Minsan kahit napakadaldal mo, May mga oras pa rin na hindi mo masabi ang nararamdaman mo. Bulag ka na sa katotohanan at Bingi ka na rin sa mga kasinungalingan, Mamamanhid ka na lang sa sobrang sakit nang nararamdaman, yung tipong wala ka nang pakealam sa iba basta't ang tangi mo lang alam ay ang sakit sakit sakit na.Yung ipinaglaban mo pa sya kasi mahal mo sya pero naisip mong ganun pala kasakit yung sumuko na sya habang ikaw lumalaban pa.
Pag nagmahal ka daw ng gwapo, asahan mo may panlolokong magaganap, Package yan eh.
Haaaay. Hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawang tama. Hindi ako makapag-concentrate ng ayos, halos mapuno na nang papel ang kwarto eh. Simpleng wedding lang ang idradrawing ko pero di ko magawa.
Eto ba ang ibig-sabihin ng lack of inspiration kuno?
Malala na ako, pwede bang dalhin nyo na ako sa mental? Maloloka na talaga ako.
Bahala na kung ano kalalabsan ng drawing ko. Wala na talaga akong gana, kung mapangitan man si Sir Arthur dito eh wapakels na, tutal magkamuka sila ng drawing ko, parehong pangit Bwahahahaha!
Pagkatapos kong idrawing ang mga kaekekan ni sir ay natulog na ako dahil maaga pa bukas.
As of now wala pa namang katangahan ang nagyayari ngayon sakin, wala rin namang bago ngayon, ganun pa rin sinundo ako kanina ni Hope.
At nandito na rin ako sa room hinihintay na naman ang Mentor naming pa-VIP jusko paano? Letche. Inip na talaga ako, ano bang pinag-gagagawa nun sa buhay?
After 48 years of tungangabels ay dumating na si Sir Arte. At sinabi ang pinaka-laos na line sa buong mundo. Pwe!
"I'm sorry class. May emergency lang, so simulan na natin ang klase para marami tayong magawa. Kamusta naman yung drawing nyo? I hope na nakagawa kayo kasi ngayon ang presentation nya. Simulan na natin ha? Random ang pagtawag ko sa inyo, so get ready Destiny Saavedra"
Bakit ako kaagad?
Tumayo na ako at pumunta sa unahan dala ang drawing ko sa 1/4 cartolina.
"Actually, hindi ko alam kung bakit ito yung naimagine ko kahapon" pasimula ko "Kasi in the first place napaka-bata ko pa para ikasal diba? Bakit wedding yung naisip ko? Then naalala ko, it was my dream. Ang makasal sa taong mahal ko at sa taong mahal din ako... Para sa akin ang kasal ay para lamang sa taong marunong mag-mahal. Sabi nga dun sa bible verse na nabasa ko, "Whoevet does not love, does not know God, because God is Love". Ang taong hindi marunong mag-mahal ay hindi rin kailan man kayang suklian ng pag-mamahal. It's all about love after all. Kung may permanente man dito sa mundo ay ang Love yun at Change"
I said confidently beautiful with a heart. Charot! Hahaha
"Dee, bakit parang di masyado detailed yung drawing mo, like yung groom, parang fade yung pagkaka-sketch nya dyan?" Sabi nung kaklase ko. I smiled at her.
"Di ko kasi alam kung sino talaga yung naka-tadhana sakin eh. Ang pangit naman kung ibase ko na yung drawing sa isang tao kung hindi naman ako sigurado na sya na talaga yun" sabi ko sa kanya.
"Alam mo ang ganda ng Drawing mo pero bakit parang may kulang" sabi ni sir na ineexamine pa ang buong drawing ko.
"Sir kasi po. Wala syang Love nung idrinodrawing ko sya. Wala kasi akong inspiration, kaya kahit anong ganda ng gawa mo kung wala ka rin namang motivation o pinag-aalayan ng gawa mo eh pangit parin ang kalalabsan"
Totoo naman diba? Parang sugal lang yan eh, wala kang kasiguraduhan kung mananalo ka o matatalo. Iba-iba ang takbo ng isip ng tao kaya wag na lang tayo dumepende sa kanila. Kasi unang-una wala silang alam sa atin. Sabi dun sa documentary na napanuod ko Ang taong sumusugal ay yung mga taong palaging natatalo kaya sila rin yung nasasabik lagi sa panalo. Sabi nga ni Sir Geo yung Trainer namin sa Singing Class last year, Hindi dapat palaging panalo, minsan kailangan din nating tumanggap ng pagkatalo para ito yung maging motivation natin para pagbutihan pa sa susunod, maging aral sa amin ang mga pagkatalo nang sa gayon sa susunod ay may disiplipina na kami sa mga laban namin.
"Yes. Yun yung hinahanap ko kanina pa. Thankyou for participating Ms. Saavedra, so you're next Hope Arkin Buenavista"
Dugdug. Dug. Dugdug. Dug.
Asong gala! Bakit may aso sa puso ko? Letche! Shuu shuu.
Pero infairness ang ganda ng sa kanya. Nakaka-bitter tuloy.
It's an Angel
Napangiwi na lang ako. Like srsly? Nananadya ba sya?
"Ehem. Yun lang po thankyou"
Wtf? Pffffft.
"Excuse me Mr. Buenavista? Anong 'Ehem. Yun lang po thankyou'? Give us an explanation!"
"Ekasi naman. Hayst sige na nga... Yun, sabi nila lahat daw tayo may guardian angel, sila daw yung nag poprotekta sa atin, pero iba yung naimagine ko eh, Ako daw yung Angel na gustong mag-protekta. Ako yung Angel na mag-aalaga sa kanya, Ako yung Angel na magiging Clown pag malungkot sya, Angel na Bubusugin sya ng pagmamahal pag nagugutom na Ahehehe. Yun lang."
Woaaaah. Gusto nya maging angel? Pero in the first place ang sama ng ugali nya, manloloko na nga, nang iiwan pa sa ere (Bitter Gaming eh)
At as usual palakpakan yung mga kaklase ko, ganyan talaga pag famous eh, may kabatak ka.
"Okay next. Trisha Bausas"
Blablablabla hanggang sa matapos ang Activity namin, Sobra ang gaganda nila mag-drawing.
Habang nag-lalakad ako may nag-bigay sa akin ng isang piraso ng kulay blue na rose.
"May nag-papabigay po" sabi nya.
"Teka. Sino?"
"Wag ko daw po sabihin eh sige po" sabi nya at tumakbo na talaga.
Tapos may nagbigay ulit na isa pa,
"Hey. Teka lang kanino galing to?" Sabi ko dun sa nagbigay
"Ayaw ipasabi eh"
Hayyy. Hanggang sa makarating ako sa canteen, may nagbibigay parin ng Blue na rose.
Siguro mga na 55 piraso to. Grabe nga eh. Sino kaya nag-bigay.
Hey dee, wag kang umasa na sa kanya galing yan. Wag wag please!!!
"OMG! SINONG PATAY HA?" at sino pabang kaibigan ko?
"Pwede ba Gigi, wag kang maingay pinagtitinginan na tayo owww"
"Owkaaaay. Sorry!"
Hayyy. Pero kahit maingay at eskandalosa yang si Gigi, mahal na mahal ko yan.
"May nagpapabigay po"
"Sinon---" bago ko pa itang kung kanino galing eh, tumakbo na agad. Asar sya ah
"Girl, basahin mo na dali! Ano nakalagay?"
Mas excited talaga sya kesa sakin eh. At Oo, isang card ang ibinigay sa akin. Kaloka.
Destiny meet me at the AysKrim Parlor. 6:00 pm. Okay? Thankyou :*
- H
-
"Effort is the most perfect thing that a girl wishes to feel."
Sorry sa Typo at Wrong Grammar
- jnnshly ❤
BINABASA MO ANG
TADHANA
Novela JuvenilLife is a cycle of happiness and pain and life is all about holding on and letting go. Walang permanente sa mundo, hindi lahat ng bagay kaya mong hawakan at hindi lahat ng bagay dapat masaya. Kailangan nating makuntento kasi nga walang permanente s...