Simula

85 8 2
                                    

Bakit nung umalis sya masakit? Pero, bakit nung bumalik sya mas masakit?

Summer nun, natatandaan mo pa ba? Summer nung una tayong nag-kakilala. Actually, kilala kita kase sikat ka... At ako yung di mo kilala dahit wala lang ako. Nobody, Ordinary, Cheap etc.

Pero ansarap sa feeling nung ikaw ang unang lumapit sa akin. Hahaha! Natatandaan mo pa ba? Nakalimutan mo yung folder mo at wala kang kopya. At dahil mabait ako, pinasukob kita.

Ang sarap sa feeling nung naka-tabi kita at mag-mula nun pinapansin mo na ako, sinasamahan mo na rin.

Di kalaunan naging mag-kaibigan tayo. Tandang tanda ko pa yun. Umiiyak ako dahil nag-aaway yung parents ko. Pero dinalhan mo ako nang ice cream. Chocolate Flavor yun, naaalala mo pa ba?

Nung patapos na ang Summer. Umamin ka sa akin. Grabe, di ko akalain yun, parang panaginip. Kinurot mo pa nga yung pisngi ko kase inutusan kitang gawin yun.

Sabe mo sa akin, Gusto mo ako, hindi bilang kaibigan. Sobrang nalungkot ako kase akala ko mag-kaibigan tayo pero may sinabi ka pa ulet... "Gusto kita higit pa sa kaibigan.. Sa tingin ko nga mahal na kita eh." Iyan yung eksaktong pag-kakasabi mo. Natatandaan mo pa ba?

Grabe di ako makapag-salita nun. Wala akong masabi pero isa lang yung nararamdaman ko. Masaya ako sobra.

Sabe mo liligawan mo ako. Pumayag ako kasi alam ko sa sarili ko na nag-kakagusto na rin ako sayo.

Linigawan mo ako nang isang buwang mahigit. Sinagot na kita nung nasa park tayo. Naaalala mo pa ba? Tuwang tuwa ka nun. Syempre ako rin masaya nun.

Isang linggo na lang pasukan na ulet. Sabe mo sa akin kahit anong mangyari mahal na mahal mo ako at di mo ako ipag-papalit, at sana ganun din yung nararamdaman ko para sayo. Di mo na naman kailangan pang sabihin yun sa akin dahil mahal naman talaga kita eh.

Pero dalawang linggo na mula nung nag-pasukan. Di ka na nag-paparamdam. Na-mimiss na kita. Ako kaya namimiss mo?

At dahil di ako mapakali, pinuntahan kita sa bahay nyo. Pero walang ikaw na sumalubong sa akin. Tinanong ko yung gwardya nyo kung nasaan ka? Kung ayos ka lang ba?

Pero ang sakit nung sinabi nya. "Neng. Wala na sya dito! Nasa ibang bansa na sila kasama nanay nya at mga kapatid" hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko.

Dapat ba akong magalit? O dapat ba akong matuwa? Masaktan kaya? O malungkot? Hindi ko alam.

Bakit di ka nag-paalam sa akin? Naiisip ko tuloy na baka hindi mo na ako mahal.

Isang linggo ako nag-kulong sa kwarto nun. Umiyak lang ako nang umiyak. Ang dami kong naiisip na puro negatibo, pero lahat pinapawi ko kasi alam kong may dahilan ka.

Alam kong katangahan ang hintayin ka nang tatlong buwan nang walang paramdam. Sorry, kase may nag-tangkang manligaw saken pero wag kang mag-alala di ko sila pinayagan.

Nag-text ka saken nun. Alam mo bang sobrang saya ko nun? Pero biglang napawi yung saya nang pagtataka. Bakit ganun ang text mo. Namali ka lang ba o para sa akin talaga yun?

Sorry. Yan mismo yung naka-lagay sa text mo. Bakit? Nag-sorry ka ba kasi di ka nagkapag-paalam sakin o nag-sorry ka kase tapos na ang lahat sa atin?

Nag-text ako sayo nang bakit? Pagkatapos nun di ka na nag-reply

Gulong gulo na ang isip ko nun. Kinabukasan nag-reply ka. Kinakabahan ako sa reply mo.

Nag-dalwang isip ako kung bubuksan ko ba o wag na muna. Pero binasa ko pa rin.

Ang sakit grabe. Hindi ko na talaga napigilan ang umiyak pa. Sobrang sakit.

I'm sorry. Very sorry. Hindi mo ako deserve. Find someone na mas babagay sayo.

Iyan yung nakalagay sa text mo. Bakit? Dahil ba hindi kami mayaman? Hindi ako maganda? Siguro nga hindi ako bagay sayo.

Ang hirap pala mag-move on ano? Ikaw nahirapan karin ba? Hahaha. Ano ba yan. Baka nga sa ating dalawa ako lang yung nag-momove on.

Patapos na nang school year nang masabi ko sa sarili ko na wala na talaga. Tanggap ko na! Moved na ako. Past tense na.

Alam mo bang close kami ni tadhana?
Summer na ulit. Pinagtagpo na naman tayo ni Tadhana.

Bakit nung umalis ka masakit? Pero, bakit nung bumalik ka mas masakit?

Tadhana, kelan ka ba aayon sa akin?

-

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon