05 | cares

21 0 0
                                    

5

Natuluyan nga akong nagkasakit kinabukasan kaya agad kong naitext si Devon upang sabihin na hindi ako makakapasok. Kailangan ko ring tawagan mamaya ang opisina ni Ma'am Carys upang sabihan din siya.

Hindi ako makabangon sa kama ko at ni hindi man lang makagalaw ng maayos dahil kapag ginawa ko, umiikot lamang ang mundo ko.

Hindi ko alam kung parusa ito sa akin ng mundo dahil sa pagmamatigas ko kina Nanay at Tatay. Para bang kahit ito ay pinapaalalahanan akong mali ang ginagawa ko at kailangan kong bumalik sa tamang daan.

I close my eyes and take a deep breath. Mukhang maglalagi na lamang ako sa bahay buong maghapon.

Tatlong araw na simula ng hindi kami nagkibuan ni Nanay. Alam kong ako dapat ang magbaba ng pride at magsorry sa kanya ngunit mukhang napasobra na din siya. Hindi ko magawang itulak ang sarili ko upang gumawa ng paraan para magkaayos kami. Sobra ko kasing dinamdam ang mga salita niyang binitawan sakin noong isang araw.

Isang sunod-sunod na katok ang naglihis ng isip ko. Nagkunwari akong natutulog at hindi na nag-abala pang tignan kung sino iyon. Nakaalis na kasi si Tatay kanina pa kaya alam kong si Nanay ang kumakatok. Gusto kong maiwasan ang kung ano mang bangayan na mangyayari kapag naabutan niya akong gising.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at tila ba kakawala na ito sa ribcage ko but I keep my act at mas lalong nagconcentrate na pakiramdaman ang ginagawa ni Nanay sa kwarto ko.

Isang mainit na kamay ang dumapo sa noo ko at maging sa leeg ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-usbong ng emosyon sa akin at ang pagsisimula ng mga luha sa aking mga mata.

She cares.

"Sinabi ko na kasing wag ng magtrabaho." Rinig kong bulong niya bago ko marinig ang mga marahang yabag niyang papalayo sa akin. The moment I heard the flicking sound of a closing door, I curled myself up, hug my knees and let my emotions flow. She cares. She cares.

Sobrang tagal na rin noong alagaan niya ako habang nagkakasakit ako. Sobrang tagal na noong maramdaman ko ang mainit na kamay niya sa aking balat habang marahang tinitignan ang temperatura ko and now everything is so foreign to me. Hindi ko na lubos maalala ang pakiramdam ng mga haplos niya sa akin and now she entered my room and checked on me. Pigil ang hagulgol ko habang umiiyak, ayokong marinig niya ang pag-ngawa ko at marealize niyang alam ko ang pagbisita niya sa akin dito sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung masaya ba ako dahil sa pagpunta niya o mas lalo lang naguilty. Ang alam ko lang ay gusto kong umiyak, gusto kong ilabas lahat ng emosyong napuno sa loob ko katulad ng pag-iyak ko noong isang gabi. This is my way of curing myself. To sulk inside my own bubble and cry. After nito, kinabukasan, wala na ulit akong mararamdaman. Magiging okay na rin ako at kung palarin, mawala na rin ang bigat na dala-dala ko sa loob ko.

My life was always like this since then. Simula nung manlamig na sa akin si Nanay at magpasya siyang wag na kong pakialaman. Ako ang nag-aalaga sa sarili ko, ako ang naghahanda ng mga gmmit ko sa eskwela. Ako ang nagluluto ng pagkain ko sa tuwing wala sila. Ako lahat ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay siyang ang gumawa para sa akin. I learned to live without anyone's help. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at lumaban sa buhay ng mag-isa.

I stumbled and fell along the way to where I am now pero mas lalo akong natuto. Nakakakuha ako ng panibagong lesson sa buhay dahil sa mga pagkakamali ko noon. I learned that if you're alone you need to act strong. You need to show the world that you're capable of living your life without anyone's help; that you are independent. And make them think that you are free, in that way they won't think you're vulnerable. They won't judge you, di na nila magagawa pang dagdagan ang sugat pagkatao mo. They would think you don't help from them so won't try to break your thick walls surrounding you. That's the irony of life. You may be vulnerable but no one has to know. No one but yourself.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon