Mystery Case Unsolved

30 1 0
                                    

Megan's POV

Naging mabagal ang oras para saakin. Isang linggo pero parang isang taon nang pabalik balik si Jairus sa condo para balitaan ako pero wala pa rin improvement. Alex is still nowhere to be found. And I hate to say that I'm starting to feel hopeless.

Pakiramdam ko iniwan ako sa ere. Naghalong lungkot, pag-aalala at galit ang nararamdaman ko ngayon. Pero kahit anong gawin ko, I guess walang makakatalo sa katotohanang mahal na mahal ko siya. I just miss him so much. Yung tipong pag nakita ko siya ayokong palagpasin ang bawat oras na hindi siya kasama.

Iniwan ko nalang si manager Cha at Jairus sa sala habang kumakain sila. I'm not in the mood. Ihinilata ko ang sarili sa kama at muling tinitigan ang cellphone ko. Up until now, I can't reach Alex through his phone. Siguro nga tinapon na niya ito para di ko na siya matawagan pa.

Kung anu-ano nalang talaga pumapasok sa isip ko this past few days. Ikaw ba naman iwan ng soon to be groom mo hindi ka mababaliw sa lungkot at sakit?

"Are you sure you don't want to join us? Pinabili ko pa naman kay Jairus ang paborito mo." Manager Cha entered my room. Ilang saglit pa ay umupo at tumabi na ito saakin sa kama. She hugged me. Perfect. Just what I needed instead of words. She really knows how to comfort me.

Humiwalay lang siya saakin nang may kumatok sa pinto. "Paano? Mauna na ako. I still have work to do. 30 minutes lang ang break ko." Paalam ni Jairus saamin. Tumango naman ako, "Thank you." Halos pabulong nang sabi ko pero alam kong naintindihan niya ito.

"Ano nang balak mong gawin ngayon?" Tanong ni manager Cha saakin pero maging ako hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin para mahanap siya dahil mukhang siya na mismo ayaw magpahanap. Malapit ko ng paniwalaan ang sinasabi ng utak kong iniwan na niya talaga ako ng walang dahilan.

"I mean, next month na 'yong shooting mo sa Korea. At aabutin tayo ng halos isang buwan doon." Oh yes, I almost forgot about the movie project. Sobrang pre-occupied ako aa mga nangyayari kaya wala na akong oras isipin ang career ko. "Honestly, I don't want to do it anymore." Saad ko.

"But its a big project Megan. Malaki ang maitutulong ng project na 'to sa career mo. You'll be bigger than you thought." Pagkumbinsi niya saakin. Alam ko naman, alam ko na malaki ang magiging impact sa career ko kapag itinuloy ko. Pero mas malaki ang magiging pagbabago sa buhay ko kapag hinayaan kong mawala si Alex. I cannot afford to lose him forever. I love him.

"Okay, I'll give you time to think about it again. Pag isipan mo ng mabuti Megan. We can still find Alex right after the project. Hindi naman natin pababayaan ang paghahanap sa kanya." She said bago pa umalis sa door ng room ko.

I opened my closet and saw my wedding dress. Walang sawang iniyakan ko ito. It really pains me. Lahat nalang ipinapaalala saakin si Alex. Natigil ako sa pag iyak ng tumunog ang phone ko expecting na baka nagtext si Alex dali-dali kong kinuha ito at binasa ang message. Si mommy lang pala nagtatanong kamusta na ako. Nagreply naman ako para hindi siya mag-alala masyado.

I even hired a private investigator para hanapin si Alex. Akala ko naman mas mapapadali ang lahat. Pero mukhang ginalingan ni Alex sa pagtatago dito sa larong tagu-taguan niya. His friends doesn't know where he is, ang tanging alam nila ay bigla na lamang itong nagquit sa trabaho. Same is through sa tatay niya, pinigilan niyang umalis si Alex pero wala na siyang magawa nang nagdesisyon na itong tuluyan ng iwan ang hotel. Si Mae wala ring ideya sa mga nangyayari.

At ang taong makakasagot sana ng lahat ng katanungan ko, si Diana na siyang hindi rin namin mahanap. Alam ko na, babalikan ko nalang ulit yung ale sa address na 'yon. Tama, uumpisahan kong tanungin siya baka may alam siya o kahit na anong pwedeng magdala saakin kung nasaan si Alex ngayon.

Mr. Successful Meets The SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon