Voice 15 ♪♪

50 8 15
                                    

A/n: Unedited pa po eto. Sorry po sa typos.
-

Kanina pa nanakit ang tiyan ko sa kakatawa. Ay mali, kagabi pa pala. Hindi parin ako makaget over sa nangyari.

"Baliw ka talaga Trevor kahit kailan" tatawa-tawa kong sabi kay Trevor habang nangangape siya.

"Eh sa 'di ko siya type eh! Tsaka kaklase natin si Angel. Nakakadiri men!"

Tumawa na naman ako. Pano ba naman kasi, tinext niya din ako kagabi na dito siya matutulog sa bahay. Dun ko siya pinatulog sa kwarto ko. Ang plano ko kasi, siya ang tatabi kay Angel. Tapos ang langya-! Pinagsamantalahan talaga ang pagkalasing ni Angel kasi 'yung aso na askal niya ang pinatabi. Napulot niya lang daw kasi 'yung aso sa daan habang papunta dito.

Tawa pa kami ng tawa kagabi't hanggang ngayon. Shete! Ang laswa talaga. Grabe lang.

"Mabuti't pumunta ka dito. Haha! Kung wala-- lagot ako." Tugon ko sa kanya.

-Flashback.

Humiga na ako sa'king kama at akmang pipikit na ng makita ko si Angel sa may pintuan na ang laki ng ngiti. And suddenly, pumikit na 'ko. Todo na 'to! HAHAHA.

Antagal kasi ni Trevor. Psh.
Nagulat naman ako nang may kumurot sa'kin. Minuklat kong muli ang aking mata saka tumayo.

"Saan ka dumaan?" Tanong ko kay Trevor tas may dala pang aso. Langya! Dogs day ba ngayon at lahat sila may mga asong dala?

"Bintana. Hahaha." Sabay lagay niya ng aso niya sa higaan ko.

Nung una 'di ako pumayag pero argh! Pumasok na talaga sa kwarto ko si Angel.

Dali-dali naman kaming lumabas sa bintana ni Trevor. Tss. May balak 'to for sure. Tsss. Hinigit pa naman ako.

"Pasok ulit tayo sa bahay niyo . Hahaha."

Inismiran ko lang siya. Pumasok na naman kami sa bahay and this time, sa pintuan na kami dumaan.Kabaliwan overload eh.

I wonder kung ano na ang ginagawa nung aso at ni Angel. Natawa ako sa'king iniisip. Haha.

-

Kumuha na naman ng pagkain sa ref si Trevor. Aba! Feel at home talaga. Mabuti nga't tulog pa si Angel eh. Lagot talaga ako ne'to pagnagkataon. Good thing at nakuha na kanina ni Trevor yung aso kaso nasa sahig na. Pigil tawa pa kami kanina kay Angel na tuloy laway pa kung matulog.

Maya-maya pa'y nakarinig kami ng napakalakas na sigaw galing sa itaas.

"Mendez! Terence Shawn Mendez!"

Tumawa na naman kami ni Trevor. Ang lakas talaga ng sigaw ni Angel. Nabulunan pa nga si Trevor sa sigaw ni Angel.

"Aray!" Daing ko. May flying tsinelas kasi na tumama sa likod ko.

I lifted my head to face her. She looks so red. Angel turns to evil.

"Angel Perez is a devil." Bulong sakin ni Trevor na nakatingin din pala kay Angel. Parehas pala kami ng naisip.

"Anong problema mo?" Tanong ko.

She rolled her eyes. "Panagutan mo ko!"

Silence.

"Pft. Hahahahaha!"

Di na napigilan ni Trevor na tumawa. Langya. Ako? Ginalaw siya? Asa! Mga menor de edad palang nga kami tas gagawin ko 'yun? May moralidad ako 'no!

Voice of Love (The missing Voice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon