6
Umiiyak ako sa loob ng kwarto ko pagkauwi. Sobrang pagod na ko sa sitwasyong meron ako. Ginawa ko na ang lahat para maging masaya sila para sa akin. Nagpursigi ako ng pag-aaral, sinusunod ko lahat ng gusto nila pero ito ba namang simple bagay pa na ito ay gagawin niyang big deal? Sawang-sawa na ako.
Matapos ang trabaho ko kanina sa Moonlight ay nagpasya na akong umuwi. Masaya ang nangyari sa trabaho. Maraming customer ang dumayo may mga natutuwa sa performance ng bawat isa sa amin. Naging distraksyon ko ang shop but the fun has ended right after I got home.
Isang nagngangalit na mukha ni Nanay ang sumalubong sakin kanina. She looked so mad, furious even. Kaya biglang nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ng takot. What did I do this time?
"Kailan ka ba makikinig sa aming bata ka?" Matatalim ang mga salitang iyon na nagmula sa kanya. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil doon. I didn't know what to say so I kept silent. Wala akong maalalang may ginawa ako na kinasama muli ng loob niya.
"Talagang ginawa mo ang gusto mo?" Nagsimula na siyang tignan ako ng matalim. Tumagos iyon sa aking puso. Biglang pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. "Itinuloy mo parin magtrabaho?"
Doon na ako tuluyang napanganga. Iyon nanaman ba ang ikinapuputok ng buchi niya? Akala ko ba ay gawin ko ang gusto ko at wala na siyang pakialam? Nagsimula na rin akong mainis pero hindi parin ako nagsalita.
"Kung gusto mong magpakamatay ay wag mo kaming idamay! Napakadami na ngang gastos dito sa bahay ay dadagdag ka pa!" Hindi na ako nag-abalang pakinggan pa ang mga hinaing niya at agad siyang nilagpasan. Alam kong kabastusan iyon ngunit napapagod na rin akong pakinggan ang mga reklamo niya. "Wag mo akong tinatalikurang bata ka! Kinakausa--
"Pagod ako, nay! Tama na po." Hindi ko na napigilan ang pagtaad ng boses ko. Naiirita ako ng sobra at hindi ko na kaya pang mapigilan ang sarili ko sa pagsagot sa kanya. "Hindi ba at wala na kayong pakialam sa mga gagawin ko? So why care now?"
Nabingi ako sa sampal na dumapo sa pisngi ko. Napaawang ang bibig ko at ni hindi ko kayang maibalik ang tingin ko kay Nanay.
My eyes started to water but I swallowed hard to stop it.
"Hindi kita ganyang pinalaki!"
Gusto ko muling sumagot ng 'Hindi niyo ako pinalaki, nay!' pero itinikom ko na lamang ang bibig at tinalikuran na siyang tuluyan. Ilang sigaw pa ang narinig ko mula sa kanya ngunit isinara ko na lamang ang pinto ng kwarto ko at sumalampak sa kama ko. And that is the reason why I am here crying.
Sabi nila wag mong ipagsisiksikan ang sarili mo sa mga taong ayaw kang papasukin at tanggapin sa buhay nila kaya sinubukan ko. You see, I tried. I pretended that I didn't care. I stopped making efforts, I stopped being immature. Ayokong masaktan at mareject so hindi na ko nagpilit pang pumasok kasi in the end alam kong hindi rin magbubukas iyon.
But they are my family.
Di ko mapigilang magpatuloy sa pagkatok. Alam kong walang magpapapasok sakin because I am the unwanted child. Di nila ako matatanggap kahit ano pang gawin ko but I still continued to knock until my hand was covered bruises.
Alam kong nagsasayang nalang ako ng oras kakaisip na makikita nila yung mga ginagawa ko para masiyahan sila sakin. I've tried. I've tried everything pero wala eh. I'm not worthy of their time. Of her time.
Pagod na akong kumatok. Pagod na akong akyatin ang pader na nakaharang sa pagitan namin. Pagod na ako. Pagod na pagod. Ayoko na. Gusto ko nalang sumuko.
Pero hindi ganun kadali yun. Mahal ko sila higit na kanino man. Hindi ko kayang kalimutan nalang na sila ang nagdala sa akin sa mundong ito and I want to show it to her. To show her that I am thankful. Na kahit pa ganito ang pakikitungo niya sa akin gusto ko parin magpasalamat. I want her to open her door for me and let me in pero ang tigas-tigas niya.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyRevising... Angel. One girl. An everlasting love. A story of an Angel who's willing to give up his ETERNAL life just to be with the girl he loves. former 'My Guardian Angel'