Voice 10 ♪♪

51 19 20
                                    

Maraming salamat sa mga nagbabasa *kung meron man*  :) Happy 1k reads! Masaya na ako ne'to! Namotivate tuloy ako na magupdate. Hay, sana subaybayan niyo ito.

-

Inayos ko muna 'yung gitara ko at nilagay sa case niya. Kakatapos lang namin magpractice at medyo kinakabahan na ako kasi sa isang buwan na ang audition sa battle of the bands. Hindi ito 'yung una naming laban pero this time kasi e buong bansa ang kasali at kalaban din namin sina Ara.

"Uwi ka na Terence? Shot muna tayo!" Aya ni Trevor na siya palaging pasimuno ng gimmick.

Umiling ako, "Pupunta ako kina Ara e" sabay salikbat ng gitara ko.

Yes, manliligaw na nga ako diba? Paninindigan ko 'yun kahit papano.

Tumawa si Tyrone, "Aba pinanindigan! That's my Terence!" Saka tumawa ulit. Gago talaga.

"Thom John! TJ! Sasama ka din ba?" Sabay baling ni Trevor kay TJ.

"Sorry brad, may pupuntahan din ako" sagot ni Tj  na may kinukutingting pa sa kanyang piano.

Sumimangot si Trevor atsaka lumapit sa kanya si Tristan. Nagsibulungan sila atsaka biglang humalakhak si Trevor. Loko-loko talaga si Trevor kahit kailan.

"Pano na guys? Mauna na ako ha?" Pagpapaalam ko atsaka lumakad na palabas.

"Palibhasa inlababu ka na naman!" Sigaw nila ng malapit na ako sa pintuan. Napangiti naman ako sa kanila.

Sumakay na ako kaagad sa motor ko at dumaan sa bilihan ng bulaklak. Siyempre, dagdag points ito.

Nang makarating na ako sa bahay nina Rema ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Langya lang, kelan pa ako naging torpe?

"Sino po sila?" Tanong nung gwardya nina Rema. Mansion kasi ang bahay nina Rema na kabanda ni Ara. Ang yaman nga e.

"Terence po, kaibigan ni Sandara. Sabi po kasi niya nandito daw sila at nagprapractice." Sagot ko.

Agad naman na akong pinapasok. Hanggang sa makapasok ako sa mismong loob, inassist pa ako nung katulong. Grabe lang.

Di pa ako nakakapasok sa Music Room ng bahay nina Rema ay tanaw ko na sa glass ang maamong mukha  ni Ara. She's so angelic while singing. Napailing na lang ako sa'king sarili. Napaka-OA kasi ni Ara. Over attractive kumbaga.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko at nanonood lang kina Ara. Ayaw ko namang pumasok sa loob dahil baka makaabala pa ako. Hihintayin ko na lang sila dito.

Habang patuloy parin silang tumutugtug, hindi ko parin maiwasan na mamangha. Kahit na hindi ko sila naririnig dahil nasa loob sila at sound proof doo'y ang ganda nila tignan. Mukha silang buhay na banda sa Barbie Diaries. Pero wag kayo, narinig ko lang 'yun kay Trevor atsaka pinakita lang niya sa akin 'yung video and Im not sure kung barbie diaries nga 'yung title nun. Naknang,natatawa pa ako kapag naaalala ko yuon.

"Terence!"

Napabalik ako sa wisyo ko ng makita ko si Ara sa harap ko. Tapos na pala sila. Tsk, natulala na naman ako at nawala sa sarili.

"Andiyan na pala yung prince charming mo eh." Sabi ni Rema kay Ara.

Si Rema din pala 'yung babaeng napansin ko nung minsan. 'Yung nagturo sa'kin na nasa Music Room si Ara. I owe her.

Ngumit ako, "Flo-flowers for you Angel"

Nagtaka ako at nagulat. Umiba ang ekspresyon ng mukha ni Ara. Hindi maidrawing ang mukha niya. Anong mali sa sinabi ko?

"Ako ba yung pagbibigyan mo ng flowers na 'yan ? O naligaw ka lang dito? At kay Angel mo yan ibibigay?"

Halata sa tono niya na nagmamaldita siya sakin. Tch, bakit naging ganto ang ugali niya? Hindi naman siya ganto a.

Voice of Love (The missing Voice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon