I.

61 1 0
                                    

Hindi ako yung tipong ng lalake na flingy at di rin ako romantic, di rin showy sa mga nararamdaman ko, at ang pinaka malupit sa lahat, Di ako gwapo.

Madalas nakaupo lang ako sa isang sulok, nakatutok sa aklat, nagsusulat ng mga kanta, nagdadaydreaming sa loob ng klase.

Mula nang maaksidente ang tuhod ko noong first year high school, i never been in my usual self. Yung bibo, masayahin, bully minsan pero makulit na kaibigan. I've been detached to the social world, i rather walk alone, eat alone at maglakwatsya ng mag-isa. Tho' di talaga ko naglalakwatsa no'n, in short, boring ang mundo.

I always dreamt of being able to regain my usual self, the persona of a happy man. 

2nd year highschool ako nang may transferee na dumating sa klase, isang babae, Si Menggay.

"Sino ba si Menggay?"

Si Menggay, Rhismane o Mhen, sya ang pinaka unang dalagang minahal ko.

Hindi rin pansinin si Mhen noong mga panahon na yun, pero bilang transferee, bago sa mata, isang dayo, magandang dayo. 

Napakasimple lang nya tignan, minsan ginugugol ko ang isang buong araw na palihim lang na nakatitig sa kanyang mga singkit na mata. 

Salungat sa madilim at boring kong mundo, friendly si Mhen, masayahin. Laging may ngiti sa kanyang labi at madaling pakibagayan. Wala yata kaming pagkakapareho. 

Mahiyain akong tao, di ako social person na madaling kausapin, kung di rin importante ang pag-uusapan, di ako makikipag usap. Medyo may pagka brainy pa ko nun, dahil nagtapos ako ng elementarya bilang isa sa mga outstanding sa klase.

Tipikal na nerdo, walang matinong kaibigan, isang loner.


Unang nakita ko sya, sa isang silid, nagka chempo pa na magkatapat kami ng upuan, bagamat magkabilang dulo ng silid ang aming kinauupuan. Napakaganda ng kanyang mga mata, mga pisngi na punong puno at ngiting parang walang problema sa buhay.

At sa mga sandaling 'yon, gustong gusto ko sya makilala.

Kaso,

Ni hindi ko sya malapitan, hindi ko pa narinig ang boses nya, hanggang pangarap lang yata talaga ang mapansin nya ang isang tulad ko. Hanggang tingin lang ako sa hindi kalayuan.

Para 'kong pinagsakluban ng langit at lupa ng malink sya sa isa naming kaklase, at ako rin, nilink sa isang babae. Ang saklap ng bawat araw na papasok ako dahil alam kong maririnig ko na naman ang kantsyaw ng mga kaklase kong walang magawa sa buhay sa mga loveteam na yun. Mga bwisit, mas bagay kami ni Mhen!

None sense sa point na yun ang magselos ako dahil unang rason, ay ni hindi ko sya malapitan at magpakilala man lang. At eto namang babaeng nalink sa'kin, buong araw katabi ko rin sa mga aralin namin, at tipikal na highschool life, ang pang aasar ng mga kaklase.

Ang school namin, every subject nag-iiba ng klasrum, at bawat grading period, may iba ibang seating arrangement ang ilang mga aralin.

At sa puntong 'yon, talagang hinihiling ko nalang ang sana makatabi ko sya kahit isang subject lang.

At ayun na nga, tulad ng ibang hiling ko sa buhay, hindi natupad. Ang masaklap pa, katabi nya yung lalakeng may crush sa kanya sa math subject namin.

Inis na inis ako dahil nasa harapan ko lang sila. Ni hindi na ko nakikinig sa guro namin kapag nakikita ko silang nag-uusap, parang gusto kong pumagitan sa kanila at titigan lang si Mhen sa kanyang mga mata. BUONG ARAW.

May ugali 'tong si Menggay na magpaikot ng ballpen kapag walang ginagawa, at may ugali naman rin akong paikutin ang mundo ko sa pagtingin lang sa pagpapaikot nya ng ballpen nya.  Hanggang sa matutunan ko rin ang mag pen spin.

Shit, inlove na nga yata ako.

Pero ang weird naman nun dahil di ko man lang sya kayang kausapin ng harapan.

Ang unang beses kong malaman kung anong nasa isip nya ay sa pamamagitan ng text. 

Uso pa nun ang mga group messages, mga iba ibang tawagan sa text, mga text clan at textmates.

Naging textmate kami ni Mhen, hiningi ko sa kanyang best friend ang number nya sa pagdadahilan na may kailangan lang akong itanong tungkol sa isang subject.

At doon na nagumpisang pansinin ako ni Mhen, pero ang nakakaasar dun, wala parin akong tapang na kausapin sya ng harapan. Hindi lang siguro ako sanay makihalubilo sa mga babae.

Galing ako sa pamilya na close na close ang mga kamag-anak ko hanggang sa second degree, pero maliban dun, isolated ang mundo namin sa bawat isa.

Hindi socially active ang pamilya namin ni hindi nga rin kami nag-aattend sa mga reunions at family gatherings. Siguro dahil na rin sa financial gap namin ng mga kamag-anak namin outside the 2nd degree.

May pagka paranoid ang pinagmulan kong angkan, over protective at takot sumubok ng mga bagay bagay, ang importante sa kanila, ang maging ligtas at magkakasama kami. Masaya naman, kaso hanggang dun nalang ba talaga?

Yun ang pinag ugatan ng kung ano ako nung mga panahong 'yon at kung tutuusin, ganun parin ako hanggang ngayon.

Nabuo ang pagkakaibigan namin ni Menggay sa pamamagitan ng text, nagkukwento sya ng mga bagay tungkol sa pamilya nya, mga crush nya at maging ang first crush nya, nachempo pa na kapangalan ko, si Paul.

I wish na ako nalang yung Paul na yun. 

At that moment attached na talaga ko sa kanya, emotionally pero wala parin akong guts na kausapin sya personally.

Until one day, nagkaroon ng new seating arrangement sa Math subject namin. At siguro para talaga yun sa confidence ko para makausap sya, Nakatabi ko sya. At Diyos ko, halos ayoko na matapos ang aralin na yun. 

Mga mga time na nagkakaroon ng race sa pagsagot ng mga math problems at dahil nasa dulo ako ng linya, malayo layo ang dapat kong puntahan para maipasa ang sagot kaya't si Menggay na minsan ang nag-aabot ng mga sagot ko sa teacher namin.

Isa rin siguro yun sa dahilan bakit naattach ako sa math,dahil gusto ko laging una mag pass sa recitation para si Mhen ang mag-abot ng papel ko at kahit konti, konting konti lang, mahawakan ko ang kamay nya. 

At yun ang naging isa sa mga pundasyon ng pagiging Inhinyero Sibil ko ngayon.

May mga pagkakataon naman na nagkakaron ng parusa ang mga bumabagsak sa math no'n at ang parusa ay kumain ng hilaw na itlog. At ayun na nga, bumagsak sya sa isa naming exam, at kinabukasan, kailangan nilang magdala ng itlog para sa kanilang parusa. 

Eh tsempo naman na mula elementarya, ang almusal ko sa umaga ay kanin na binuhusan ng sariwang itlog at ang pampatanggal ng umay no'n ay asin, kaya kinabukasan, nagdala ako ng asin at balak ko sanang ako nalang tumanggap ng parusa nya.

Kaso di pwede. Sayang.

Sayang yung asin.

Umikot ang mundo naming dalawa sa ganong set up, kahit di gaanong nag uusap pag nasa school, madalas umaabot kaming madaling araw, magkatext.

Tamang tinginan lang, nagkakaintindihan na kami. Sapat na yun para malaman kong may nararamdaman rin sya sa'kin.

At natapos ang second year life namin na di naging kami. 

Tanga rin ako e. Sobrang hina ng loob at gusto ko play safe, baka masira pagkakaibigan namin kung sakali man nanligaw ako.












MhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon