Tadhana 8

26 3 0
                                    


Kawawa naman yung mga seryosong tao, palaging nafa-fall sa maling tao. Bakit kase may mga taong sa una lang magaling? Yung tipong ang sweet sweet nila sa una, tapos pag na-fall na ayun iiwan ka nalang basta basta, kaya maraming bitter sa mundo eh.

Sabi nila words may lie, but actions will always tell the truth. Kaya girls don't fall for sweet words, fall for sincere efforts.

2 araw na ang nakakalipas mag mula nang makita ko ulet si Hero, dalwang araw na ang nakakalipas mag mula nang sabihin sa akin ni Hope na nag-seselos sya... At kinabukasan nun, para syang nagka-amnesia. Hindi na nya ako pinapansin.

Nakaka-inis talaga sila ano? Matapos magpakilig mawawala na lang na parang bula. Madalas nilang sabihin, ang mga babae daw magulo, eh ano pa sila? Wala rin naman silang pinag-iba samin.

Kung hindi lang ako pinilit at binulabog ni Gigi sa bahay eh, Ang sarap sanang matulog na lang sa bahay kesa maglakwartsa dito sa mall. Wednesday ngayon. Wala kaming pasok kaya pwedeng mag hayahay buhay.

Anong masarap na Cake flavor? Hmmmm.

"Ano Dee? Tititigan mo na lang yang cake? Sige mukang mabubusog ka naman sa pagtitig lang, eh di na kita ililibre"

"Teka nga! Eto na nga oh. Triple Chocolate na lang he-he-he" sabi sabay peace sign.

"Gi, hanap lang ako ng upuan ha?"

"Osige. Hahanap ka lang ng upuan ha? Wag kang lalayo, baka mawala ka pa" seryosong sabi nya sa akin. Yung totoo? Bata ba ang tingin nya sa akin?

Ang ganda dito sa 'Kopi & Keyk Shop'. Vintage ang style, akala mo nasa sinaunang panahon ka.

Nakaka-inis 'tong nasa katabing table na naupuan ko. Akala mo naman walang bukas kung makapag-lampungan. Hell-o Maraming tao dito sa shop noh!

Sweet sweet nyo dyan, tatawanan ko na lang kayo pag nag-break kayo. Pweee!

Hays Dee! Ba't ba ang bitter mo? Porke't di nag paparamdam si Hope eh, nakakainis talaga, akala ko okay na eh. Lintik na Akala!

Dumating na rin si Gigi, kumain lang kami ng matiwasay tapos nag-yakag sya may shopping. Rich kid sya eh! Eh ako ba? Window shopping lang ako, at sa aming dalawa sya lang ang nag-eenjoy.

"Nag papa-apekto kase"

Parinig sa akin ni Gigi

Okay inaamin ko naman talagang na aapektohan ako, masama ba yun? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman eh

"Ewan ko sayo Gi, alam mo kas ----"

"Kyaaaaaah! Ang ganda neto girl. Bilhin natin dali! Omygod"

Shesu. Di man lang pinatapos ang sasabihin ko, kase naman nakakita na naman ng obsession nya.

Sapatos. Hell yeah, collector sya ng sapatos, mapa rubber shoes man o high heels.

"Wala akong pera"

Simpleng sagot ko.

"Edi papa-utangin kita! Tsaka tingnan mo nga yang Doll shoes mo, pasira na eh. Dali na oh! Pasok na tayo sa loob at bibili tayo sa ayaw at gusto mo!"

"Oo na, dami mong sinasabi eh"

Wala rin naman akong magagawa, sya kasi yung tipong hindi mo mahihindian, tsaka pag sinabi nya paninindigan nya... Di tulad ng iba, sa una lang magaling hayssss.

At ngayon nag-sisisi na ako! Bakit pa ba kasi ako pumayag?

Ang lakas nya! Hindi man lang kayang mag-paramdam pero nakakagala sa mall tapos may kasama pang ibang babae, ANG SAMA NYA!

Dee act normal, umakting ka na lang, magpanggap tulal dito rin naman ako magaling.

Hindi nya ako makita dahil naka-talikod sya sa akin at nasa kabilang section sya ng shop.

"Miss, ang sabi ko po size 8"

At dahil eksaherada si Gigi, halos lahat ng tao napatingin na sa kanya, sa amin, kasali sya at yung kasama nya

Hindi ko maalis yung mata ko sa kanya.

That moment when his eyes met mine everything becomes slow motion.

Tapos sinabayan pa ng kanta ng shop. Asar mats.

Tumingin saking mata, magtapat ng nadarama ~

Kitang kita mo sa mukha nya ang pagka-gulat. Gustong gusto ko syang sigawan ng "ANO? HULI KA NA! TWO TIMER KANG UNGGOY KAAA!"

Pero syempre hindi ko gagawin yun, kasi feeling ko wala akong karapatan, wala akong karapatan magalit at masakatan

Pero diba sinabi nya naman na liligawan nya ako? Sabi pa nya nag-seselos daw sya sa amin ni Hero.

Napatingin ulit ako sa kanya. Waiiiit natatakot ba sya?

Good matakot ka dahil mamaya isusunod na kita susunugin ka ng nagbabagang apoy hanggang sa mangamoy ang iyong katawan, sa dugo'y lalangoy at kawawa ka boy namatay ka ng walang nakaka-alam. Bwahahahahaha!

Ang sakit lang, yung lampasan nya lang ako ng tingin, na parang hindi nya ako kilala

Hindi ko na kaya to. Bahala na, gusto ko ng tumakas.

At katulad ng ibang kwento na nababasa nyo, Walk out queen ang peg ko ngayon.

Tadhana, kelan ka mapapagod? Kase ako pagod na pagod na

If you want me to trust you, just be real and honest.

Sorry sa Typo at Wrong Grammar

YessaMhay i luv u girl 😘

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon