Tadhana 4

26 2 0
                                    


Dear Alexine,

Sorry kase napaka-immature ko, Mas inuuna ko pa yung nararamdaman ko kesa sa nararamdaman mo. Hindi ko man lang naisip na baka nasasaktan ka na. Oo inaamin ko nag-kamali ako nung iniwan kita and God knows na pinag-sisisihan ko yun pero wala akong magawa, I left with no choice. Hindi ko sinasadya na masaktan ka. I'm sorry for being jerk that time. Sorry napaka-selfish ko. My Angel..... Can we start it all over again?

And it was just another night full of pain and cries. Could somebody hit me in the head nang sa ganun ay matauhan ako.

It's just 80 words pero bllsht. Tagos hanggang buto. Hindi naman kasi dapat ako apektado eh, pero tangina ang lakas ng impact mo sa akin. Sabe na eh, sarili ko lang din naman ang kalaban ko at hindi talaga si tadhana. Porke't maganda kasi ako eh ayaw na tuloy akong pakawalan ng mga problema. Kase naman eh, nakakapagod ding umasa sa wala.

Ang buhay ko ay parang itong istoryang binabasa nyo... Sobrang Gulo! Hayyy. Ang hirap kasi ibigay yung tiwala eh, tsaka marami na akong paano pag-ganyan, paano pag-ganito, paano sumubo, paano humawak, paano kumain, paano gumawa, paano ipasok, paano ilabas, paano dito, paano doon, paano everywhere! Puta puro paano eh.

Paano pag-sumubok ulit ako? Edi masasaktan lang ulit ako. Paano pag-nasaktan ulit ako? Edi matatakot na naman ako. Ang hirap maniwala! Kasi ang TIWALA oras na MASIRA ang hirap nang IBALIK, pero kung hindi ako susubok edi magiging loner na lang ako, wala nang mag-mamahal sa akin kasi ako mismo nahihirapan nang mag-mahal. Mygoooood! He's the worst man I've ever encountered in my life.

At kahit kailan hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Akala ko lang pala, akala ko naka moved on na ako... Pero nung bumalik sya ay mabilis ding bumalik yung feelings ko. Siguro naman he deserves a Second Chance noh?

*kriiiiiiiinggggggg* *kriiiiiiiinnggg*

"Enebeyen! Nag-momoment pa ako oh! Epal epal epaaaal! Sino ba to?"

Huh? Unregistered Number. Sasagutin ko ba o sasagutin ko? Sige na nga! Baka importante eh

"Hello? Sino to?"

"Hello!"

OMG! Eto na naman yung puso kong ambilis tumibok, normal lang ba kabahan ang isang tulad kong tanga pero maganda? Sht.

"Sino to?"

Syempre dapat hindi muna kilala ang peg para cool. Hahaha.

"Sino pa ba? Only binay ~"

Puta. Pakanta nya pang sabi. Unggoy talaga kahit kelan.

"Ikaw ba yan Nognog, Pandak at laki sa hirap?"

"Hahahahaha! Shit. Si ano.... Haha. Si ano to... Hahahahaha! Si ano to si Hope. Ang lalaking magiging tatay ng mga anak mo! Hahaha"

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon