Ang lakas nang tibok nang puso ko. Andito sya? Andito ba talaga sya?
"Hope" mahina kong saad.
"Destiny. Sorry for ev-"
Pinutol ko na ang kinabukasan nya este ang sasabihin nya. Masakit eh. Syempre dapat dinadahan dahan hindi yung grabe kung biglain! Nakaka-shocks naman yun dibey? Hahaha! At kahit alam kong naka-moved on na ako, syempre masakit pa din. May bitterness parin sa kaloob-looban ko.
"Look Hope, kung mag-sosorry ka about that... Ahm, wag na nating pag-usapan yun. Okay lang ba?"
"Are you sure?"
Tae! Suntukan na lang oh? Tinatanong nya ba talaga kung sure ako? Hayst. Sure ba ako?
Kaasar! Syempre, Oo naman sure na sure to!
"Yes. I'm sure, so how's life?"
Pinilit kong ngumiti. Sana mapansin nya na awkward na ang nafefeel ko ngayon.
"Ahmm. Ayos lang naman. Ikaw? Mas lalo kang gumanda ah"
Lintek! Hindi mo na ako madadaan sa mga ganyan mo uy! Mga galawan mo bulok na po!
"Ayos lang din. Ha-ha-ha! Ah ano Salamat na laang"
Sinadya ko talaga yung Ha-ha-ha effect! Para naman makaramdam naman sya na ayaw ko syang kausap. Hays, Bakit ang Awkward ng atmosphere? Shemay gusto ko nang lumubog ngayon din.
"Hahahahaha! So ano tingin mo saken? Mas lalo ba akong....... Pumogi?" God! Muka syang manyak sa ginagawa nya enebe. May pataas baba pa sya nang kilay nya. Akala nya naman kinagwapo nya yun! Sus if I know maliit yung ano nya... Yung utak nya! Bopols yan eh
"Yabang uy! Sabagay tama ka.. Muka ka paring Pogi........ta! Hahahaha!" I'm so havey talaga, like sobrang nakakaasar na. Pwe!
"Whatever you say! Ah teka Dee, Are we still friends?"
Friends. Sakit nun ah. Hahaha! Joke lang Moved On na ako diba? Ano ba yan.
"Oo naman. *smiles*"
Umupo ako sa may gitna pero medyo bandang gilid. Gets nyo ba?
"Good Morning Class!"
"Good Morning Sir!"
"I'm Mr. Arthur Gozon, and class alam kong pinaka-ayaw nyo to pero please participate here, introduce yourselves, but don't worry we have a twist. Magpapakilala kayo at sasabihin nyo kung bakit kayo lalaki at babae. Understood? Okay. Siguro ulitin ko ulit yung akin ano?"
Bakit nga ba ako babae? Hay.
"I'm Mr. Arthur Gozon. You can call me Sir Art and I'll be your mentor for this painting class. Art then Painting. Coincidence right? So I'm a man because I have a wife, that's all thankyou."
Pumaikot na yung pag-iintroduce. Halos pare-pareho naman ang sinasabi yung iba nga nilalaro na lang, babae daw sila kasi may boobs, so ang lalaki wala? Babae daw sila dahil nagkaka-mens, yung sa lalaki naman dahil marunong mag-basketball. Srsly? Kaya rin namen yun noh, tapos yung iba lalake daw sila kase nagkakagusto sila sa babae, at dahil meron daw silang malaki at mahabang.. Pasensya! Hahaha at eto pa ang nakakaloka! Lalake daw sila dahil naka-tira na sila... ng bola sa ring! 3 points FTW.
So it's my turn now.
"Hi. Ahm. I'm Destiny Alexine Saavedra, babae ako kasi kaya kong mag-tiis sa kahit anong hirap, babae ako kasi nag-mahal ako, nag-mahal nang lalaking akala ko ay sa akin na."
Bakit feeling ko naiiyak ako. Gosh! Dee umayos ka!
Marami nang sumunod sa akin, kase ang sabi follow the maganda yun mga bobo, nagsi follow di naman mga pretty! Pwe. At nung turn na nya.
BINABASA MO ANG
TADHANA
Teen FictionLife is a cycle of happiness and pain and life is all about holding on and letting go. Walang permanente sa mundo, hindi lahat ng bagay kaya mong hawakan at hindi lahat ng bagay dapat masaya. Kailangan nating makuntento kasi nga walang permanente s...