Jusko paano? Nang-hihina ako, hindi ako maka-galaw , palapit sya ng palapit habang ako ay unti unti nang pumipikit. Ba't ba hindi ko magawang pigilan sya.
.
.
."Sht. Bakit mo ginawa yun?" *////////*
Tadhana, ano ba talaga ang plano mo sa akin? Plano mo sigurong patayin ako sa kahihiyan ano? Sapakin kaya kita dyan! Letche Ang sakit nun ah.
"Bakit mo ako pinitik?" Galit kong sabi habang hinihilot ko ang aking noo.
"Hahahaha! Bakit? Nag-eexpect ka? You're so cute"
What the hell? Ang Yabang talaga. Pero nag-expect ka naman talaga diba? Tanga mo Dee.
"Uy nag-blublush. Hahaha! Don't worry angel, sa tamang panahon"
Angel.. Feeling ko sobrang pula na ng aking mukha ngayon. Grabe ang init aba.
"Bahala ka sa buhay mo. Thank you sa ride, wag ka na ring mag-abala pang ihatid ako mamaya.. Bye"
"Waiiit. Sabay na tayo! Pwede?" Sabi ni hope habang seryosong naka-tingin sa akin. Napataas naman ang aking kilay. wtf
"Bakit naman?" Walang gana kong tanong
"Whaaaat? Mag-kaklase kaya tayo. Hahahaha! Ano bang akala mo?" Malokong sabi ni hope sa akin with matching taas baba ng kilay. Promise muka syang manyak pag ginagawa nya yan.
Jusko paano? Kahihiyan lvl 999999. Ang bobo mo Destiny Alexine Saavedra. Parang gusto ko nang mag palamon sa lupa ngayon din! Ilubog nyo na ako please.
"Bahala ka sa buhay mo!" I said, not looking at him. Dirediretso na akong tumakbo papuntang Room.
Sakto namang wala pa si Sir Art, nag-iinarte na naman yun pwe. Tsaka nag-text na rin ako kay Gigi na nasa room na ako at mag kita na lang kami mamayang break.
Nakita ko ring pumasok na si Hope sa room at umupo na sa upuan nya sa may bandang likuran.
Please Dee, wag ka munang maniwala sa kanya. Don't always trust what you see, even salt looks like sugar. Gosh! I'm stuck wt the question 'What if?'
It might hurt to lose people but maybe they just weren't supposed to stay. You know, ganyan naman talaga sila sa simula, mag-bibigay ng motibo tapos pag nahuli na yung loob mo, ayun iwanan sa ere. Mga paasa! Letche. Ayaw man natin silang umalis pero tayo rin ang masasaktan pag pinilit pa natin sila kasi hindi na sila masaya at lalong hindi na tayo sasaya kasi may lamat na, may gusot na, ultimo plantsa hindi na kayang ituwid yung pinag-samahan nyo. Parang kisap mata, ambilis ng pangyayari.
Teka bakit ang deep ko. Hugutan ah! San ba nakakabili ng kape dyan? Yung matapang ba, yung kayang ipaglaban ako. Letche. Lintik na teacher yan pag katagal-tagal, pa VIP amf. Hayyy
And speaking of teacher na pagong. Pffft! Sakto green yung damit nya! Hindi sya nag-mukang pagong eh, para syang ano.. Ano nga ba yun? Ahmmm. Aha! Lumot yeah, para syang ganun. Bad ko talaga hmp hahaha!
"I'm very sorry class. So mag-simula na tayo hmm? Punta na kayo sa mga assigned group nyo" sabi ni sir na parang hinihingal pa.
Ang hirap pala ng ganitong set up. Kahit anong iwas mo sa kanya, pilit parin kayo pinag-tatagpo ni tadhana.
"Hi Guys!" masayang bati sa amin ni meicee. Remember her? The NBSB chick?
"Low." bored na sabi ni hope. Samantalang ako ay ngumiti na lamang
"Asan si ford?" tanong ko kay meicee.
"Ewan ko dun. Baka nag-tatae na" yung masiglang si meicee ay parang biglang nawala, and I just mouthed 'aaaaaah' with patango tango pang effect.
Para talagang may something sa kanila ni ford eh, sabagay bagay naman sila kaso nga lang playboy si ford eh, pero tandaan wag muna mang husga ng tao dahil pag nag-mahal talaga ang taong mga seryoso, edi wow na lang.
"Okay class, settle down! Tahimik muna please" sabi ni sir na may paki-usap na tono.
"Thankyou. Okay, i feel nyo yung silence ngayon, just close your eyes and imagine.. Kahit anong gusto nyo imaginen"
Pinikit ko ang mga mata ko at nag-imagine na nasa isa akong magandang simbahan , solemn yung lugar, naka-suot ako ng wedding dress na kulay blue na may white (see on the multimedia) then nag-simula nang tumugtog ang magandang musika at kasabay nuon ang mga lumakad na abay at ninong and ninang. Hinahatid na ako ni papa at mama papuntang altar at nandoon nag-hihintay ang naka-tadhana sa akin, nag-hihintay si.... Wth? Bakit si Hope ang nandon.
Bigla akong napa-mulat at tinakpan ko ang aking mukha ng aking dalawang kamay. Bakit sya napa-punta sa imagination ko? Bwisrt talaga yung unggoy na yun panira na lang palagi ng moment.
"Okay class listen. Gusto kong idrawing nyo kung ano yung na-imagine nyo kani-kanina lang. At dahil mabait ako bukas na ang pasa kasi sketch lang naman yun. Understood? Okay, class dismissed"
I heard hope chuckled, and promise ang hot tingnan. Jusko paano?
"Bakit namumula ka Dee?" malokong tanong ni Hope sa akin.
"Oo nga. Bakit? Pulang pula ka oh" singit naman ni Meicee
"Bakit Dee? Ano ba yung na-imagine mo? Something hot ba or something intense? May mga abs ba? Hahaha!" What the heck? Ano bang mga nasa-isip nitong si Hope. Parang ewan eh. Kung alam lang nya.
"Ang dumi ng utak mo! Hindi ba pwedeng naiinitan lang ako? Over ka ah!" Mataray kong sabi sa kanya.
"Having a dirty mind makes life a lot more enjoyable.. Ano bang masama sa pagiging masaya?" He said while brushing his hair through his hands. Woah intense, tubig please?
"Ewan ko sayo" sabi ko at tuluyan nang lumabas. Narinig ko naman na nag-tatawanan sila ni Meicee dun, hay bahala silang dalawa dun, mag-sama sila! Walang may pake.
Nag-text sa akin si Gigi na nasa canteen sya at dun na lang kami mag-kita.
"Hey girl, what's with the face? Para kang ewan!" salubong sa akin ni gigi na ine-examine pa ang buo kong mukha.
"Wala!" sabi ko na lang.
"Okaaaay fine"
Kumain kami ng Hotdog on stick. Ayun lang yung wala masyadong pila eh.
Natingin-tingin lang ako ng mga nadaan hanggang sa napatapat ang tingin ko kay hope. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Nag-tititigan lang kami. Sinubo ko na yung hotdog ko habang naka eye contact parin ako sa kanya. At bigla na lang naibuga nya nung kinakain nya.
Shettt. Parang ang gross nung ginawa ko. Teka hindi ko naman intention eh, grabe... Jusko paano?
—
What hurts you today, makes you stronger tomorrow.
Sorry sa Typo at Wrong Grammar.
- jnnshly ❤

BINABASA MO ANG
TADHANA
Novela JuvenilLife is a cycle of happiness and pain and life is all about holding on and letting go. Walang permanente sa mundo, hindi lahat ng bagay kaya mong hawakan at hindi lahat ng bagay dapat masaya. Kailangan nating makuntento kasi nga walang permanente s...