01 | morning

61 2 1
                                    

Michelle Jane San Agustin
UNO.

I'm so tired. Palagi nalang akong gigising sa sigaw ni Nanay at sa pagsasara ng pinto ni Tatay tuwing umaga para lamang wag ng marinig ang reklamo niya. Di ko talaga maintindihan, kung ayaw naman pala nila sa isa't-isa ay bakit pa sila nagpakasal? Ako itong nahihirapan para sa kanila e.

"Michelle!" Nang marinig ko ang sigaw ni Nanay ay alam ko nang ako naman ang pagdidiskitahan niya. Kinuha ko ang isang unan at inilagay iyon sa tenga ko. Umaasang mahaharang ang matinis na boses ng Nanay. "Michelle! Bumangon ka na riyan! Tanghali na!"

Araw-araw nalang ganito. Kapag hindi nagsalita pabalik si Tatay at hindi pinatulan ang kapritso ni Nanay, sa akin malilipat ang galit. My father ended up saying sorry to me every end of the day. Siguro ay nahihiya na siya dahil dapat ay siya itong nasisigawan at hindi ako.

"Ano ba, Michelle!"

Napagulo ako ng aking buhok at bumangon na. Hindi ko naman kasi mapipigilan si Nanay. Kung pwede lang talagang matulog nalang ako habang buhay para di marinig ang boses ni Nanay ay malamang matagal ko ng ginawa. I hate my life but I couldn't hate my own mother. I just can't.

"Michelle!"

"Gising na po ako!" Tugon ko sa kanya para matigil na.

Bumangon akong parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon ng pamilyang kinabibilangan ko. Gusto kong magreklamo sa Kanya ngunit alam kong may dahilan Siya kung bakit ganito ang buhay na ibinigay Niya. Naniniwala akong may plano Siya sa akin. Nagtitiwala ako sa Kanya.

Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan akong magsabi ng kung ano mang problema ko sa kanila ay ang kanilang walang palyang pag-aaway. Hindi ako makakuha ng tyempo. Palaging wrong timing. Kaya mas minabuti ko nalang kimkimin at sarilihin. Napagod na rin kasi akong mag-approach. Sobrang layo na ng agwat naming lahat kahit pa nakatira kami sa iisang bahay. It's like living in house but not a home.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko nung nagsusuklay na ako bago lumabas. "Nagsusuklay ka lang ay inaabot kapa ng siyam-siyam?" Pagalit na salubong sakin ni Nanay. Magandang umaga din po, Nay. Gusto ko sanang sabihin ngunit mas minabuti ko nalang na hindi. "Pumunta ka sa ospital at bisitahin mo ang tiyahin mo. Sabihin mong hindi ako makakaalis dahil marami akong dapat gawin dito sa bahay." Inilibot niya ang paningin sa kwarto ko bago muling magsalita. "Wala naman kasing gagawa dito kundi ako lang."

Tumalikod ako sa kanya para di niya mapansin ang buntong hininga ko. "Opo, Nay." Pinalis ko ang kumawalang luha sa aking mga mata ng marinig ko ang pagsara ng pinto. At least, makakaiwas ako mala-impyernong lugar na ito.

--

Umalis ako ng magkaroon ng round 2 ang pag-aaway ng mga magulang ko. Labag man sa loob kong iwan ang Tatay ay ayoko rin namang manatili roon. Kung papayagan ng pagkakataon ay gusto ko na ring bumukod. Pero bukod kasi sa wala akong pera, wala rin akong mapupuntahan. Pagtitiisan ko nalang hanggang sa makapagtapos ako ng college. Konting panahon na rin naman yun.

Nakarating ako sa ospital ng hindi ko namamalayan. Marami akong nakasalubong na mga pasyente sa daan ko patungo sa silid ng akong tiyahin. Halos lahat sila ay may pare-parehong ekspresyon sa mukha. They all look tired but still want to win the fight. Lahat may lungkot sa mga ngiti pero ang mga mata nila ay sumisigaw ng walang humpay na pag-asa. Pag-asang magliligtas sa kanila sa anumang sakit na maroon sila. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng bigat sa aking dibdib. Bigla-bigla ay gusto kong maglupasay at umiyak para sa buhay ko at para na rin sa pighating mayroon sila. I want to cry for them and let them know that they are not alone. That I, too, know the pain all too well.

Kumatok ako sa isang kwarto bago magpasyang pumasok. Bumungad sa akin si Tita Andeng na nakahiga sa kama ng ospital at may dextrose sa kanang kamay. Ngumiti ito sa akin ng makita niya ako kaya ngumiti din ako pabalik.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon