2
Nakarating ako ng hindi ko namamalayan sa Unibersidad na pinapasukan ko. Masyado kasi akong nalunod sa aking pag-iisip habang papasok.
Wala akong masyadong kaibigan dito. Bukod kasi sa may mga kanya-kanya ng circle of friends and iba ay umiiwas din akong makipagkaibigan. Afraid that they would hurt me in the end. Takot akong magtiwala at takot magpapasok ng kahit na sinuman sa buhay ko.
Ang hirap kasi na kapag marami ng nakakakilala sayo, marami ding may kakayahang saktan ka. It's inevitable.
Devon is my only friend, magkakilala na kami simula palang noong highschool. Aiguro nga ay maituturing ko na siyang malapit na kaibigan. She knows me more than anyone else, at alam niya rin ang sitwasyon ko sa bahay.
Halos pareho lang kami ng sitwasyon, ang tatay niya kasi ay isang alcohol dependent, palaging lasing, palaging mainit ang ulo kaya sa huli napagbubuhatan siya at ng mama niya ng kamay nito. Minsan nga ay papasok itong may pasa sa braso o di kaya ay mugto ang mga mata. Magkakatinginan nalang kami at ngingiti ng malungkot sa isa't-isa.
It's good to have someone na makakaintindi ng sitwasyon mo, masarap sa feeling, nakakagaan ng loob. Having a friend won't make a change. Kahit isa lang at least alam kong may kasama ako. This may contradict what I said earlier but having her is a lot more better than having a bunch of fake friends.
Pumasok sa sa classroom at binati ang ibang nagsabi ng 'Good Morning' sa akin. Namaster ko na ang fake smiles at pekeng happy persona. Kung may award nga lang doon ay malamang hinakot ko na lahat. Di naman kasi nila nakikita eh. Na sa kabila ng mga ngiting ibinibigay ko sa kanila is a girl with a broken heart.
"Good Morning, Michelle." Bago ako umupo ay bumati sakin si Zelo. Nakaupo ito sa likod ng upuan ko. Hindi kami gaanong ka-close pero palagi naming binabati ang isa't-isa.
"Good morning." Nilingon ko ito at binigyan ng ngiti.
He's always quiet. Bihira kong marinig na magbitaw ito ng isang paragraph na salita. Palaging tango at iling lang ang ibinibigay nito kapag may magtatanong sa kanya. Minsan naman sasagot ngunit isang salita lang.
And there's something about him na nagbibigay sakin ng pakiramdam na mabuti siyang tao. Takot lang siyang ipakita tulad ko.
Ngumiti ito pabalik sa akin at tsaka naibalik ang earphones sa tenga niya.
Inilibot ko ang paningin ko sa classroom na ito. They are all busy with their own world. Pawang mga may ngiti sa labi. Pawang masaya. Nakaka-inggit. Ako kaya kailan makakaranas ng totoong kasiyahan?
Happiness. Napakadaming dahilan sa mundo para sumaya pero di ko alam kung bakit nakakaramdam parin ako ng pagkukulang sa loob ko. I've tried everything to be happy and to ignore life's problem pero kada magiging masaya ako, may mangyayaring puputol doon. That's why I refrain to let myself to feel extreme happiness because if I do, I'm afraid something horrible might happen in return.
"Good morning, Mich." Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pamilyar na tinig ni Devon.
"Good morning." Ngumiti ako dito at sinundan ito ng tingin habang papaupo sa tabi ko. "Kumusta bakasyon?"
"Kung tinatanong mo kung ano ang naging bakasyon ng isang punching bag, hindi mo na gugustuhin malaman." Sagot nito sa akin. Napangiwi ako sa namuong imahe sa isip ko.
"Bakit di niyo kasi ipatingin sa psychiatrist yung Papa mo?"
"Kahit yata santo di na matutulungan yun! Ginagawa na kasing Diyos niya ang alak!" Puno ng pagka-irita ang boses nito. "Siguro napapangitan ng sobra kay Mama kaya palaging lasing umuwi. Baka daw kasi gumanda sa paningin niya si Mama kung sakali." Tumawa ito ng malakas sa sariling joke. "Pero nakapagbakasyon naman ako kahit papaano. Pumunta kaming Laguna ni Mama."
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyRevising... Angel. One girl. An everlasting love. A story of an Angel who's willing to give up his ETERNAL life just to be with the girl he loves. former 'My Guardian Angel'