Chapter 17: House on Fire part one

68 4 0
                                    

"Sure ka ba dyan Sir A?" Naiinis na tanong ni Katey kay Sir, papunta kaming ngayon sa mansyon ng Vella. Kanina pa din kasi sila nag tatalo kung saan located ang Vella. Kung nasa taas ba ito ng bundok o hindi.

Ang Vella ang pinaka mayaman sa syudad nila. At pang labing isa sa Pilipinas.

"Sabi ngang nasa bundok." Kalmadong sabi ni Sir A.

"Pero duh! Mahihirapan kaya silang gumawa ng mansyon tapos sa bundok pa." Katwiran ni Katey.

"Eh hindi naman ikaw ang nagpa tayo eh!" Sabay halakhak ni Owen. Inirapan na lamang siya ni Katey.

Pagkalipas ang tatlong oras ay nakarating na kami. Medyo mahirap nga dahil nasa taas nga talaga. Pero expert naman siguro si Sir A sa pag dridrive kaya hindi kami nahulog.

Bumaba kami sa napaka gandang mansyon ng Vella. Sobrang ganda! Malaki ito, malaki ang gate, may fountain sa gitna. Kulang nalang ay mag mala prinsesa ka roon.

"Andito na tayo?" Nagtatakang tanong ni Max, tinanguan siya ni Ella.

"Oh, edi tara na!" Masiglang sabi ni Owen, nang may makita kaming matanda na kuba at naka itim na nasa loob at nakatingin saamin. Nanlaki ang mata ko, at naramdaman ko si Tony na tumago sa likod ko.

"S-Sino yan?!" Tanong naming lahat, except kay Ella, Ivan at Sir A.

"Ay, naku! Kayo ba ang detectives?" Lumapit siya saamin. Matanda nga talaga siya, pero nakakatakot sya kanina dahil hindi siya lumalabas sa dilim, "ako nga pala si Cynthia. Tara pasok kayo..." Pinag buksan niya kami ng gate.

"Pasensya na po." Sabi ni Greg, tumango lamang siya.

"Naiintindihan ko kayo. Hahaha." Tumawa pa sya, "Nga pala, kasambahay lang naman ako dito.." Sabi niya, "Andoon pa sila Keana sa likuran kasama ang mga barkada niya, wala pa ang mga magulang niya dahil kagagaling lang non sa cebu." Tumango kami.

"Bakit nga pala tayo nandito ulit?" Rinig kong bulong ni Max kay Sir A.

"Andito tayo dahil inimbitahan tayo ng mga magulang niya, bukas pa sila makakarating, tama po ba?" Tumango si Cynthia at umalis na din, "at nabalitaan nila na sikat na tayo, kaya yun" ngumiti pa si Sir A sa kayabangan nya.

Umupo muna kami sa sala at nag hintay. Kung mapapansin mo, ang daming magagandang bagay dito.

"Nuod tayo." Kumuha naman si Owen ng remote.

"Tatlo 'yung remote, so paano mo malalaman saan dyan?" Masungit na sabi ni Ella.

"Bat tatlo? Isa lang naman ang TV nila." Sabi ni Tony.

"Pero yung isa ay para sa DVD player, para saan naman 'to?" Inangat ni Katey ang remote na walang brand ang may nakalagay. Walang may sumagot, dahil hindi naman alam para saan 'yon.

"Huwag nalang tayo makialam." Sabi ni Max

Pagkalipas ng limang minuto ay dumating na si Keandra. Maganda ito, maputi, at may katangkaran.

"Uy! Andito na pala kayo!" Naka ngiti niyang sabi, "pasensya na ha.. Nagkatuwaan lang kami doon sa kabila.." Sabi niya

"Ah eh..ayos lang." Sabi ni Sir A, na ikina irap naming lahat.

May pumasok naman na maskuladong lalaki at matangkad, medyo moreno ito, "By the way, Mario.. Boyfriend ko po." Sabi niya.

"Ahh." Sabi nalang ni Sir A, muntik na akong matawa. Ngumiti samin si Mario.

Sunod sunod ng dumating ang mga kasing edad lang ni Keandra.

Yung isa na morena, na maigsi ang buhok at mukhang mataray. Sunod ay ang lalaking may salamin at medyo maliit, sunod ay ang medyo mataba na lalaki at nahuli ang babaeng payat at kulay blonde ang buhok.

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon