CHAPTER 5 (Milandra-tot)
'Destine POV'
"Senyorito Evo, di mo po pala nasabi sakin na ngayon na agad!"
Pano ba naman? Kinabukasan ng sinabi niya ay aalis na pala agad kami.
"Oo, kaya magimpake kana. And dadaan muna tayo sa kababata ko." Bipolar to, kahapon ang jolly tas ngayon ang sungit nanaman! Hmp.
"Ok po."
"Nga pala, wag kana magsuot ng damit na pang katulong. Kahit ano nalang suotin mo, its ok for me." Ani niya tska tumalikod.
"Ok po!" Agad na akong umakyat papuntang kwarto ko.
Nagdala ako ng mga gamit ko.
Mula sa toothbrush,damit,sapatos at kung ano-ano pa...
Naligo na din ako at magsuot ng high waisted na jeans at fitted T-shirt, di na ako nagmake up. Hinatak ko na pababa ang maleta ko, nakita Kong naka-upo ng prete si Senyorito Evo sa sofa.
"Are you ready?" Tanong niya at tumayo.
"Opo." I smiled.
"Mang Gracio, paki-tulungan si Destiny." Agad naman akong tinulungan ni Mang Gracio.
Nasa passenger seat ako at si Senyorito Evo ay sa back seat.
"Why you are there, Destiny?"
"Ah? Eh Senyorito..."
"Seat here, beside me." Tinap niya yung tabi niya.
"Ok po." Lumabas ako at umupo sa tabi niya. Nakakahiya.
"Don't be shy." Tumingin ako sakanya saktong ngumiti siya.
Isa lang ang masasabi ko.
Nakakatunaw.
At the same time...
Nakakakilig!
Hala, kala ko si Senyorito Hunter ang gusto ko. Yun pala... Etong bipolar na to.
---------------------
"Uhm, Senyorito–"
"Stop calling me Senyorito when we're two and when we're not in Mansion. Call me Evo."
"Opo Sen–Evo, asan po tayo? Kanino po tong bahay?"
"Kay manang, bibisitahin ko yung anak niya."
"Ah! Kaya pala wala si manang ngayon?"
"Actually, so cmon."
"Di na po dito nalanga ako."
"Mainit dito, dahil papatayin yung kotse."
"Ok po."
Lumabas na kaming dalawa ni Evo, maliit lang ang bahay ni Manang siguro dalawa lang sila ng anak niya.
Kumatok kami ng 3 beses at may lumabas na babaeng morena parang kakulay ni Solen Heusaff. Tas maganda siya at medyo matangkad hanggang ilong ni Evo, eh kasi ako hanggang mata ni Evo eh.
"Hi Milandra!" Ngumiti si Evo sakanya.
"Evo?! Ikaw ba yan?!"
Napairap ako sa kawalan, ano to? Telebabad? Syempre si Evo yan!
"One and only, Evodian."
"Kyaaah!" Niyakap ni Milandratot si Evo, psh! PDA?
Sa harapan ko talaga? Landi.