Chapter Nine (Part 1)

3.5K 227 9
                                    

Part 1 ng date nila.

-

Kazumi's POV.

Ngayon ay pababa na ako ng hagdan. Ginagamit ko ang aking sleeveless na dress na color white. Plain lang siya. Pero malinis tingnan.

Nakatingin si Lucas sa akin habang bumababa ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatingin si Lucas sa akin habang bumababa ako.

"Why?" Tanong ko.

"Nothing."

"Okay."

"Uhm Kaz?" Sabi niya.

"Ya?"

"Can I stop speaking in english?"

"Nah. Why?"

"I'm not use in speaking in english."

"Okay. That's fine. Haha. Ako rin mag tatagalog na ako." Sabi ko. Bigla naman siyang nabuhayan ng loob.

"Nice!" Nakangiti niyang sabi.

"So ano? San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Lakad muna tayo sa labas." Sabi niya. Tumango naman ako.

May nakalimutan pala ako.

"Wait lang ah." Di ko na hinintay nag sagot niya tapos pumunta ako sa kwarto ni nanay para mag paalam.

"Nay."

"Oh anak."

"Nay may pupuntahan lang po ako ah. Pakisabi na lang po kay Zami." Nakangiti kong sabi.

"San ba yang pupuntahan mo nak?"

"Ah dyan lang po sa labas.. Sige na Nay alis na po ako ah."

"Sige sige, ingatan mo ang sarili mong bata ka ah."

"Opo nay." Tapos ayun umalis na ako.

"Okay na?" Tanong ni Lucas.

"Yup. Tara na?" Tumango naman siya.

*

Nag lalakad kami ngayon dito sa loob ng village. Tapos napadaan kami sa isang park. Masyadong pamilyar ang park na to ah. Ah oo nga naaalala ko na. Dito kami dati nag lalaro ng mga bata pa kami ng mga kababata ko. Ang saya pa namin noon. Di ko na alam kung nasaan na sila. Namiss ko tuloy silang lahat.

"Kaz, bat ka nakangiti dyan?" Takang tanong ni Lucas. Ngayon ko lang na realize na ngumingiti na pala ako.

"Ay hehe. Wala lang naman. May naaalala lang ako." Sabi ko.

"Mga kababata mo ba noon?" Nagulat ako. Bat niya alam?

"Gulat ka ba kung bat ko alam? Haha wala lang naman. Dati pa kaya kami nakatira dito at malamang parati rin akong pumupunta dito dati at parati ko kayong nakikita." Ahh kaya naman pala. Pero teka. Mind reader ba sya? Hehe.

"Aww." Yan na lang ang nasabi ko. Ngumiti naman siya.

Nag lakad lakad din kami sa park. Tapos umupo ako sa swing. Ganun din si Lucas, umupo siya sa kabilang swing na katabi ko lang.

"Wala ka ba talagang ideya kung sino ang mga kababata mo rati?" Tanong nila. Tiningnan ko naman siya ng nag tataka. Tumitingin kasi ako sa mga batang nag lalaro eh.

"Wala. Alam ko lang ang mga tinatawag sakanila dati, sila ay sina Pat-pat, Gi-gi, Dan-dan, at si La-la." Malungkot na sabi ko.

"Ganun ba?" Tanong niya. Tumango naman ako.

*GGGGGGRRRRRRR*

May narinig akong ingay. Kung di ako nag kakamali, galing yun sa isang tyan na gutom. Tiningnan ko naman si Lucas na nakatingin din saakin.

"Ikaw ba yun?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman siya na para bang na-te-tense siya.

"Ay, narinig mo pala yun?" Tumango na lang ako.

"Tara punta na lang tayo sa restaurant, mukhang gutom ka na eh. Di ka ba kumain kanina?"

"Ahm, oo eh." Napakamot siya ng ulo.

"Bakit naman?"

"Ano kasi, nakalimutan kong kumain dahil nakalmutan ko kasi nag madali akong pumunta sainyo eh." Dahil pala saakin kung bakit siya di nakakain.

"Ayy hali ka na nga." Tapos hinila ko siya papunta sa isang restaurant. Maganda ito. Dati pa ako kumakain dito.

Nagorder na kami at nang makaalis na yung malanding waitress nagsalita nanaman ako.

"Next time ah wag ka ng mag papalipas ng gutom ah." Sermon ko sakanya.

"Oo na po. Haha, bakit nag aalala ka ba miss Coldsmith?" Nakangisi niya pang sabi ng smirk pa ang loko.

"Paano pag sabihin kong oo?" Mag papatalo ba naman ako? Never! Nakita ko naman na namula ang kanyang tenga. Haha wala naman pala to eh.

"Edi salamat!"

"Salamat sa?"

"Sa pag-----" Di pa natatapos si Lucas sa sinasabi niya ng biglang may nag usap...

--------------------------------

Pabitin effect nanaman.

©black_dollette📝

-J

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon