His Wedding

576 13 3
                                    

Megan's POV


Naglakas loob akong pumunta sa hotel dahil na-curious ako sa itsura ng anak ni tito France. Ugh, its a lie. Gusto ko lang talagang balikan yung happy moments namin dito ni Gino. Nagpasama ako kay Harry, driver ko.


Nagpalatag ako ng red carpet para patagalin ang pagpasok ko sa hotel. Pero hindi ko naman inaasahan na ang chairman nila mismo ang mag aassist saakin. "Ma'am," Iniaabot nito ang kamay niya saakin at tinignan ko lang siya.


Mabuti nalang at naka sunglasses ako. Ano nalang sasabihin nila kapag nakita nilang malapit na akong umiyak? Ultimo oras nga ng pagtulog ko ay alam nila dahil sa twitter ko.


"Hindi ka pa ba bababa?" Nakita kong nag iba ang expression ng mukha niya, mukhang naasar na. Kaya naman agad ko ring inabot ang kamay niya at bumaba sa kotse.


Bago pa ako maglakad sa red carpet ay sinigurado kong wala na akong nangingilid na luha sa mga mata ko bago ko tanggalin ang shades ko.


"Woaaaahh. Ang ganda niya pala talaga sa personal Ems." Rinig kong bulong ng isang tauhan.


"Balita ko nga na dito sila nagcelebrate ng second year anniversary nila ng boyfriend niya.."


"Pero diba nagbreak din sila agad?"


"Parang kailan ko lang nakita yung lalaki dito sa hotel Ems eh.."


Tinignan ko nalang sila saka ngumiti dahil baka sabihin pa nilang bitter ako. Nag check-in ako sa hotel, gusto kong alalahanin lahat ng masasayang pangyayari na kasama ko si Gino dito kahit sa huling pagkakataon bago ako tuluyang mag move on.


Nasa balkonahe ako ng hotel ng makakita ako ng pagkalawak lawak na garden. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko iyon at dahil na-excite ako masyado ay hindi na ako nakapaggpalit pa ng damit bago lumabas ng kwarto ko.


Palabas na sana ako ng hotel kaso may nakasalubong akong lalaki at pabangong gamit palang nito alam ko na kung sino siya. Napabuntong hininga ako bago ko ito lingunin at para bang sinaksak ang puso ko ng paulit ulit ng makita ko siyang may kasamang babae at nagngingitian pa sila.


Lalapit na sana ako kay Gino. Gusto ko pa ring malaman yung sagot kung bakit siya nakipaghiwalay saakin. Gusto ko pa rin siyang balikan at sabihing mahal ko siya.


Pero may pumigil saakin at hawak nito ang braso ko. "Bitawan mo ako," Sambit ko, hawak ako ni Alex. "Hindi mo siya pwedeng guluhin ngayon." Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko.


"Bakit?" Halos pabulong kong tanong. "Dahil busy siya para sa kasal niya bukas." Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang mga salitang 'yon. Ikakasal na siya habang ako hindi pa rin nakakalimot sa dalawang taong pinagsamahan namin?


Isang buwan lang akong nawala pero ikakasal na siya? "Hindi totoo 'yan.." Lumabas na ako ng hotel at dumeretso sa garden. Para bang hirap na hirap akong huminga kanina sa hotel at ngayon lang ako nakahinga ng maluwag.

Mr. Successful Meets The SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon