Bryan Dell's PoV
Nagpipigil pa rin ako na ngiti habang sinusundan namin sina Ma'am Jean at Bossing.
Aba! Improving si Bossing ngayon. Simula kasi nung nagtrabaho ako sa kanya ay hindi ko pa siya nakitang ngumiti ni minsan man lang. Ngayon lang talaga. Si Ma'am Jean lang pala ang makakapagpangiti sa kanya.
Siguro si Ma'am Jean yung sinabi ni Shela, 2 years na ang nakalipas.
(Flashback)
"You're fired!" sigaw ni Bossing. Naglalandi kasi sa kanya ang Secretary niya kanina lang. Paano?
Nandito kami sa opisina ni Bossing. Pinatawag niya kami for I don't know what's the reason is. Kaya pumunta nalang kami dito, kulang na lang si Kent Ress. Aba! Ihanda na niya ang libingan niya. Ayaw na ayaw pa naman ni Bossing na pinag-aantay. Ngumiti lang ang MALANDING secretary ni Bossing. Hindi ata kilala si bossing kaya ayun, may pakandong-kandong pang nalalaman. Maganda na sana e.
Nakita kong nanlisik ang mata ni Bossing. Hindi pa rin kasi umalis ang babae kahit na sinisante na. Nasa kandungan pa rin kasi at pinalandas pa ang kamay sa katawan ni bossing.
Nakarinig kami nang pagkasa nang baril at..
BANG!
Napatalon ako sa gulat, pagtingin ko kay bossing punong-puno nang dugo ang mukha niyang wala man lang kaemo-emosyon. Napadako ang tingin ko sa babae, nasa kandungan pa rin niya pero nakatihaya na. Biglang tumayo si bossing kasunod nang pagkalabog nang nahulog na katawan nang babae. Naglakad papuntang kwarto niya si Bossing na konektado dito sa office niya.
"He's still the cold-hearted and a merciles Mafia Boss as ever." sambit ni Shela. Siya ang pinakaseryoso sa aming lahat.
"Yo!" napalingon kaming lahat sa biglang pumasok.
"Nahanda mo na ba ang libingan mo tol?" nakangising tanong ko sa kanya.
Inirapan lang niya ako at umupo sa tabi ko.Bakla ba 'tong isang to? Kung makairap.
"Narinig ko yung sinabi mo Shel, diba matagal ka nang naninilbihan kay bossing? Bakit siya ganun?"tanong ni Kent kay Shela. Ang kapal nang mukha! May pa Shel shel pa siyang nalalaman. Tss.
BINABASA MO ANG
His Wife, His Boss
AksiThis is a work of Fiction. Names, Characters, Business, Incidents, Events and Places are the product of author's imagination. PLAGIARISM IS A CRIME. Enjoy Reading! -chelmayaves