dangerously in love

364 7 8
                                    

Megan's POV


Ang daming tanong ng mga pulis saakin. Fortunately, nakarecover agad ako from what happened, nagtataka siguro sila kung bakit parang hindi man lang ako na-trauma the fact that it's my first time to be kidnapped at ngayon sa totoong buhay na, hindi na sa pelikula at teleserye.


"Thank you ma'am. Tatawag nalang kami kapag may bagong leads na." Tumayo na kami ni Alex at lumabas ng police station. Naiirita ako dahil sa sampung dumukot saakin ay isa lang ang nahuli, ang nakakairita pa lalo ay hindi daw nito balak ilaglag ang mga kasamahan niya dahil alam niyang makakalabas din siya agad, ilalabas daw siya ng boss niya.


Lalo tuloy akong napaisip kung sino 'yang boss nila at ang kapal ng mukha niya para ipadukot ako ng walang dahilan. Wait..may dahilan, gusto niya akong ipapatay. Pero bakit? Wala naman akong nakakaaway kahit nga sa mga co-workers ko mabait ako.


Tahimik na nagmaneho si Alex ng sasakyan, pagod na siguro dahil gabi na rin kasi. Sobrang saya ko dahil pakiramdam ko bawat araw lalo akong napapalapit sa kanya at lalo ko pa siyang nakikilala. Kaso natatakot din ako na baka hindi kami pareho ng nararamdaman, baka mabait lang talaga siya.


Sa dami ng nangyari ngayong araw na 'to, ngayon ko pa ba siya tatanungin kung anong status namin? Ipagpabukas ko nalang tutal fresh pa din sa utak ko na muntik na akong mamatay kanina. >__<


Nagtanggal na si Alex ng seatbelt, ganun ba kalapit ang police station dito sa Royale? Nagtanggal na din ako ng seatbelt at bumaba na ng kotse, "Thank you ulit.." Aalis na sana ako pero biglang pinigilan niya ang braso ko.


"You should pack your things." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit? Hindi na rin ba ako ligtas sa sarili kong bahay?" Malaki nga pala 'yung tendency na balikan ako ng mga lokong 'yun lalo na kapag nakalabas nga talaga ng kulungan 'yung lalaking 'yun.


Napabuntong hininga ako. "Sige, pupunta nalang muna ako sa manager ko.." Pinilit kong ngumiti kahit sa totoo lang natatakot ako para sa kaligtasan ko. "Tinawagan ko siya kanina at sinabi niya din na hindi ka pwede dun dahil kasama niya ang ate niya ngayon." I'm about to go insane.


Wala na akong mapupuntahan.


"Kunin mo na lahat ng gamit mo," Napatingin ako sa kanya. Paano kung hindi nalang ako umalis? Ligtas naman siguro 'yung bahay ngayong gabi. "Mas ligtas kung nasa tabi kita.." Parang tumigil ang oras para saakin.


"Ibig mong sabihin--" Pinutol niya ang pagsasalita ko. "Dali na, pumasok na tayo at ayusin mo na ang mga gamit mo." Itinulak tulak pa niya ako papalapit sa pinto ng bahay. Ilalagay ko palang sana 'yung password ng bigla niyang i-swipe yung card niya at bumukas 'yung pinto. O__O


"Kaya ka ba nakapasok nung minsan?" Tanong ko habang sinusundan siya, nauna siyang pumasok ng bahay at sinigurado kong sarado ang pinto. "Oo, buksan mo ang tv." Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv.


"You go pack your things, 'wag masyadong maraming dala ayokong sumikip ang bahay ko. Dito lang ako, sige na." Wow! First time yatang ang haba ng sinabi niya. Napangiti naman ako at pumasok na ng kwarto.

Mr. Successful Meets The SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon