Chapter 4

7 0 0
                                    

Past

Misch's POV

"A-aray" hawak hawak ko ngayon ang ulo ko. Ang sakit. Napadami ata ako ng shot kagabi kaya ito ngayon hang over. Haysss.

T-teka nga! Paano ako napunta dito sa kwarto ko? Sinong nagdala sakin dito? Nakooo! Baka may ginawa akong kalokohan kagabi. Makaligo na nga.

--------

"Manang. Sino po nagdala sakin dito kagabi?" Tanong ko sa isa naming kasambahay habang kumakain.

"Ay di ko po alam ma'am. Ang naaalala ko lang po ay lalaki sya tapos mataas."

"Ah. Sige manang, salamat"
Sino kaya yun? Baka si John lang. Sana naman wala akong ginawang mali.

Nagbihis ako dahil pupunta ako ngayon sa mall para na rin makapagshopping.

----------

"Ma'am. Ano pong gusto niyo?" Tanong ng isang sales lady sakin. Psh. Kanina pa sya tanong ng tanong sakin niyan na di ko naman type mga admit nila. Tss Makalayas na nga dito.

Naglalakad ako papuntang Starbucks ngayon. Habang Naglalakad ako may napansin akong pamilyar na lalaki.

"No. No no, di siya yun. Hindi" mabilis akong naglakad papuntang parking lot.

"Misch." Hinila niya ako papunta sa may corner.

"Please Rio. Stop it. Bitawan mo ko."
Sabi ko sa kanya habang umiiyak. Bakit ba sa tuwing nakikita ko sya di ko mapigilang umiyak. Lahat ng sakit noon, ngayon ay Bumabalik na naman.

"Misch. Bumalik ka na sakin please. Wala na kami. Di ko na sya mahal Misch. Please Misch. Let's bring back our relationship. Yung mga araw na naging masaya tayo. Misch"

"R-rio pls. Ayoko na. Sinaktan mo na ako ng Paulit-ulit. Kaya naman please lang. Lumayo ka na sakin. Di na kita mahal Rio. Please stay away with me"
Inalis ko ang kamay niya na nasa balikat ko at mabilis na naglakad palayo habang umiiyak.

Drake's POV

Naglalakad ako papuntang grocery.
Uy. Si Misch yun ah. Teka? Sino yung lalaki? Bat umiiyak si Misch? Iniwan ni Misch ang lalaki at dali daling naglakad. Sinundan ko si Misch.

Muabot kami sa parking lot at agad na pumasok si Misch sa sasakyan niya. Nakita kong umiiyak si Misch kasi di niya na isarado ang kanyang kotse kung kaya't agad ko syang pinuntahan.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Shhh. Di na mahalaga yun. Iiyak mo lang yan"

Misch's POV

"A-anong ginagawa mo dito?"
Pinahid ko yung mga luha ko at umayos.

"Shhh. Di na mahalaga yun. Iiyak mo lang yan" tae naman oh. Mas lalo tuloy akong umiyak.

"Sht. Bakit ba kailangan niya pang bumalik? Kinalimutan ko na sya. Tapos ito? Bumalik na naman lahat ng sakit. Ang sakit sakit"

*** Flashback ***

"Happy anniversary Love. I Love You" love? Kelan pa sya nagkaroon ng ibang babae maliban sakin? In 2 years na pagsasama namin may iba na din pala sya?

Agad akong pumunta sa table na pinagkainan nina Rio at ng kanyang haliparot.

"Hoy babaeng haliparot na makapal ang kolorete sa mukha! Sino ka ha?! At bakit may palove-love ka pa?! Baka gusto mong ipalaba ko yan mukha mo sa kasambahay namin?! At ikaw Rio! Pinagkatiwalaan kita sa loob ng dalawang taon! I trust you so much at inahas mo na pala ako! I Hate you! At ikaw babae, fck you!"

Umalis agad ako bago pa umagos ang mga luha ko sa Harapan ng mga manlolokong yun.

"Misch. Hintayin mo ko" hindi ko sya nilingon at binilisan ang paglalakad.

"Misch. Naman Misch o. Wag mo naman akong ipahiya sa maraming tao." Hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko Inalis ang pagkakahawak niya sakin.

"Wow! Ang galing ah. So ayaw mong mapahiya kita? Wow! Great! Just great! Wala akong pakialam Rio kung mapahiya ka man o hindi. Sinaktan mo ko! Masakit Rio!! Masakit! Alam mo yung pinagkatiwalaan kita, hindi ako naging gago sayo pero ikaw! Ginago mo ko! Pinatay mo puso ko! Minahal kita ng lubusan pagka tapos wawasakin mo lang puso ko? Walanghiya ka!"

"Misch. Stop it. Di kita mahal okay?! Hindi. Kita. Mahal. Halika na nga love. Bweset. Tabi!"

Wow! Ang saya! Putcha. Ang sarap sa feeling nun ah. Iyak Lang ako ng iyak dito. Iniwan niya ako. Pangalawang beses natong nangyari nang dahil sa kanya. Ang sakit sakit. Sobra.

*** End of Flashback ***

Umiiyak ako habang ikinukwento ko yun kay Drake.

"Tahan na Misch. Makakalimutan mo rin sya. Makakita ka pa ng mas deserving sayo Misch, yung di ka iiwan"

"Salamat Drake ah. "

Niyakap nya ako kaya niyakap ko na rin sya

Drake's POV

Gago yung lalaki yun ah. Bat kailangan niya pang lokohin si Misch?! Pag nakita ko mukha nun nako! Bubugbugin ko yun.

Nagluto ako ng makakain ko.

*cring cring*

"Hello? Sino to?"

"D-Drake."
Agad na tumulo ang luha ko ng marinig ko ang boses niya.

"Drake. Sorry sa mga nagawa ko. Mahal kita Drake. Sorry. Drake bumalik ka na sakin please. Dra---"

Binaba ko na agad ang telepono.
Narinig ko pang ring ng ring ang telepono pero di ko sinasagot.

Bakit pa kelangan niyang mag paramdam sakin? Kinalimutan ko na sya.

---------------
AUTHOR'S NOTE:

Sino kaya yun kausap ni Drake?
Mababalik pa kaya ang relasyon Nina Misch at Rio?

Wews. Hello! ^^ enjoy reading :)

-Nimble'nWitty

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do I Deserve This?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon