Chapter 18: House on Fire part two

72 4 0
                                    

Nakarating kaming lahat nang safe at walang kahirap hirap medyo nakakatakot dahil mahaba ang daan papunta dito, hindi na kami nag aksaya pa ng panahon.


"T-Teka?! Asan si Naomi?" tanong ni Lorenz kaya napa lingon kami sakaniyang lahat.


"Eh, baka kasama na ni Mario papunta dito."


Pero nakita kong walang kasama si Mario papunta dito, hindi kaya..


"Mamaya na tayo mag tanungan." Sabi ni Sir A kaya agad agad kaming pumasok sa loob, isang maitim na usok ang sumalubong saamin dito sa Sala. Nakita kong wala ng apoy, at tanging maraming fire extinguisher nalang ang naka kalat sa sahig, mukhang wala na tong laman.


"Ayos ka lang ba Mario?!" nilapitan siya agad ni Rex, kasalukuyan siyang naka upo sa gilid at parang wala sa sarili. Nandoon din si Naomi na kanina pa namin hinahanap, umiiyak at pinapa tahan si Manang Cynthia. Saan kaya siya galing?

Nakita ko din si Owen na may kausap sa phone at narinig ko na ang siren ng ambulansya, ng mga bumbero at ng mga pulis. Papunta dito. Malamang ay tinawagan niya na ang mga iyon.


Pumasok ang mga pulis, kasabay ang bumbero, gumamit din sila ng hindi ko alam ang tawag pero nawala agad ang maitim na usok dito sa loob ng bahay. Nang mawala ito ay mas clear na ang nangyari. Itim na at sirang sira na ang sala. Sira na din ang pintuan ni Keandra..



Keandra..

Hindi kaya..



"Dalawa ang bangkay na nakita namin sa loob ng kwarto, hindi na namin makilala ang mukha.. kilala niyo ba sila?" tumango si sir A na kausap ngayon ng mga pulis.


Nilatag nila sa harapan namin ang dalawang bangkay at lalong umiyak si Aling Cynthia pati si Naomi, si Rex at Lorenz ay namutla at si Mario na wala pa ding kinakausap at nanatiling tahimik at wala sa sarili

Pumasok ako sa loob, bakit ganon? Parang yung sala lamang at kwarto nila Keandra ang nasunog, ang kusina ay hindi ganoon nasunog at ayos pa ito. Hindi kaya target talaga sila Keandra?


"Nasa silid na ako ng mga oras na 'yon para matulog na ako. Tapos nakarinig ako ng timer ng isang parang bomba at bigla nalang itong sumabog. Pagkatapos ay narinig ko din ang pag galaw ng zipline dito sa bintana ko. Hindi ko nalamang iyon pinansin at minabuting tingnan kung anong nangyari dito, pagkatapos non ay nakita ko na ang malaking apoy na kinakain ang sala, lumabas naman din si Keandra at Patricia, na mukhang gulat na gulat din. Kumuha ako agad agad ng fire extinguisher sa kwarto nila Sir.. ngunit dahil sa katandaan ko ay di ako marunong kung paano gamitin iyon. Sinubukan ko kung paano.." humikbi siya, "rinig na rinig ko ang sigaw nila Patricia sa loob ng kwarto ni Keandra, pinapatahan siya ni Keandra at binubuhosan nya ng tubig mula sakaniyang timba sa CR niya ang apoy, pero hindi to namamatay.. dumating si Naomi at tinulungan ako kung paano patayin ang apoy gamit ang mga 'yan, tapos ay dumating na din si Mario. Ngunit nakain na ng apoy sila Keandra.." umiyak na si Aling Cynthia, "hindi ko man lang nagawang iligtas ang alaga ko.."


Naawa ako kay Aling Cynthia, matanda na ito at mukhang mahal na mahal si Keandra.

Pero.. parang may mali eh.

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon