"Kunwari wala akong pake sayo. Pero sa totoo, miss na miss na kita."
Sabe ko sa kanya sa tapat nang screen.
"Wag mag-emote okay? Uuwi rin naman ako eh. Yun nga lang matatagalan pa"
Wag daw mag-emote pero naiyak na sya. Huhuhuhu!
"Sana araw-araw na lang kitang kasama para di kita namimiss!"
Sabe ko sa kanya. Huhuhu! Naiiyak na rin ako eh.
"Ano ba naman to. Ang drama naten! Hahaha. Ano ba tama na baka di na ako maka-tiis at umuwi ako ngayon din."
"Mama. *sobs* Kakausapin ko si Papa promise, Uwi ka na Ma. *sobs* Mamaaa"
Grabe. Tuluyan na talaga akong napa-iyak.
"Ay. Please Alexx, intindihin mo naman si Mama. Kahit ngayon lang please? Alam kong nahihirapan ka *sobs* pero nahihirapan na din si Mama *sobs* Hindi ko na kaya ang ugali ng Papa mo. Basta don't worry space lang ang kailangan ko maayos di ang lahat okay?"
Tumango na lang ako. Hindi ko kaya mag-salita, feeling ko may nakabara sa lalamunan ko.
"Sige, usap na lang tayo ulet ha? I love you, Always remember that! Ingat ka palagi. Smile na Alexx, Everything's gonna be okay... I promise."
Then pag-katapos nun. Namatay na ang Skype.
Hayyy ang ganda nang buhay.
Nanghingi ng space si Mama kay Papa dahil palaging umuuwi si Papa nang lasing.
Hindi kame mayaman, Hindi rin naman kame mahirap. Nakaka-kain naman kame ng tatlong beses sa isang araw.
Pero diba? Lahat naman nang tao nakakaranas nang matinding problema.
Umutang si Papa ng 50,000 sa kumpanyang pinag-tatrabahuhan. And guess what? Sa casino nya lang dinala. Nagalit si mama dahil dun.
Dumating yung time na wala kameng makain dahil yung savings namen sa bangko ang ipinangbayad namen dun sa kumpanya. Pero kulang parin yun.
Na ngutang si mama kung kanikanino. Minsan toyo na lang ang ulam namin, kung sweswertihin may de lata kameng makakain.
Nung nalaman ng Lola ko sa mother side ang nang-yari. Pinautang sina Mama ng pera, at dahil dun nabayaran namen ang utang.
Ayaw pa sana ni Papa tanggapin dahil nangako sya na aalagan nya kame. Pero hindi rin eh, wala syang magagawa. Lubog na lubog na kame sa utang.
At dahil close kami ni tadhana, may isang pangyayari ang di talaga namen inaasahan.
Namatay yung lolo ko sa father side. Grabe talaga. 1 buwan ako halos si pumasok sa school dahil sa mga pangyayari.
Sinisisi ko si Papa sa nang-yayari. Pero pinapagalitan ako ni mama. Bullsht. Kahit anong sisi ko sakanya, kahit anong pilit ko magalit kay Papa, hindi ko magawa. Syempre Tatay ko parin sya, pag-balik baliktarin mo man ang mundo still tatay ko parin sya at syempre Mahal ko pa rin sya.
Hays. Tama na ang Throwback kase di naman Thursday ngayon kase Monday ngayon at dahil Monday may pasok kame kahit bakasyon na.
Ito ang ayaw ko tuwing pagkatapos school year eh "Summer Workshop" hays required kase sa school na umattend dun kasi pagdating ng pasukan may points yun sa final grading, and as a honor student, kailangan konh mag-participate dun sa Workshop.
At dahil moment ako ng moment kanina di ko namalayan na nandito sa ako sa gate ng school namen.
Skylight Academy
Workshop list
• Singing
• Dancing
• Sports
• Instrument playing
• Acting
• PaintingAno kaya? Grabe di ko naman forte ang mga yan eh. Hays nemern
Habang nag-iisip ako, dumating na ang pinaka-maingay kong bestfriend
"DESTINYYYYY ALEEEEXINE SAAVEDRAAAA!!!!"
Grabe kailan isagaw ang pangalan ko. Sheez! Kakahiya enebe.
"Gigi tumigil ka! Kakahiya uy. Hayst"
Saway ko sa kanya
"Overr ka bes. Hahaha! Okay okay fine. So ano? Naka-pili ka na?"
"Actually, mamimili na sana ako nang umepal ka."
"Tse! So ano na?"
"Wait ha? Pede pinag-iisipan ko pa kase mabuti. Wait gigi ha? Excited kase ako eh" -sarcastic kong sabi
"K.fine"
Ahm ano kaya. Singing kaya? Kaso sawa na ako dyan eh nung nakaraang taon na ako sumali dyan eh. Gusto ko maiba, Dancing kaya? Eww never mind, parehong kaliwa ang paa ko eh. Acting? No no no.
"Meron na ako!"
"Talaga? Anooo? Alam mo kase sa Sports ako ngayon, Gusto kong matuto mag-swimming eh. Hahaha! By the way, Ano na?"
"Painting!" Masigla kong tugon.
"Srsly? Dee sa painting talaga? Magaling ka mag-drawing pero hays bahala ka sa buhay mo. Amboring dun eh."
"Sus! Bitter ka lang kase di ka marunong mag-drawing" sabe ko
"K.fine"
*School bell rings*
"Bye. Gieselle Keyt Ramirez! Hahahaha! Kita tayo sa Canteen mamaya. Labyu" -ako
"Okaaay! Mamimiss kita Dee. Hahaha." -sya
"Eww! Alexx kase itawag mo." sigaw ko sa kanya.
"Ayokooo" natatawang sabi nya habang natakbo. Hahaha!
Eto na Painting Class Room.
"Ma'am mag-papalista po ako"
"Okay. Paki fill up-an to. Tas punta ka na sa Room number 347"
Nang tapos ko na. Dumeretso na ako sa Room. 3rd floor.
Sa hindi inaasahan may naka-banggaan ako sa may pintuan.
"Destiny" mahinang sabi nya.
Shett naman. Bakit andito din sya? Tadhana talagang mahal mo ako ano?
—
"Love doesn't hurt. People do."
Sorry sa Typo and Wrong Grammar.
- jnnshly ❤
BINABASA MO ANG
TADHANA
Teen FictionLife is a cycle of happiness and pain and life is all about holding on and letting go. Walang permanente sa mundo, hindi lahat ng bagay kaya mong hawakan at hindi lahat ng bagay dapat masaya. Kailangan nating makuntento kasi nga walang permanente s...