7 The Encounter
Di ko talaga alam kung bakit nakaramdam ako ng inis kay Uriel. Hindi kami magkakilala, ni hindi ko nga maalalang close na kami. Sinundan niya lang ako isang araw noong una kong pagpasok sa Moonlight pero pagkatapos noon ay wala na kaming kahit na anong naging interaksyon bukod ng kagabi.
He's attractive, yes. Napaka-gentleman, masiyahin, lahat na nga yata ng magandang katangian ay nasa kanya na. Pero hindi yun sapat na dahilan para magustuhan ko siya at magselos dahil lang sa isang babaeng hindi ko alam ang relasyon sa kanya. Ang paratang na sinabi niya ay napaka-imposible.
Tumayo ako sa kama ko, lumapit sa salamin at tinignan ang itsura ko mula ulo hanggang paa.
Kumpara sa kanya ay napaka-plain ko. Hindi nakakaagaw ng pansin ang itsura ko, ngumingiti man, hindi katulad ng kanyang umaabot hanggang sa mata. I'm a mess compared to him, hindi ko siya pwedeng magustuhan at sa tingin ko, hindi kami bagay.
Isa pa, wala akong panahon para sa mga ganoong bagay. Magulo na ang buhay na meron ako at ang isama ang ibang tao sa pagkalunod ko ay maling-mali. Mas mabuti pang ako nalang ang mag-isa ang lumubog at hindi na makaahon.
"Siya lang ang magliligtas sayo mula sa pagkalunod."
Dumagundong ang mga salitang binitawan ni Devon noong nakaraan sa isip ko.
No one could ever save someone na lunod na lunod na. Not Uriel. Not anyone. Hindi na ako umaasang may mag-aabot ng kamay nila sa akin para lamang iangat ako sa dagat ng problemang kinakaharap ko.
Tumalikod ako sa salamin at tumigil ako para tignan ang buwan mula sa bintana ng kwarto. It was bright and almost blinding. It was a magnificient sight to see. Lalo pa at napapaligiran ito ng mga bituin na nagmistulang mga silver na luha na nagmula sa buwan. The moon, unlike me, even if its looks sad, it can cast blinding lights for everyone to see. For everyone to enjoy the beauty that it has. For everyone to know that it is okay to be sad and be beautiful at the same time. And maybe that was what I am missing. I am sad and miserable and way far from being beautiful. I am pulling myself down and would never want to be save by anyone who's going to stay temporarily anyway.
I'm scared of being left behind, while the moon is fine with the reflections of the sun has given to it. It was contented with taking what's left but I would never be contented. I can't be contented.
--
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa eskwela para gumawa ng homeworks na binigay sa amin ng mga professors. Wala rin kasi kaming internet at wala rin akong pwedeng makuhaan ng sources bukod sa school library.
Iilan pa lang ang laman ng library kaya mas makakapagconcentrate ako sa paggawa ng homework.
Dala ang mga librong nakuha ko sa shelf, muli kong pinasadahan ng tingin ang buong library upang humanap ng pwedeng maupuan. Huminto ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki. Nakatalikod ito sa akin at may suot suot na headphones. Agad akong nagmartsa papunta sa kanya.
Isang tapik ang ginawa ko dito bago umupo sa tabi niya.
"Good Morning, Zelo." bati ko dito. Bahgya itong nagulat sa akin at ilan sandali akong tinitigan ngunit ng maisip niya kung sino ako ay naiilang itong tumango bago umiwas ng tingin. Nagkibit-balikat na lamang ako.
Hindi ako ilang sa presensya ni Zelo. Minsan pa nga ay binibigyan pa ko nito ng comfort kahit wala siyang gawin. Parang may kakaibang bagay na meron kay Zelo na nagdudulot sa akin ng kasiguraduhang magiging okay ang lahat. I don't know anything about him but being with him somehow comforts me.
"Tapos ka na sa assignments?" Lumingon ako sa kanya para magtanong matapos ang ilang minuto ngunit nakapatong na ang kanyang mukha sa braso niya at nakapikit. Nawala na rin sa pwesto ang headphones niya. Hindi ko maiwasang mapatawa ng mahina. Mukha kasi itong maamong tuta.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyRevising... Angel. One girl. An everlasting love. A story of an Angel who's willing to give up his ETERNAL life just to be with the girl he loves. former 'My Guardian Angel'