Maaga akong nagising dahil balak ko sanang puntahan si Greggy sa opisina niya, para magpaliwanag at para magkaayos na kami.
'Whooo Relax Yrin, kaya mo yan. Pupuntahan mo lang naman yung puso mo diba?'
I was convincing myself habang tumitingin kung ano ba ang dapat kong suotin
Should I choose this red skirt na hanggang tuhod o itong black skirt na 2 inches above the knee?
"Shete naman oh, ano kaya ang mas maaakit siya dito?"
Para akong baliw na kinakausap yung sarili ko. Ano bang pinag iisip ko na aaakitin ko sya.
"So...Balak mo pala siyang akitin?"
"Ay tipaklong na may bangs!"
Napatalon ako sa gulat
"Peste ka Mira, Alam mo yun?"
Pinilit kong wag maging sarkastiko, Pramis!
Inirapan niya lang ako at lumapit sa closet ko.
"You should wear this White Skirt."
Tungunu, 3 inches above the knee lang ang haba nun, konting kembot ko lang makikita na si Maria.
"Ano ka ba, Sobrang iksi niyan noh! I'll never gonna wear that."
Siya kase yung nagbigay sakin ng skirt na yun, kahapon.
"I thought you are trying to seduce your Ex? I'm just trying to help."
Napaisip naman ako kaya kinuha ko nga yung puting skirt na mukhang panyo lang dahil sa iksi.
"And by the way, Ang panget ng lasa ng fettucine na ginawa mo."
Tae ka! Kagagawa ko lang nun kanina, kinain na niya?
Magsasalita pa sana ako ng ihagis niya sa mukha ko ang pulang hanging blouse at itim na blazer.
"Iyan ang ipartner mo, saka ito pa..."
Muntikan na kong matamaan sa mukha nung 4 inch heels buti nakaiwas ako.
"Wear my designed shoes, bye!"
Isinara niya na ang pinto ng kwarto ko at ngayon ko lang naitanong bakit hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala siya sa bahay ko?
I checked the CCTV and Confirmed!
Umakyat na naman siya sa napakataas naming gate!
Nasa tapat na ko ng secretary ni Greggy at talagang kinakabahan ako.
"Ahmm ma'am Sir Del Fuego is busy Right now, maybe some other time."
Nanginginig pa nga siya at parang napagalitan pa ata.
"Ahmm, miss importante lang kase, he know me, can you please call him again?"
Napipilitan siyang pinindot ang intercom na sa tingin ko ay konektado sa CEO
napapikit pa siya at nasigawan pa ata.
"Ah eh sige po Sir, Sorry Po"
humarap siya sakin na nangingilid ang luha.
"Ma'am ayaw po talagang mag pa-istorbo ni Sir."
Naawa naman ako kay ateng Secretary kaya nagpaalam na ko.
"Ahmm before I leave what's your name again?"
I owe her and it looks like na mabait naman siya, bonus na maganda siya at mukha ring modelo katulad ni Mira.
"Psyche po."
nginitian ko nalang siya at ibinigay ko ang calling card ko, I don't know but I have a feeling that we'll be good friends soon.
Papunta na sana ako ng Elevator ng biglang naging Eratiko ang tibok ng puso ko.
Am I seeing him for real? or it's just one of my imagination?
"Greggy..." mahinang usal ko sa lalaking nakatalikod at nakaharap sa elevator.
Bawat anggulo niya ay kilala ko, kaya di ako maaaring magkamali.
It's him, ang puso ko.
Parang nag slow motion ang paglingon niya sakin.
Damn, kagagaling ko lang sa sakit ko pero parang bumalik uli ito.
yung puso ko, parang nagwawala na naman.
Nakaharap sakin ngayon ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ang lalaking minahal ko at minamahal pa rin.
Ang daming nagbago sakanya. His green eyes becomes dull and bukod dun mas lalo siyang naging gwapo.
"Quin Yzralin"
nagulat ako sa pag banggit niya ng totoong pangalan ko.
Dumilim ang berde niyang mga mata at nag igting ang perpekto niyang mga panga.
Ang daya ni Lord, bakit ang gwapo pa rin niya kahit parang mananakmal na siya ng tao?
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceShe loved him. He also do. She need to leave. He's miserable. She came back. But He's not him anymore. The Man she used to know was gone. Everything was all GONE!