Chapter 12: Alphabet Deathts part two

121 9 3
                                    

Jenny's POV

Binaba na nila Max si Sir Benedict, chineck na nila Ella at Max ang CCTV pero blur lamang ito.

Dalawang tao na ang namatay, ano pa kaya ang susunod?  Nakakita nanaman kami sa desk ni Sir na sulat, na minarkhan na ng X ang Letter B. Benedict, bitay.

Pumasok muna kami ulit sa van at nagusap..

"Hindi pa nga natin tapos ang case 1 meron naman agad na case 2?! Unbelievable." Naiinis na sabi ni Owen.

"This is a challenge for us." Sabi naman ni Ivan..

"Grabe naman 'tong killer na 'to. Walang awa? Pero, C ang susunod na papatyin? Sino naman kaya?" Sabi naman ni Sir A.

"Once kasi nakapatay ang killer, kinoconnect niya sa first letter ng name at kung pano, o anong murder weapon niya gagamitin." Sabi naman ni Ella.

"Maybe ang next niyang gawin, SAAN magaganap ang crimescene." Sabi 'ko.

"Pwede, pero san naman posible 'diba?" Sagot ni Ella saakin,

"Dapat dito lang sa school na 'to." Sagot naman ni Sir A.

"It could be everywhere sir A." Sagot naman sakaniya ni Katey

"Pero I think connected lang 'to sa school na 'to, may murder  bang naganap sa labas? Wala naman 'diba? Dito lang."

"Tama, maybe sa canteen... C....canteen..." Nagtinginan naman kaming lahat sa isa't isa,

"Maybe...si Manang Carla."sabi ni Ivan

"What about her?"sagot ni Katey

"C... Carla...assigned siya sa Canteen... She could be the next one." Sabi ni Ivan

Lumabas kami lahat ng van at sumugod sa Canteen, pero nandoon pa din si Manang Carla at nagseserve sa customers niya. Tuwang tuwa pa ang mga tao, para bang wala man lang nangyare kanina.

"Buti nalang.." Nakangiting sabi ni Greg.

"Magbantay nalang muna tayo.." Suggest ni Sir A  lahat kami nagsitanguan at naghiwalay kasama ko ngayon si Greg, dahil hinila niya ako.

15minutes na kaming naghihintay pero wala paring nangyayare, pero may naamoy nanaman kami. Hindi kaya..

"Ang baho naman, nakakawalang gana kumain." Sabi nung isang estudyante. Buhay naman si Manang Carla, saan kaya galing 'yung amoy na 'yun? Pinasok namin kung saan nagluluto ang mga workers dahil dito namin naamoy yung mabaho.

And yes...tama nga kami...

Isang babaeng nakahiga at may kutsilyo sa noo. Kung dati ay takot na takot kami, ay ngayon naman mukhang sanay na kami makakita ng ganitong bagay. Tinwagan na ni Owen ang Blue sec para pumunta dito, 'yung mga estudyante naman ay nakipasok na rin dito at nakichismis.

Tiningnan namin 'yung ID ng estudyante...

"Claire Buenavista"

"C....claire, canteen." Sabi ni Max,

"Di na yata tama 'to... Kailangan na nating mahuli at makahanap ng ebidensya agad agad." Sabi ni Owen

"Pero di naman nagiiwan ng clues ang suspect, how can we solve this?" Tanong ni Katey.

Walang may sumagot sa tanong ni Katey.. Dumating na ang blue section at dinala na ang victim.

"Tumawag sakin yung pink hotel, ngayon lang daw nila napansin na nabasag 'yung Axes collection nila. It could be the murder weapon for case 1." Sabi ni Tony, napangiti naman kami dahil sa wakas, meron ng murder weapon.

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon