Epilogue

2.2K 55 45
                                    

Apat na buwan na simula nung mamatay siya.

Apat na buwan na rin simula nung nangyari 'yon.

Apat na buwan na rin simula nang tinalikuran ko ang mundo.

Apat na buwan na simula nung iniwasan ko silang lahat.

Apat na buwan na at, pakiramdam ko'y ako nag iisa.

Nung panahong kaarawan namin, I felt so lonely. I always celebrate my birthday with her. But, now, I'm all alone. Nag diwang ako ng kaarawan namin nun, sa puntod niya. May mga pumunta, at bumati pero hindi ko sila pinansin.

Pasko rin nun, masaya silang lahat, sapagkat ako, nasa isang tabi lamang at tumitingin sa kanila.

They tried, talking to me, but I kept avoiding them.

At ngayon, sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon upang iharap ko na ang realidad.

Tapos na rin ang klase. Summer na and I heard, magbabakasyon daw kami. And I know, hindi sila pwedeng umalis ng wala ako. Why? I just know.

Nasa puntod niya ako ngayon. Hinaplos haplos ko ang kanyang lapida at ngumiti ng malungkot. I miss her. So much. Wala na yung taong nagmamahal sa akin ng buong buo. Yung taong kaya akong tanggapin kung sino man ako.

Kazami C. Coldsmith
November 21, 1998 - October 29, 2014
May your soul rest in peace. We'll always love you, our angel.

Patuloy pa rin ako sa pag haplos ng lapida niya. Umiiyak nanaman ako, kaya napatawa naman ako.

"Naalala mo ate? Tuwing umiiyak ako, parati mo akong pinapatahan. Ngayon naman, ikaw na yung nag papaiyak sa akin." Tumawa ako ng mahina, iniisip yung mga sandaling, nakikinig siya sa mga drama ko.

"Ate, kakausapin ko na sila ngayon. Sorry kasi, ng dahil sa akin nawala ka. Ang bata bata mo pa ate, nung nawala ka."Tumingala ako sa langit, sabay sabing, "Masaya ka na dyan, hindi ba? Maganda ba dyan? Promise mong babantayin mo kami lagi ah? Hindi ko ikikitil ang buhay ko, Ate, kaya don't worry. Sayang naman yung sakripisiyo mong iligtas ako." Binaba ko na ang aking tingin sabay punas ng aking mga luhang patuloy pa rin sa pag agos.

"Promise ko rin ate. Aayusin ko ang mga problemang pilit kong tinatalikuran." Tumayo na ako at pinagpag ang aking pwetan. "Babalik ako ulit ate, pag okay na ang lahat. I love you ate! Bye!" At tumakbo na ako papuntang kotse ko.

Nag drive na ako pa uwi at hindi nag tagal, nakarating na rin ako sa bahay.

And as usual, nasa labas na naman sina mommy. Naghihintay nanaman ata. Nagaalala ata eh, siguro iniisip nilang mag papakamatay na ako. Eh gabi na eh.

Simula nung mamatay si Ate, ganito na parati ang nangyayari, paguwing paguwi ko, nasa labas sila ng bahay. Hinihintay ako, at humihingi ng tawad. Pero binabalewala ko lang sila.

Bumuntong hininga muna ako, bago bumaba ng kotse.

"Kazumi! San ka nanaman ba galing?!" Pasigaw na tanong ni Kuya, pero may bahid din naman na pagaalala sa kanyang mukha. Dati kung tinatanong nila ako ng ganyan, tanging kabit balikat lang ang tanging sinasagot ko sa kanila.

"Sa puntod ni Ate, Kuya."

Kaya nung sumagot ako, kitang kita sa kanilang mukha ang gulat at ang saya.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon