Kabanata VII

239 9 1
                                    


7


Eunice's Point of View


Alam kong maraming nagulat sa mga nangyari kanina. Isa na dun si Rafael. Halata naman eh. Bigla nalang siyang umalis kanina sa Gym. Hindi ko alam kung ano talaga ang plano ni Lolo. Feeling ko meron ang hindi alam eh. At feeling ko kasabwat si Ian. Pero hindi ko naman hinuhusgahan siya. Curious lang ako.



"Huy Eun. Lalim ng iniisip natin ah. 'Di ka ba masaya. Pinakilala ka na ng Lolo mo sa lahat. Edi wala nang mga Bully." Sabi ni Hannah. Hindi naman iyon ang problema ko. 



"Oo nga. Saka saan ka ba nagsusuot. Ngayon lang namin ikaw ulit nakita. Si Christian nga pala yung tinutor mo dati nasaan na?" Teka paano nila nalaman iyon?



"Wag mo nang tanungin kung paano namin nalaman. Alam mo miss ka na namin." Teka ha. Hindi na ako makapagsalita sa sinabi sabi nila.



"Oo nga Eun--" 



"Teka nga teka nga! Naiingayan na ako ha." Sigaw ko sakanila. Totoo naman kasi. Parang ayaw nila akong pagsalitain.



"Sorry naman." Sabay nilang sabi.



"Okay fine. Dun kay Christian wala na akong pake dun. Saka ilang linggo ko lang tinutor yun. Siguro naman naka-adjust na siya kaya pwede na siyang mag-aral mag-isa 'no." Sabi ko habang kumakain ng fries. Nandito kasi kami ngayon sa McDo. 



"Ah. Gwapo rin yun 'no Jez. Kaso may GF na daw iyon." GF? Seryoso? Sa supladong iyon? Aba. 



"Seryoso ka Hannah? Iyon magkaka Girlfriend? I don't think so huh." 



"Aba. Aba. Bakit parang kung makapagsalita ka eh ikaw ang legal?" Sabi ni Jez. Tss. 



"Tss. What are you talking about. For your information, wala akong gusto doon huh? Tsaka wala sa isip ko yan." I lied. Nagsisimula na akong magmahal. And I think in the wrong person pa.



"We know right. Oh na pala naalala niyo si Rafael Terrence Buendia? Yung Hari ng Kayabangan." What's with him?



"Oo naman Jez bakit?" Sagot ni Hannah.



"Ayun kasi siya oh. May kasamang girl. Mukhang malandi pa yung girl." Bigla namang umiinit ang ulo ko sa sinabi ni Hannah.

The Ordinary Nerd #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon