"Tama ka. Trabaho ko 'to, but you guys are not just a normal detectives and students, may kakayahan kayo.. ako, wala.. agent lang ako. I'm not that good, mag isa lang ako. I'm free to do whatever I want para lang masolve 'to." Sabi niya, "And this is very important to me because... ah ano.." sabi niya at pinatay ang laptop kaya nawala na ang projector na 3d sa harapan namin, "I'm the grand daughter of Leon's daughter."

Napa nga-nga kaming lahat.

"You got me, Miss Pau." Natatawang sabi ni Greg,

"No.. its true.. hinabilin 'to sakin ng lola ko, that's why importante na din 'to saakin."

"Okay, I'll help you." Sabi ko.

Napa lingon silang lahat saakin. At mukhang nag tataka talaga sila, may sinabi ba ako?

"A-Are y-you sure??"

"Yes."

"But, Jenny—" saway sakin ni Tony

"No. it's okay. I wont mind. Besides, ikaw din naman ang makokonsensya if hindi 'to totoo di'ba?" she nodded at ngumiti.

"Thank you! Meet me at the faculty later." Sabi niya sakin at narinig na namin ang bell.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon