Kung mamalasin ay ako pa ang inutusan ni Devon upang ibigay ang order ng lalaking gwapo. Ayoko na sanang lapitan ito dahil sa kahihiyang inabot ko noong pumasok ito sa shop at isa pa kakaiba ang mga titig at ngiti nitong ibinibigay sa akin habang nagtatama ang aming mga mata. Tila nanghuhusga at nangingilatis. Nakakailang.
Dahan-dahan at puno ng ingat ang paglapit ko sa gwapong lalaki habang dala-dala ang tray na naglalaman ng inorder nito. He was busy staring at the people outside the shop na ni hindi man lang nito nahalata ang aking paglapit.
Walang imik kong inilapag ang tasa ng mainit na kape at isang slice ng cake sa mesang kinaroroonan nito. Natatakot na may magawa nanamang mali sa harap niya.
"Fascinating." Napapitlag ako ng bigla itong magsalita ng matigas na ingles. Nag-angat ako ng tingin dito kaya nakita ko ang mumunting ngiting namumuo sa gilid ng labi nito. "Humans are always busy about something that they couldn't even bring to grave with them."
Napaunat ako ng tayo sa narinig. Ang ibig niya bang sabihin ay ang mga taong nagkukumahog sa trabaho upang masustentuhan ang pangangailangan ng pamilya nila?
"Hindi nila alam na may mas mahalaga pang bagay kesa sa pera." Usal muli ng lalaki bago abutin ang kape sa mesa at mag-angat ng tingin sakin. "Napakaraming dapat paglaanan ng oras."
Aalis na sana ako sa harap niya upang maiwasan ang paglabas ng masasamang salita mula sa akin. Una dahil siya ay customer at pangalawa karapatan niya ang magsaad ng sariling opinyon.
"Michelle." Sa pagtawag niya ng pangalan ko ay may kung anong nag-click sa memorya ko. The smile, the touch, the boy in the hospital. "Nagsisimula pa lang ang buhay mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
Binigyan niya muli ako ng isang misteryosong ngiti bago magkibit-balikat. "You may not notice it but you already met your match."
Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Anong match?
"The half of your soul. Nakita mo na siya."
I stared at him like he had grown another head. Anong soul? Ano ba ang pinagsasasabi ng taong ito? Mukhang baliw yata 'tong lalaking ito.
"Eros." Nawala ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng may magsalita mula sa gilid namin. At base sa boses ng lalaki ay mukhang kilala ko ito. "Michelle?"
"Uriel." Ngumisi ang lalaki sa akin bago lingunin ang pinanggalingan ng boses. "Kanina pa ako naghihintay. Saan ka ba nanggaling?"
"May dinaanan lang ako sandali." Lumingon ako at sinalubong ang mga mata ni Uriel na kanina pa pala nakatitig sakin. "Anong pinag-uusapan niyo?"
Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o ang lalaking tinawag niyang Eros.
"Nothing important." Sa huli ay ang lalaki parin ang sumagot kay Uriel. Dinig ko ang ngisi sa boses niya habang nagsasalita. "Why don't you introduce me to her, Uriel?"
Uriel nodded without leaving his eyes at me. He reluctantly smiled before saying, "Michelle, si Eros kapatid ko. Eros si Michelle."
May kapatid siya?
--
Hindi ko alam na may kapatid si Uriel kung hindi pa nito sinabi sa akin. Hindi ko maikakailang magkapatid sila dahil halos magkapareho ito ng hulma ng mukha at parehong matipuno at gwapo. They also share the same weird vibe na akala ko ay kay Uriel ko lang narararamdaman.
Marahil na rin siguro sa sobrang kagwapuhan ng dalawa kaya naiilang ako sa tuwing ngingiti sila sa akin o di kaya naman ay titingin. Ilang beses ko rin nahuli ang seryosong usapan nila tapos ay susulyap sa akin na para bang ako ang subject sa seryoso nilang diskasyon.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyRevising... Angel. One girl. An everlasting love. A story of an Angel who's willing to give up his ETERNAL life just to be with the girl he loves. former 'My Guardian Angel'