Kazumi's POV.
Today is Sunday and now I'm just here at the house. Okay okay now I'm going to start to speak in tagalog na.
So again take two.
Ngayon ay Linggo na at ako'y nandito sa bahay at nakakainip na rin. Wala akong magawa dahil wala naman akong kasama. Si Zami ay ayun pumunta ng super market upang bumili ng mga pagkain pang bahay, paaralan, at iba pa. Kasama niya si Nanay bumili. Si Kazarry naman ay ayun. Natutulog pa. Gabing-gabi nanaman umuwi tapos lasing pa. Haynako ewan ko na lang dun sa lalakeng yun. Kung ano-anong ginagawa sa buhay niya. Pero ang swerte niya ah. Ang swerte nila. Di kasi sila tulad ko. Parating naprepresure ni mommy. Buti pa sila nag papakasaya sa buhay habang ako. Dito nakakulong sa parang isang kahon na ang hirap gumalaw. Isang maling galaw ko lang napapagalitan na ako ni mommy. Kailangan kong mag workout, kumain ng mga masusustansya, maging pinakamatalino sa lahat, maging maganda, magpaka-bait at lahat lahat na lang ng katangian na meron ang isang perpektong tao. Di naman ako perpekto eh. Pwede pang malipit nang maging. Pero hindi eh. Ang dami ko ngang kamalian sa buhay. Ay alam ko na. Mag facebook na lang ako o di kaya mag twitter. (Palakpakan naman dyan hahaha. This whole paragraph kasi straight tagalog talaga hahaha. Sige sige continue.)
Nag log in na ako sa account ko sa facebook.
Notification: 2,991
Messages: 501
Friend requests: 1000
Grabe naman 'to. Di naman sila galit noh? Di ko na tinignan ang mga notifications. Ang messages naman ay lahat kong nireplyan. Ang friend requests naman ay halos lahat ko naman inaccept. Grabe next time mag lologin na ako everyday para di naman ako maflood ng ganito. Two weeks din kasi ako di nag online eh.
Nag post ako ng bagong picture.
5 minutes pa lang umabot na ng 100 likes. Grabe ganito na ba talaga ako ka sikat ngayon? Kainis naman 'tong si Mommy. Ayaw ko naman ng maraming attention eh. Gusto ko lang maging isang normal na teenager yun lang. Wala nang iba. Marami rami rin ang nag comment mostly puro 'ganda, pretty, beautiful, gorgeous, at iba pa' may 'perfect' nga rin eh. (-.-) Nag reply naman ako sakanila saying 'thank you, thanks, likewise, at iba pa' meron din iba mga negative comments pero pinabayaan ko na lang keysa awayin diba. Kasi baka mas lalaki pa ang gulo diba. Hehe. After mga ilang minutes nag log out na ako sa account ko. Tapos ayun di ko namalayan lunch na pala so bumaba na ako para kumain.
Pagkababa ko nakita ko si Zami at manang na nilalagay sa ref. ang mga pinambili nila.
"Hello Zami, hello po nanay." Sabi ko.
"Hi Yumi." Sabi ni Zami.
"Oh. Anak kumain ka na ba? May pagkain kaming hinanda ni Kazami, kain ka na oh." Sabi ni Manang nanay tawag namin sakanya at anak naman ang tawag niya saamin. Bata pa lang kami ay siya na ang nag aalaga saamin kaya malapit na ang loob namin sa isa't isa.
"Ay wala pa po nay eh. Kaya nga po ako bumaba upang mag hanap ng pagkain. Salamat po nay ah."
"Ikaw naman bata ka walang anuman." Ngumiti na lang ako kay nanay/manang. At nag simula ng kumain.
*Ding dong*
Ayyst distorbo naman 'to sa kainan ko. Ako na lang pa talaga mag isa dito sa baba kasi si Nanay nasa garahe si Zami naman nasa taas sa kwarto niya tapos si Zarry naman kakaalis lang minutes ago. Yung ibang katulong naman nasa mga quarters nila so ako na lang ang natira dito sa baba so wala na akong choice kundi buksan ang pinto. Katok ng katok tas doorbell pa ng doorbell. Kainis naman 'to.
"Oo na oo na bubuksan ko na ang pinto hintay ka lang, ang ingay mo eh." Sigaw ko. Nasa sala pa ako eh medyo malayo rin kasi ang dinning room sa front door eh.
"Eto na eto na di makapag--" Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa taong nasa pintuan.
________________________________Hehe bitin.
Sorry pag maikli lang.
©black_dollette📝
-J
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl
Teen Fiction[COMPLETED] (Read at your own risk. I will soon edit this story so while I'm at it, try reading "The Slave Princess" or "Scars of the Past" it's available in my profile. Thank you) Kazumi Anica Coldsmith is best known as the perfect girl. Someone wi...