No Giving Up

68 2 0
                                    

Megan's POV


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama saaking balat. Sumagi nanaman sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi at napangiti ng maalala ang lahat. Kinusot ko ang kumot dahil sa kilig at saka pinagpapadyak ang paa habang nasa ere ang aking mga kamay. Ganito pala ang feeling kapag sa wakas, inalok na ng lalaking mahal mo ang kamay mo para pakasalan siya at makasama siya habang buhay.


Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag handang handa ka ng ibigay at isugal ang lahat sa ngalan ng pag iibigan niyo. Umupo ako at nagdasal, Thank you Lord. Hindi parin talaga ako makaget-over sa bilis ng mga pangyayari. Isang malaking biyaya nanaman ang ibinigay mo saakin. Napakaswerte ko talaga. Sana lagi mo kaming gabayan ni Alex sa mga tatahakin naming daan. Amen.


Hindi ko alam kung kanino ko unang ibabalita ang lahat ng tungkol sa proposal at kasal. Masyado akong naeexcite sa pagplaplano ng kasal kahit na isang taon pa naman bago ito maganap. Pumasok nako sa banyo, naghugas ng mukha, nagmumog ng bunganga at saka lumabas ng kwarto. And to my surprise, my future husband is here. Ano ba yan! Kinikilig nanaman ako! ^_^


"Good morning." Bati ko sa kanya habang bumababa sa hagdan. He smiled, "Good morning beautiful lady, my soon to be wife. I bought you food." sabi niya at itinaas ang dala nitong paper bag. Naku! Kung ganito ba naman magiging asawa ko hindi nako hihinde pa! "Thank you. Nag abala ka pa pumunta rito." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi saka kinuha ang pagkain sa kanya at pumunta sa kusina para ayusin ito.


"Don't ever say that. Hindi ka abala." He cleared his throat. Enebe eng sweet nemen! Isip ko nalang habang naglalagay ng plato sa mesa. Nakita ko naman si Jelay na kalalabas ng kwarto niya. "Ma'am, ako na ho! G-Good m-morning ma'am." Natatarantang saad nito at natawa naman kami pareho ni Alex. "You don't have to be so formal Jelay. Ako na dito, gisingin mo na si mommy para kumain." Suhestiyon ko at agad naman itong gumalaw.


"Are you thinking of telling about the marriage to your mother?" Seryosong tanong ni Alex pero bakit ganun parang may kakaiba sa tingin niya. Parang sinasabi nito na wag kong gawin. "Yes, I'll tell her right after we finish breakfast. Bakit?" I asked but he didn't responded. Well he did, with a smile and nothing more.


"It makes me nervous." Sabi niya. Ayun! Lumabas din ang katotohanan. "Heto lang pala ang magpapakaba sa isang Alex Dylan Javier. Now I know." Nakangising sabi ko at nakita naming pababa na si mommy habang inaalalayan ni Jelay. Inayos ko naman ang upuan ni mommy at nilagyan ng pagkain ang plato niya. "Mommy may sasabihin kami ni Alex pero kumain na muna tayo." Nakangiting sabi ko rito at hindi naman siya nagreact so kumain nalang kami.


Mabagal at tahimik kaming kumain ng breakfast. Iniisip ko kung paano sasabihin kay mommy ang lahat sa paraang di siya magugulat dahil ikinakatakot kong magkaroon ng komplikasyon sa kanyang paghinga. Pasulyap sulyap kami ni Alex sa isa't isa at mapapangiti nalang dahil pareho naming di alam ang gagawin. We are both nervous to speak up.


Hinintay naming maubos ni mommy ang juice niya at saka ako naglakas loob magsalita. "Mommy, Alex and I." Huminga akong malalim. Grabe nakakatakot! Nakatingin lang si mommy saakin saka napalingon sa gawi ni Alex. "We---are getting married." Napapikit ako ng mga mata after I said those. Dahan dahan akong dumilat ulit para makita ang reaksyon ni mommy. Alex grabbed my hand and held it to calm me.


"I asked your daughter last night if she wants to be my wife and she said yes, Mrs. Bautista." Hindi halata sa boses ni Alex na kinakabahan siya para lang siyang normal magsalita. Mommy was silent and I have made things up in my mind again. What if she doesn't want to? What if she disagrees? What if it's wrong timing? Alex smiled at me and so I did.


Mr. Successful Meets The SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon