Goodbye

16 1 0
                                    







Chapter 27






[Renz POV]






             Ito na yung araw kung saan mamamaalam na kame sa aming kaibigang si Ayiee.  Alam ko napakahirap sa part ng family niya lalo na sa Asawa niya. Nakakalungkot man pero kailangang tanggapin.


    Napakaagang nangulila ng magiging anak nila ni Rossana pero alam kong babantayan sila ni Ayiee.



    Ito na rin yung araw na makikita ako ng aking mga kaibigan lalo na si Grace...


   Sinuot ko ang aking Maong na pants na may pag ka jogger, sinuot ko yung sando ko at tska ko sinuot ang isang plane na long sleeve na black,sinuot ko na rin yung topsider ko at nag suot ng shades.


Humarap ako sa salamin at nag sabing ".. This is it! "



   Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive papuntang white village kung saan nakatira at nakalamay si Ayiee.  Malayo layo rin ang cemetery kaya lahat nakasasakyan.


   Kita ko lahat ng Solid, lahat sila nag paprint ng shirt para kay Ayiee.  Nagulat ako ng lahat sila napatingin sa sasakyan ko.  Nag silapitan sila at goodthing kasi tinted naman yung salamin kaya hindi ako kita.



Nakalimutan ko ganito pala ang dream car nila. Kunwaring nag sasalamin si Richard at nag thumbs up pa.  Hahaha


Nang mailabas na ang labi ni Ayiee nag sisakayan na lahat.  Kita ko si Grace na kasama yung Boyfriend niya na sumakay sa shuttle ng Solid. Mahaba haba rin ang byahe papuntang serenity kung saan ililibing si Ayiee.



Kita ko sa mga mukha ng mga dumalo ang sobrang lungkot.  Si Rossana hindi na napihilang umiyak.


Lahat nag gather na sa isang napakalaking Tent.  Yung mga Solid nasa harap kaya umupo ako sa bandang likod kung saan hindi nila ako kita.



Tumayo sa harap si Ate Pearl, halatang mugtong mugto ang Mata niya pilit siyang ngumiti sa lahat "Alam nating tunay na napakabait ng aking Kapatid kaya madami si..yang naging kai.. -bigan" napaiyak nalang siya.


Halos lahat umiiyak na.  " Gusto na.. Ming marinig ang mga huling sasabihin ng kaibigan ni.-ya.. From Solid may i call on Arvin? "


Tumayo si Arvin sa kinauupuan niya at pumunta sa harapan at niyakap si Ate pearl, nang humarap siya kitang kita sa mata niya ang lungkot at di niya napigilang hamagulgul "Isa ako sa mga na-ging bestfriend niya.  Da-ti.....lagi ko siyang inaasar at inaapi.....hindi dahil ayaw ko sakanya dahil masarap siyang kasama...Ayiee pare isa ka ...sa mga hindi ko makakalimutan....wala na akong ibang masasabi sayo The best ka men....lagi ka-ng nasa puso ng lahat ng Solid..!See you again....! " napaluha na rin ako sa sinabi ni Arvin.

Fight For The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon