Kabanata I
Hindi ko aakalaing makakaabot ako sa huling kabanata ng aking highschool. Kasalukuyan akong nag-aaral sa school na pagmamay-ari ng tita ko, si Tita Glaiza. Siya ang pansamalantalang nagbabantay saakin noon at sumusuporta dahil ang magulang ko ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Jeziel:
Hoy! Kinse minutos nalang malelate ka na! Asan ka na bang bruha ka! Sayang pagiging maganda! Ang bagal namang kumilos! Bilisan mo!
Anong oras na ba? Teka? Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mag-aalas otso na at ilang minuto nalang at magsisimula na ang klase. Agad naman akong tumayo at naligo ng mabilis.
Halos hindi umabot ng tig-sampung minuto ang pagligo at pagbihis ko ng uniporme. Buti nalang napakalapit lang ng eskwelahan at halos tatlong bahay lang ang layo. Agad akong sumakay sa bisekleta kong nakaparada sa tapat ng bahay.
Nang mapark ko ito ay agad agad akong tumakbo papunta sa 2nd floor. Lumingon ako sa may orasan sa taas ng pinto, 7:56. I sighed in relief. Pumasok na ako at nakita ko namang kumaway yung dalawa at tinuro ang gitnang upuan. Kumaway ako at pumunta na agad sa pwesto nila.
"Hoy! Grabe ka ha! Buti nalang bago ka dumating sinabi na hindi makakapagturo ang mga teacher natin dahil may aayusin daw sila para sa activities natin." Ani ni Jez nang makaupo ako. What the hell? Nagmadali pa ako sa pagpasok. Hindi man lang sila nagtext.
"At sabi pa nga raw ay may surprise daw sila saatin bago maganap yung prom natin. Nako, nako! Parang imbis na maexcite ako, e parang kinakabahan pa ako." Napatango si Jez sa sinabi ni Hannah na tila ba sumasang-ayon din.
Oo nga pala 2 months nalang magp-prom na. Pero bigla akong napa-isip. Surprise?
"Uy, nandito na pala si nerd." Sabi ng kararating lang na si Vanessa habang nandidiring nakatingin saakin na tila ba hindi dapat ako kabilang rito.
"Nako girl masanay ka nang laging late yan. Matalino nga lagi namang late. Palibhasa nerd na pangit pa!" Insultong sabi ni Joanne saakin habang tumatawa na para bang wala nang bukas.
Nagtitimpi nalang talaga ako sakanila. Ayoko namang makipagsagutan sakanila dahil baka lumaki pa ang ulo at sa dulo ay ako lang din ang masisisi.
"Hoy! Kayo! Bago kayo manghusga tignan niyo muna mga sarili niyo! Kaya lang naman kayo makapasok dito kasi may mga pera kayo! May pera nga, wala namang mga utak! Magsilayas nga kayo dito! Mga haliparot!" Sigaw ni Jez habang tinuturo turo sila Joanne at Vanessa. War freak talaga siya.
"Tama na 'yan Jez. Okay lang ako." Pagpipigil ko sa kanya. Umalis naman agad ang dalawa. Hindi naman nila magawang makipagsagutan kay Jez dahil iba din ang tabas ng dila nito.
"Nako naman Eunice kung ako sa'yo papatulan ko talaga yun. Kaso di ako ganun. Mabait ako e. Hindi gaya ni Jez. War freak! Peace tayo Jez." Sabi ni Hannah kay Jez. Tinawanan ko lang ito.
"Ewan ko sa'yo! Tara labas tayo, wala rin namang gagawin rito sa school. Tsaka pinapalabas naman ng guard." Bigla ako napaisip. Wala pa yung sweldo ko. Hindi nanaman ako makakasama sakanila.
"A-ah.."
"Treat namin!" Sabay na sigaw ng dalawa at hinila ako palabas. Alam na alam talaga nila kung kailan ako short.
-
"Kumain muna tayo bago gumala." Yaya ni Jez. Tumango nalang kaming dalawa ni Hannah.
"Kami nang dalawa ang mag-oorder Eunice. Dito ka lang." Sabi ni Hannah at umalis na sila ni Jez.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at pumunta sa camera. Tinanggal ko muna yung salamin ko at inayos ang buhok ko. I wear contact lenses so definitely walang grado yung salamin na sinusuot ko. Pinapanindigan ko lang yung pagiging nerd. That suits me.
BINABASA MO ANG
The Ordinary Nerd #Wattys2019
AventuraThe Ordinary Nerd. Date Started: December 24, 2015 Highest Rank: 1. #52 in Adventure (12/11/16) 2. #59 in Adventure (6/28/16)