"Love and death. Both are unstoppable"
-
Sandara's POV
(Sandara Cabrera)I'm very sensitive. Mahal ko siya, sobra. Mahal na mahal ko si Terence Shawn Mendez. Simula pa lang nung magkaklase kami, siya na 'yung unang napansin ko.
He is proned to music and so do I. Napakamapagmahal niyang tao. Kahit na alam kong mahal na mahal niya si Mich dati pa, eto parin ako nagpapakatanga.
Naalala ko pa nuon, nung unang beses na makita ko siyang tulala sa kawalan. Sa Music Room nuong recess time. Babatiin ko sana siya kaso nahihiya ako. Ano ba nama't nata-tounge tied ako sa kanya.
Terence Shawn, para sa'yo 'yung kinanta kong I think I'm Inlove. Akala ko nung una naghahallucinate lang ako sa presensya mo pero hindi pala---totoo lahat.
Lumabas ako sa kabilang pintuan para di niya ako makita. Hanggang sa time na pala at napagbintangan pa ako ni Angel na si Terence naman talaga ang may gawa. Alam ko eh, kitang-kita sa kanya kasi pawisan na siya atsaka di siya mapakali. Hindi lang ako makapagsalita kasi, si Terence na 'yun eh.
Then sa Rock fire, I was surprised when you want to sit next to me. Sobrang hiya ko nun. Dahil konti lang naman ang nakakaalam na may gig kami dun ng mga kaibigan ko. Pinagbabawalan kasi ako ni Papa sa banda namin. Gusto niya lang akong kumanta sa simbahan. Kung saan nagkabungguan din kami sa simbahan. I dont know if it's fate or not. Basta kahit papano, masaya na ako.
Hindi ko maintindihan. Napakabilis lamang. Sa isang iglap, hinalikan ako ni Terence. And there, after nun may narealize ako.. kasi nandun pala si Mich. Medyo masakit lang kasi ginagamit niya pala ako.
I understand Terence, he's hurt. Naiintindihan ko siya kumbakit niya ginagawa ito sa akin. I know, Im just a rebound. Tanggap ko 'yun. Atleast, napansin na niya ako.
. . . And I know, Im happy being his girlfriend in a short period of time even though its not real. Im already contented with that.
Sinusubakan kong magsungit sa kanya para layuan na niya ako. Pero pilit siya paring sumusuyo sa akin. Sinusubakan kong iwasan siya pero I failed. Hindi ko siya matiis eh.
Pero ang sakit pala. Sobrang sakit pala. Akala ko okay na kami ni Terence eh. Kaso mukhang si Angel na naman 'yung ginagamit niya. They we're together last night.
"Tama na 'yan Ara. Hindi naman kasi natin mapipilit ang mga lalaki na mahalin tayo."
Tama si Rema. Pero ang sakit lang talaga, eh. I thought he really cares for me. Akala ko, maiintindihan niya ako.
"Alam ko namang wala ako sa lugar para magtampo. Kaso, ewan ko ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko."
I heaved a sigh. Hindi ko na talaga alam. I felt like being fooled by him. I feel like anytime, I need to cry. I want to blame myself from being such a foolish. I want to confront Terence about my feelings but I can't. Nauunahan ako ng pride at hiya.
Kanina pa natapos ang practice namin at hindi ko parin talaga kayang umuwi. Alas otso na ngayon ng gabi at niyaya ko dito si Rema sa Party Rock. Although wala naman kaming gig ngayon kasi may pasok bukas.
I need some air. I want to escape from this situation. 'Yung feeling na gusto kong diktahan, gusto kong angkinin at gusto kong mapasakin lang si Terence pero wala akong magawa dahil--- sinasampal parin ako ng katotohanan na si Mich parin ang mahal niya. I know that no one cant replace her for Terence even if it's me.
"Ara, uwi na tayo. Baka mapano kapa dito! pinapauwi na ako eh saka may home work pa 'ko. Di ako pwedi magshot ngayon. Asaka, di ka naman umiinom ah? Tsk. Sandara Cabrera, ilang taon ka ng ganyan sa kanya?"
Napatigil ako sa sinabi ni Rema. Wala akong paki kung pagalitan man ako ni papa ngayon dahil sa late na nga akong umuwi at amoy alak pa ako.
Tama nga sila, kahit lasing kana.. hindi pa rin naaalis ng alak ang sakit na iyong nadarama.
"Parehas lang naman kami ni Terence. Tanga!"
"Mas tanga ka Ara!"
Mas natigilan ako sa sinigaw ni Rema. Palibhasa kasi, hindi niya alam kung gano kasakit eh.
"You dont know my feelings Rem"
She smirked. "Yes I know. You love him more than anything else right? That feelings that you keep on hiding since first year."
"Please stop. Wala ka sa posisyon para pagsabihan ako ng ganyan."
Wala na ako sa sarili. I admit that Im already drown in this sickness. Sakit na hindi maalis-alis.
I felt her hand tapped my back. "Bahala ka. Alis na 'ko."
After nun, umalis na nga si Rema. Naguilty tuloy ako sa sinabi ko. Nadamay pa tuloy si Rema. Ang tanga-tanga ko!
"I'll bring you home."
I hugged him. Humagulgol ulit ako. Kahit man sabihin ng iba na bata pa kami, wala akong paki. Kahit fourth year high school pa lang ako, alam ko na sa sarili ko na nagmamahal na ako ng totoo.
Wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin ng mundo sa nararamdaman ko.
"Bakit ba kasi siya? Ako na lang"
Timothy stated while Im still in the middle of crying. Alam ko namang matagal na siyang nandiyan para sa'kin. Pero masisisi niyo ba ako? Si Terence kasi ang nagustuhan ko.
"Sinaktan ka na naman niya? Go away from him Ara. Its not good for you. Dont get attached with him."
Gusto kong takpan ang tenga ko pero di ko magawa. Ayaw kong marinig ang mga salitang nagpapapigil sa 'kin. Ayaw kong mapalayo kay Terence. Hindi ko kaya 'yun. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Love and death, both are unstoppable" tugon ko kay Timothy at inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.
-
Terence's POV
(Terence Shawn Mendez)Matutulog ma sana ako nang biglang nagvibrate ang phone ko. It was a text message from Ara. It was a message that I never expected.
From: Ara ♡
I love you.
Im still in a moment of shock. I thought... lalayuan na niya ako. Bakit ganto? She has something that affects me. Now that she confess on me? I have now the guts to pursue being with her. Ganado na akong pasayahin siya even if it's not for my own.
I dont need to steal one's happiness. I need to make all up to her. I want to spend my whole damn life with her.
Yes, I do like her and Im now in the process of loving her. Mich has no longer affects on me. Mas deserving pa si Ara sa mga effort ko.
Pero napahinto lang ako sa kakaisip nang magvibrate ulit ang phone ko.
From: Ara♡
Sorry, It's for Timothy.
Shit. Bakit ganun? Bakit nawala pa? Oo nga't mas deserving nga naman si Timothy kesa sa'kin. Napakalaki kong gago.
Nag-assume na naman ako. Hindi ba't parang ginamit ko lang siya? Pero hindi naman ah! Hindi ko siya ginamit.
In fact, gusto ko rin namang mapalapit sa kanya.
I supposedly call her pero wala na akong nagawa. Puno ng 'what if' ang nasa utak ko. Bakit ganun?
Saka ko lang narealize na mahalaga talaga si Ara sa 'kin kung kelan ganto na.
Bakit ganto? Bakit feeling ko mas masakit ang kirot na nararamdaman ko ngayon? Parang ang buong katawan ko'y naghihina na. Hindi ko maintindihan ang aking sarili.
Inaamin ko, nadismaya talaga ako na para kay Timothy 'yun. Pero what the-?! Sa dami naming may pangalan na nagsisimula sa 'T' mawrowrongsend na lang siya, sa'kin pa? Feeling ko tuloy na-Miss Columbia ako. Tch, grabe lang.
Lahat naman tayo umaasa, eh. Kaya lahat tayo, sa huli nasasaktan.