Without You

27 2 0
                                    

Megan's POV

Pinapanood ko si Jairus na may kausap sa cellphone. Tumingin siya saakin saka pinatay ang tawag at napailing. Lumapit ito saakin at hindi ko napigilan ang umiyak nanaman. "Wag kang mag alala, babalitaan kita kapag nahanap ko siya. Tutulungan kita." Sabi niya at niyakap ako. Sa sobrang sakit humagulgol ako sa kanya.

Aalisin ko na sana ang ulo ko pero hinaplos nito ang buhok ko. "Okay lang, iiyak mo lang. Andito lang ako." Sambit niya kaya naman hinayaan ko narin ang sarili kong umiyak sa kanya. Kapag hindi ko inilabas ang sakit baka mabaliw ako. Miss na miss ko na si Alex. Nasaan na kaya siya?

May tumigil na sasakyan sa tabi ng motor ni Jairus kaya agad kong pinunas ang luha ko. "Megan.." sinusundo na ako ni manager Cha. Nagpaalam kami kay Jairus at nangako naman ito saakin na tutulungan ako. Sumakay na ako sa sasakyan at buong biyahe akong walang imik panay lang ang iyak ko.

Inabutan ako nito ng tissue at kinuha ko naman. Nagring ang cellphone ko pero di ko ito pinakialaman. Sumunod namang nagring ang cellphone ni manager Cha at sinagot niya ito. "Tita, kasama ko na po siya. 'Wag kayong mag-alala hindi ko po siya pababayaan." Rinig kong sabi nito.

"Babalitaan ko nalang po kayo ulit." Saka nito pinatay ang tawag at napatingin saakin. Nagbuntong hininga naman siya ng pilitin kong ngumiti sa kabila ng lahat ng sakit. "Gusto mo bang bumili ako ng maiinom natin?" Aya niya at tumango lang ako.

Nag grocery si Cha at naiwan ako sa loob ng kotse. Tinignan ko ang cellphone ko at inisa isa ang mga missed call baka tumawag saakin si Alex pero bigo nanaman akong makita ang pangalan niya. Sinubukan ko siyang tawagan pero ganun parin, cannot be reached pa rin siya.

Nag aalala na ako ng sobra. Paano kung may nangyari na pala sa kanya? Nasa isang abandonadong lugar siya at walang signal at binugbog na siya at kailangan niya ang tulong ko. Paano kung hindi namin siya maabutang buhay? Alex...

Bumukas ang pinto ng kotse, nakabalik na si manager Cha dala ang mga alak. "Puntahan natin si Diana." Nag-aalalang sabi ko. "Megan, tinawagan na namin siya kanina ilang beses na. Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko mahanap lang sila. Pareho silang nawawala." Saka nito binigay saakin ang iPad at tumambad saakin ang headline ng news 'Most Successful Hotelier Quit His Job'

2 months nalang dapat ikakasal na kami tapos ngayon nawawala siya. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Kahit ako walang magawa. "Napakasama mo Alex.." bulong ko sa kawalan saka itinuloy ang pag iyak. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Hindi ko alam kung paano ako magigising bawat araw ngayong alam kong wala siya sa tabi ko.

Nakauwi na kami sa condo sa wakas. "Okaaaay, alin kaya dito ang uunahin natin?" Nagpaparinig na sabi ni manager Cha pero di ko siya pinansin. "Mas mukhang masarap to ito nalang!" Inabot niya saakin ang isa at agad ko namang binuksan. "Ah!" Nasugatan pa ako. Ang tanga.

Nakatingin lang saakin si manager Cha. "Halika nga dito." Tumabi naman ako at niyakap niya ako agad. "Babalik rin yun baka naman may inasikaso lang na hindi pwedeng sabihin sayo." Tinapik tapik nito ang likod ko at sumubsob ako sa balikat niya para umiyak. "Tahan na, inom nalang tayo. Kanina ka pa iyak ng iyak e." Saad niya at sumang-ayon naman ako kaya agad kong ininom ang hawak ko. Inubos ko sa isang inuman lang.

Sinamahan ako ni Cha uminom. Nakinig siya sa lahat ng drama ko at hinanakit ko sa buhay. Sinabi ko sa kanya lahat ng binago ko sa sarili ko para kay Alex. Sinabi ko lahat ng hindi ko ginagawa dati na ginawa ko para kay Alex. Sinabi ko kung gaano ko kamahal si Alex. Mahal na mahal na mahal na mahal ko siya..

Tumayo ako sa pagkakaupo at inayos ang higa ni manager Cha sa sofa, nakatulog na kasi ito sa dami ng ininom namin dalawa pero ako hindi ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang beer at inilapag ito sa mesa.

Itinuloy ko ang pag inom habang nakatingin sa bintana. Inisip kong tawagan ulit si Alex pero wala parin akong napala. Ilang beses ko rin inulit ulit kaso wala talaga. Kumuha ako ng bagong iinumin at binuksan ito. Tinawagan ko si Jairus. "Jairus, pwede mo ba akong sunduin?" Tanong ko agad pagsagot nito sa tawag ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya. "Hanapin natin siya ulit. Hindi ako makakatulog nito." Saad ko saka tumulo nanaman ang luha ko. Bakit ba hindi nauubos ang mga luha ko nakakabwisit! Ayoko na umiyak! "Wag kanang umiyak diyan, susunduin kita. Nag out lang ako sa trabaho." Sabi naman niya. Wala na talaga akong lalapitan kung hindi siya lang.

Habang hinihintay ko si Jairus sinubukan ko paring tawagan si Alex. Alex please... isip ko.

Maya-maya may nagdoorbell na kaya agad kong pinagbuksan si Jairus. "Arat na, saan tayo una?" Masiglang sabi niya kaya naman napanatag ako na hindi ako mag isa. "Hindi ko alam." Napakamot ako sa ulo ko. Naramdaman ko rin ang paghapdi ng tiyan ko. Siguro sa dami ng ininom ko at hanggang ngayon wala pa akong matinong kain.

"Tiyan mo ba yun?" Tanong niya. "Hindi ah." Umiling iling ako at nakita ko siyang tumawa. "Nagugutom ka lang yata e." Pang aasar nito na alam ko namang ginagawa niya lang para makalimutan ko saglit ang problema ko. "Sige ganito nalang, kumain muna tayo tapos hanapin na natin siya." Gusto ko yang idea mo Jairus. Hindi na ako makahindi dahil gutom na gutom narin talaga ako. Nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan baka kainin nila ako ng buhay.

"Oh para may lakas ka." Nilagyan ni Jairus ang plato ko ng ulam. "Thank you ha." Sabi ko sa kanya at tumawa nanaman siya. "Wala yun, ikaw pa ba. Malakas ka sakin e." Saka siya kumindat. Buti nalang meron siya, kahit papaano pinapagaan niya ang problema ko. "Sabi ko naman kasi sayo tutulungan kita, wala kang tiwala saakin e. Dapat natulog ka nalang kanina dami mo pang ininom na alak." Nagsesermon pa ata siya ngayon.

"Alam mo namang di ako makakatulog." Sabi ko at seryoso ang tingin niya saakin. "Bakit?" Tanong ko sabay subo ng pagkain. "Kapag di ako nakapagtimpi baka---" di niya na tinuloy. Ano kaya yun?

**
Hello po. Sorry mabagal update. Busy ang ate niyo.
Mahal ko kayo! :)
Abangan niyo ang bago kong story 'Call of Duty' romance po yun. Thank you! 💜

Mr. Successful Meets The SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon