Voice 18 ♪♪

41 3 0
                                    

                                       Voice 18

"It is never too late to be what you might have been."

~

Terence's POV

Nandito ako ngayon sa PRC dahil may importante daw na sasabihin sa'min si Timothy. Kinakabahan ako't parang wala sa sarili. I still need to make it up to her pero kung tumayming ba naman ang tadhana..sana lang makaabot ako mamaya.

"Terence!" sabay fist to fist namin ni Tristan na siya namang tumabi kaagad sa'kin.

"Nasan na sila?" tanong ko agad sa kanya.

"Wala pa e. Traffic kasi. By the way, yung sabi ni.....Rema" He seemingly look so bashful when he uttered Rema's name. Looks like Tristan is really into Rema na talaga huh? His visage expresses a happy sentiment.

And how about me?

I took a deep sigh. "Makakaabot pa kaya ako?" I anxiously asked Tristan.

Tumingin muna siya sa kanyang relo bago sumagot, "If we go there now."

Pagkasabing-pagkasabi niya'y agad akong napatayo. Sakto namang kakapasok lang nina Timothy. Naku naman, what now?

"Ah. Timothy aalis muna ako." Sabi ko at agad na sanang tatakbo nang bigla akong hinarangan ni Trevor.

"Fafa Terence. Iiwan mo na agad ako?" sabay puppy eyes niya.

Anak ng tokwa naman ito. Trevor naman, bakit ngayon pa na nagmamadali ako eh.

"Wag ka munang umalis. May gig pa tayo." Timothy stated with a serious tone and serious look.

"Timothy, importante 'to." Then I supposedly have to step when Tj grab my arms to stop me.

"Please Terence.." he plead.

I instantly took a deep breath. Wala na akong magagawa ne'to. Kailangan niya 'to for sure.

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko, "Pwede ngayon lang Tj?"

"Don't trouble yourself Terence. Tara na. Mahuhuli na tayo sa gig natin" sabi ni Timothy at nauna nang lumabas.

I gave a look to Tristan to give him a sign about Rema's plan but he instantly turn his head infront of the door at sumunod kay Timothy.

Pwede na bang magmura? Kahit ngayon lang?

"Just trust us." Sabi ni Trevor at wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.

Ayaw ko ng gulo eh kaya nanlulumo na talaga ako.

Then there's an awkward silence the whole ride. Ni hindi ko manlang matanong si Tristan kung papano na ang plano ko.

Tumingin sya sa side mirror to look at me but I just feigned a sad smile at him. Mukhang nagwoworry din pala siya.

I wondered immediately when we stop at Sarang's Garden.

Akala ko ba gig ?

Pagkadating namin sa may loob, agad na silang nag set up. Nilibot ko ang aking mata sa paligid at napangiti ako ng konti kasi ang ganda pala dito. Idagdag mo pa 'yung decoration nila ngayon na mukhang may proposal or date ang magcouple.

Sige na nga lang, next time na lang ako babawi kay Ara. Sisiguraduhin ko next time na hindi na talaga akong magkakaron pa ng ganitong urgent gig na tinatawag nila.

Dumating na 'yung lalaki at agad siyang lumapit sa'min. Mukhang siya 'yung naghire sa'min pero bakit mukha siyang pamilyar sa'kin?

"Okay na kayo?" tanong niya.

Voice of Love (The missing Voice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon