Nagising ako sa sinag nang araw galing sa bintana. Then naalala ko ang nangyari kahapon.
O//////O
Nasa bahay pa pala ako nang Monster na yun! Nasan na kaya yun?Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto niya. Asan na ba yung Monster na yun?
"You're looking for me?"
"Ay Monster!" gulat na gulat kong sigaw, halos mahulog nga ako sa kama sa gulat e. Pero ngayong ko lang naisip kong ang pinagsasabi ko. Waaaaaah!!!
"Monster?" kunot-noong tanong niya.
"Ha? Wala akong sinabing monster ka no!" sagot ko sa kanya.
"So? I'm a monster for you?" tanong niya. Biglang lumungkot ang mga mata niya. Parang takot na takot rin siyang nakatingin sa akin. Waaaaah! Nakokonsensya tuloy ako.
"N-no! Hindi nga sabi." sabi ko sa kanya. Ang bigat kasi nang atmosphere. Tumingin siya sa akin. Nagulat ako nang makita ko ang luhang kakatulo lang. What the? Why is he crying?
"H-hey! D-don't cry!" sabi ko sa kanya. Kinokonsensya talaga ako nang damuho na'to. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin. Nakakakiliti grabee! Yung ilong at bibig niya kasi nasa leeg ko.Hinahalik-halikan niya ako. Imagine niyo nga ang position namin! Nakaupo tapos magkaharap, tapos yakap-yakap niya ako.
"I-i d-din't meant to hurt you long ago. I'm just doing it for your own good." mahinang sabi niya habang yakap-yakap sa akin.
O-okay! Somebody help me!
Ayoko nang alalahanin yun! Ibinaon ko na yun sa limot.
It's been three years for pete's sake.Pero deep inside me, nasasaktan pa rin ako. I don't know pero masakit pa rin ang ginawa niya noon.
Itinulak ko siya at kumalas sa yakap niya. Mahina lang naman ang pagkakatulak ko sa kanya e, pero halos mapahiga siya sa kama. Namumutla siya at tumutulo ang mga luha niya.
"Magsho-shower lang ako." malamig kong sabi sa kanya.
"Wife, please let me explain first" pagmamakaawa niya.
Di'ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad papuntang banyo.
Mainit ang ulo ko. Ayoko nang kausap. Gusto kong mapag-isa.
Naramdaman ko ang pag-agos nang tubig sa katawan ko.
*Tok*
*Tok*
*Tok*"W-wife?" tawag sa akin ni Peter mula sa labas. "W-wife, let me explain first" naawa ako sa boses niya.
Hindi ako umimik. Patuloy lang siya sa pagkatok at pagmamakaawa.
No. Not now. I'm not yet ready
Go away Peter.Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsho-shower ko. Maya-maya ay nawala na ang katok sa pintuan at may narinig akong pagbukas at pagsarado nang pinto.
Siguro umalis na siya.
Bakit ko nga ba siya kasama ngayon? Dahil sa kapatid ko. Oo. Tama dahil sa kapatid ko. Pumayag akong bumalik sa kanya in exchange of my brother. Pero kung tutuusin, kaya ko namang kunin si Kuya sa kanya e, kahit wala na yung Married thingy na sinasabi nila Mommy at Daddy. Kayang-kaya ko yun. But there's a part of me na pumayag kasi..
Aish! Di'ko alam! Basta yun ang gusto ko! Huh? Teka! Hindi ko yun gusto! Napilitan lang ako. Oo tama nga yun. Napilitan lang ako.
Naalala ko tuloy ang mukha niya kanina. Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang pagmamakaawa niya. Ayoko siyang makitang ganun siya. Nasasaktan rin ako.

BINABASA MO ANG
His Wife, His Boss
AçãoThis is a work of Fiction. Names, Characters, Business, Incidents, Events and Places are the product of author's imagination. PLAGIARISM IS A CRIME. Enjoy Reading! -chelmayaves