Chapter Three

2.9K 95 6
                                    

Di ko namalayan na malapit na pala ako sa gate.

Nagtaka ako nang nakita ko si Debbie Ann na pumasok sa Guard House. Closed kasi ang guard house kaya nagtaka ako ng nakapasok siya. Isang maliit na bintana at ang pinto lang ang makikita sa labas,tapos ang aircon. Nagtago ako sa pader na malapit sa kinatatayuan ko.

Ano ba'to? Para akong stalker. Pfft. Ang ganda ko namang stalker. Aish!

Ang tagal naman nila. -__- Naiinip na ako. Tiningnan ko ang wristwatch ko.

10 minutes na ang lumipas at nakita ko na siyang lumabas.

Naglakad siya papunta sa direksiyon ko kaya wala sa oras akong umatras.

Mahahabang hakbang paatras ang ginawa ko.

Nang makita ko ang anino niya, tumigil ako sa pag atras at naghakbang ulit paabante.

Pusang gala!

Muntik na yun ah!

Naglakad ako nang parang wala akong ginawa-- Wait! Wala naman talaga akong ginawa ah!

We walked towards each other. Nang makita niya ako, ngumiti siya. Kaya ngumiti na rin ako.

"Hi Jean!" sigaw niya at tinakbo ang space sa pagitan namin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Hi din" bati ko rin sa kanya.

"Where are you going" tanong niya at nagtataka akong tiningnan ang librong dala ko at ang bag ko. "Wala pang break ah" tanong niya ulit.

"Uuwi" tipid kong sagot sa kaniya. "Ikaw? Saan ka galing?" dagdag ko.

Na-tense siya. Bigla na lang siyang tumungo at sumagot nang nagdadalawang isip.

"Late ako, at ngayon lang ako dumating, he-he." kinakabahan niyang sagot.

Naglakad ako at nilagpasan siya. I wave my hands three times at ibinalik ko sa bulsa ko ang kamay ko.

Pero napatigil ako sa paglalakad nang humarang siya sa harap ko.

"Take care!" masayang sabi niya at ki-niss ako sa pisngi.

Patalon-talon siya at kumendeng-kendeng habang pa kanta-kanta. Tss. Isip-bata talaga.

Nagsimula na ulit akong maglakad pero napatigil ako nang may lumabas na lalaki sa guard house. Tumakbo siya papuntang gate. May dala siyang folder.

Pero di yun ang nakapagpatigil sa akin, kundi ang uniform niya. Sigurado akong hindi siya tagarito.

White polo with black linings sa magkabilang gilid nang polo niya may logo ng 'Fondamenta High'.

Automatic ata na kumunot ang noo ko.

Highschool?

Binilisan ko ang lakad ko at tagumpay naman akong nakalabas kasi yung guard ay natutulog.

Wait--

Kailan pa natutulog ang guard ng Gregory University?

Bigla kong naalala ang lalake kanina.

Sh*t! Baka pinatulog to nang baliw na yun.

Saan na yun?

Napatingin ako sa Black Lamborghini na humarurot na parang sasali sa car racing sa bilis nang takbo nito.

Tiningnan ko kung saan siya nanggaling.

Damn!

Katabi pa talaga ng motor ko.

His Wife, His BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon