Alex's POV
"Five minutes." Paalam ko saka lumabas ng conference room kasama ang batang iniwan ng babaeng 'yun. She's pissing me off!
"Sir! Pinatawag niyo daw po ako?" Nagtatatakbo si Lizzy papunta saamin. "Alagaan mo muna 'tong batang 'to. Iniwan siya kanina dito ni Megan." I need not to explain further kaya naman bumalik na rin agad ako sa conference room.
Nagpatuloy kami sa meeting, "Sa loob ng folders na nasa harapan niyo ngayon ay ang ginawa kong plano para sa fund raising event. Maraming dadalong malalaking investors galing pa sa iba't ibang bansa kaya naman dapat mapaghandaan natin ito ng mabuti." Binuksan na nila ang mga folder na nasa harapan nila.
"'Yung blue na papel na makikita niyo diyan ay ang solicitation paper na dapat niyong mapuno until tomorrow. Mas malaking halaga, mas mabuti. Sa huli makikita niyo ang sample ng invitation letter---" Napatigil ako sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto.
Kumunot naman ang noo ko ng makita kong pumasok si Lizzy kasama ang bata. "Sir, kailangan daw po ako ni Wackie sa stock room..." Nakayukong sabi nito. "Isama mo ang bata." Sabi ko naman pero umiling iling siya. "Maalikabok po kasi doon, baka magka-asthma po siya." Right. So he needs to stay here with me? Ugh. =___=
Pinaalis ko na agad si Lizzy at pinaupo ko sa gilid ang bata. "Tapusin na natin 'tong meeting." Aish, hindi ako makapag concentrate sa trabaho ko. Saan ba kasi nagpunta ang isang 'yon at dito pa iniwan 'tong batang 'to.
"Sir, mauuna na po kami." Paalam nila saakin at tumango tango lang ako saka ipinatong ang mga paa ko sa conference table. Ihinilot ko ang kamay ko sa ulo ko, sumasakit ito. Wala pa akong tulog simula kagabi dahil pinaghahandaan ko ang fund raising event.
Nagulat naman ako ng may tumusok sa braso ko. "Stop what you're doing." Pinakaayaw ko sa lahat ay ang kinukulit ako pero ipinagpatuloy pa rin niya ito. "Stop." Ibinaba ko ang mga paa ko saka hinarap ang bata. =___________=
"Can you play with me?" Tanong nito saakin at hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Ano ako? Bata?" I said and then he started to cry. What the hell did I do wrong? O__O
Hindi naman kasi talaga ako bata para makipaglaro sa kanya.
"Moooommmyyyyyy!! Uhuhuhu!! Moo--" Tinakpan ko ang bibig niya. "Stop it!" Seryoso kong sabi pero hindi pa rin siya tumitigil. Bigla nalang siyang umubo ubo kaya tinanggal ko ang kamay ko at tinitigan lang siya. What the hell?
Tinawagan ko agad si Mae para magdala ng tubig. "Dalian mo!" Sigaw ko rito saka ibinaba ang tawag. Naalala ko noong bata ako na kapag may sakit ako, ang ginagawa ng nag aalaga saakin ay niyayakap ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko siya.
I patted his back several times and then he stopped crying, I felt amazing. "Sir," Nagulat naman ako ng marinig ang boses ni Mae at makitang dala nito ang isang baso ng tubig na nakalagay sa tray. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa bata saka inayos ang sarili ko. "Painumin mo siya." Agad naman nitong inabot ang tubig sa bata.
BINABASA MO ANG
Mr. Successful Meets The Superstar
RomanceMahal mo siya ngayon. Paano kapag nalaman mo na ang lahat ng di mo dapat malaman? Mahalin mo pa kaya siya? (Alex and Megan's story)