Hindi ko na muli pang inisip ang tungkol kay Uriel. Baka kasi sobra lang ang pag-iisip ko patungkol doon at isa pa, may mas importanteng bagay akong dapat intindihin.
My mother and I never talked after our row last week. Ayoko rin naman na kausapin pa siya at mapagsalitaan pang muli ng masasama. As for my father, dalawang araw na itong hindi nakakauwi kaya naman doble ang init ng ulo ni Nanay.
Minsan ay naririnig ko siyang bumubulong habang nasa kusina. It was something about my father having an affair kaya hindi ko na iyon binigyang pansin pa. As much as I want to defend my father, iniisip ko din na baka nga tama si Nanay. Baka nga may ibang pamilya na si Tatay.
Kung ang teenage and immature self ko ang makatuklas nito, I'd go mad. Baka di ko kayanin but since I understand everything now, I'll try to understand my father too. Although, I know his reason would somehow be as ridiculous and as shallow as it turn out to be, I'll try to understand him. Pero ang ikinakakabahala ko kung paano iyon ite-take ng nanay. Ngayon pa nga lang na naghihinala siya ay sobra na ang resentment at pagkamuhi niya kay Tatay at maging sa akin, paano pa kaya kung totoo na ang lahat? I could deal with another pain and a broken family but what about my mother?
Alam kong mahal niya si Tatay. Alam kong kahit papano ay binibigyan niya ng halaga ang marriage nila and imagining them fall apart in front of me, sobrang napakasakit.
"Hey. Are you okay?" I was cut out of my painful reverie when someone spoke nang tignan ko iyon kung sino nagulat ako na si Zelo pala iyon. Sabado ngayon at ako ang nakapwesto sa cashier. Hindi ko man lang namalayan na nagspace-out na pala ako.
"Uhh...ano oo. Ano nga ulit order mo?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang mga mata sa machine na nasa harap ko.
"Actually, kakarating ko lang, hindi pa ko nag-oorder." Muntik ko nang sapakin ang sarili sa narinig. Nakakahiya naman!
"Okay, uhm... can I take your order?"
Nang sabihin ni Zelo ang order niya ay agad akong tumawag ng crew to take over sa cashier. Simula pagkabukas ay kanina pa ako nandun baka sa sobrang pagod kaya nawawalan ako ng pokus.
Nakipagpalit ako kay France kaya ako na ngayon ang nagpupunas ng ibang ginamit na mesa. Hoping this would pull me out of my vortex of thoughts.
Ngunit hindi pa man ako nagtatagal sa pagpupunas ay may kumalabit na agad sa akin. It was Zelo.
"Bakit?"
"Can we talk?" Alangan niyang tanong sa akin. I scanned the whole shop at nang mapansin kong wala naman masyadong customer ay agad akong tumango at umupo sa tapat niya.
Hindi pa kami muling nagkaharap ni Zelo matapos ang nangyari sa library isang linggo na ang nakakalipas. Zelo was acting weird towards me at talagang ni hindi man lang niya ako matignan. Ni hindi rin siya tumutugon sa mga 'Good Morning' greetings ko.
"Ano gusto mong pag-usapan?" I smiled weakly. I missed him kahit na hindi naman kami ganun kadalas magkausap. I treated him as a friend simula nang bigyan niya ako ng chocolate bar just to comfort me kaya nung iwasan niya ako, I feel disappointed.
Panandalian kaming natahimik matapos ko siyang tanungin. Nakayuko ako at tinitignan ang mga kamay na hawak ang maduming basahan but I could almost feel the intensity of his stare.
"Kilala mo ba si Uriel Arcanghel?" Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay agad akong napaangat ng tingin sa kanya. "Base sa reaksyon mo, mukhang kilala mo siya."
Nilabanan ko na ang mga titig niya sa akin habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Hindi ko alam kung saan patungo ang usapan na ito pero nais kong malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang pag-usapan namin.
"He's dangerous." He said. Akala ko ay ipapaliwanag niya kung bakit delikado si Uriel pero hindi na ito nagsalita pa at bagkus ay mas lalo lamang akong tinitigan. Kapareho ito ng mga tingin na ibinibigay sa akin ni Devon kapag may gusto itong malaman. At katulad ng kay Devon, it makes me feel uncomfortable.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko gamit ang maliit na boses.
"Iba siya. Hindi siya katulad ng iniisip mo."
"Paano mo naman nasabi yan? Kilala mo ba siya?" Hindi ko naitago ang pait na nabuo sa boses ko habang tinatanong iyon. I don't want to judge someone without knowing who they really are at kung panghuhusga nga lamang na maituturing itong ginagawa ni Zelo kay Uriel, hindi ko siya susundin. I may not know Uriel that well but I could say that he's a good person.
"I know enough para masabing delikado siya. You need to stay away from him."
Umiling ako sa kanya bilang sagot. Hindi ko iiwasan si Uriel dahil hindi naman kami palaging nagkakausap.
"Michelle, I need you to stay away from me too."
Napaawang ang aking bibig sa narinig. Hindi lang niya ako kay Uriel gustong palayuin kundi pati sa kanya!
"Ano bang sinasabi mo, Zelo? 'Di kita maintindihan."
"Hindi ako katulad ng iniisip mo."
Tumawa ako ng mapait at tinignan siya direkta sa mata. "Alam mo man lang ba kung ano ang tingin ko sayo? Zelo, you are my friend and I don't want you to push me away without telling the real reason why."
"I am as dangerous as him. You'll get hurt if you don't stay away from me, from us. This is not a plea, Michelle. This is an order."
"I will not take orders from you or from anyone. No. I will not stay away from Uriel. I will not stay away from you!" Tumayo ako habang sinusundan niya ng tingin ang bawat galaw ko. "This conversation is over. Enjoy your coffee, Zelo."
Tumalikod na ako at nagumpisa ng magmartsa pabalik sa kusina ng shop.
"Michelle, sandali!" hinigit niya ako paharap sa kanya dahilan para mawalan ako ng balanse at bumangga sa kanyang dibdib. I pushed him away to give enough space between us kahit na nanghihina ako. Nagsisimula na rin uminit ang gilid ng aking mga mata.
"Fine." He whispered. "Fine." he repeated, this time with conviction.
Tinignan ko ang kanyang mukha. Pumikit ito at huminga ng malalim bago muling magmulat ng mata.
"Let's be friends then."
--
Ang nangyari kanina ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Devon. Aniya'y mukha raw kaming magboyfriend na nag-aaway dahil sa selos. Ang depensa ko naman ay pagtatalong magkaibigan lamang iyon.
Kwinento ko sa kanya ang napag-usapan namin at maging siya ay nagtataka kung bakit ganun na lamang ang kagustuhan ni Zelo na layuan ko siya at si Uriel.
"Sinadya ka pa talaga niya sa Moonlight at gumawa ng scene. Ang lakas niyo kayang maka-teleserye kanina!" Bulalas ni Devon. Naglalakad na kami pauwi. "Kulang nalang magyakap kayo sa harap ng lahat at maghalikan para talagang bittersweet ending ang peg!"
Natatawa akong umiling sa sinabi niya. Ngayong binabalikan ko na sa isip ko ang nangyari ay talaga ngang nakakahiya ang eksena namin kanina.
"Muntik na nga akong kiligin kanina kung hindi lang si Selo ang ka-scene mo e! Pero seryoso, dalang-dala ako dun sa scene niyong higitan effect! Jusko, nakakaubos ng hininga!"
"Hay naku, Devon tumigil ka nga." Natatawa kong saway sa kanya bago tumigil sa paglalakad ng makarating na kami sa intersection. "Wag mo na naman sanang asarin si Zelo baka kayo pa magkatuluyan nun."
"Asa! Kayo nalang no! Para kapag kayo ang nagkatuluyan maliligawan ko na si Uriel." Humalakhak ito bago ako hampasin sa braso. Kahit kelan talaga itong babaeng 'to. "Joke lang! Asa naman akong sasagutin ako nun. Bye na nga! Kita nalang tayo bukas. Ingat sa pag-uwi." Tumakbo na si Devon bago muling tumigil at kumaway sa akin para magpaalam. Kumaway ako pabalik at nagsimula na ring maglakad pauwi.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyRevising... Angel. One girl. An everlasting love. A story of an Angel who's willing to give up his ETERNAL life just to be with the girl he loves. former 'My Guardian Angel'