II.

33 0 0
                                    

Siguro para sa karamihan, mababaw lang 'to. Siguro sa aspeto ng pagiging in love at sa mismong konspeto ng pagmamahal, hindi nila ibibilang to sa kategorya ng tunay na pagmamahal.

Pero bakit ba? Sino ba ang nagdikta ng kung ano ang pagmamahal at kung ano ang hindi?

Sino ba ang may karapatan magsabi na ganito at ganyan dapat ang umibig?

Wala. Iba iba ang pag-ibig, ang bawat relasyon ay parang isang snowflake, isang fingerprint, lahat unique.

Naniniwala ako sa forever, pero hindi yung poreber bilang isang unit ng oras.

Para sa'kin, Forever is not a unit of time but a unit of moment.

Being happy about simple things like speaking to each other without saying any words.

Nagtapos ang ikalawang taon namin sa high school na walang nangyaring nakakakilig sa mata ng madla, pero para sa'min, kilig na kilig na kami nun, or it's more appropriate to say, kilig na kilig na ako nun.

May mga bagay talagang mahirap intindihin sa pag-ibig, minsan para sa iba katangahan lang pero para sa dalawang nagmamahalang puso, iba ang kahulugan ng mga 'to.

Summer transition between 2nd year to 3rd year ng maging "Kami".

I guess dahil bata pa kami pareho, we have no idea what courting really meant that time.

Pero hanggang ngayon naguguluhan pa ko sa mga boundaries ng panliligaw.

Kelan ba masasabing nanliligaw ang isang lalake? Hanggang ngayon tanga parin ako sa pag-ibig.

Dapat talaga tong isama sa curriculum.

But i guess love actually has no parameters, so at that point. Narinig ko ang "MAGIC WORD" thru a once in a blue moon phonecall, tatlong simpleng salita na nagbago sa pananaw ko sa mundo. "I LOVE YOU".

Up to this day, naaalala ko pa yung feeling nun, tipong nagtatalon talon ako sa tuwa dahil yun ang unang beses kong marinig ang mga katagang yun. Ang sarap ng pakiramdam.

Third year high school,

Sakit ng loob namin pareho ng magkaiba kami ng section, well actually halos pareho lang naman yung average grade namin, pero dahil mas madaming mga girls sa batch namin na yun, namove down sya to another section.

We haven't really had a fixed day na pwedeng tawaging "Monthsary" tulad ng ibang mga relationships. But we're happy, or more appropriately, I am happy.

Mga araw na naghihintayan kami sa tapat ng 7eleven para pumasok ng magkasabay, mga oras na sabay kami uuwi, kahit simpleng hatid lang sa jeepney terminal.

Things we're really simple, but i felt really happy, Ito ang gusto kong maging ako, masaya, bibo, medyo tanga pero bottomline, masaya.

Then my friends introduced me to a game, DotA.

Ang mortal na karibal ni Mhen sa oras ko.

I excel in that game, napabilang ako sa mga teams sa lugar namin kahit maliliit na tournaments lang ay parati akong sinasali. At this point, my priorities tilted a bit. Nakakabulag pala ang mga papuri at nakakabingi ang mga palakpak.

Di na ko as studious tulad dati, at dahil madalang lang naman mapasaakin ang limelight, tuwing maglalaro ng dota, feeling ko bida ako. Siguro hinanap ko lang talaga yung madaming nakakakilala't nakakaalala.

My addiction and attachment to this game went nuts along the way.

But nonetheless, Third year is really a fruitful year for both of us.

MhenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon