[03] Bafflement

64 7 1
                                    


JEZZUI'S POV


PUMASOK AKO SA Starbucks. Nandito ako ngayon sa isang mall malapit sa bahay namin. Kasama ko sila Riz pero may bibilhin lang daw silang dalawa saglit kaya mag-isa muna ako.

I ordered a frappe and a cake. Naghanap ako ng bakanteng upuan na malapit sa may bintana. Umupo ako doon at kumain.

Ano kayang ginagawa ng dalawang 'yon? They're always like that whenever we're at the mall. Maya't maya nawawala.

It's already eleven thirty in the morning. We're supposed to be eating our early lunch right now but they went somewhere else. Ano kayang trip ng dalawang 'yon?

I decided to go to my parent's grave today. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Natatakot ako. Yes, I'm afraid right now. But I still wanted to go. I had to.

Kanina pa dapat kami nakarating doon kaso nagrequest ang dalawa na dumaan daw muna kami ngayon dito sa mall at kumain ng lunch. To eat lunch, huh? E, kanina pa sila wala!

But I think the real reason why they requested to drop by here at the mall was that they noticed that I'm nervous.

Still. They're toast. How dare them make me wait this long? Napapataas ang kilay ko.

Naubos ko na ang mga pagkain ko. Tumingin ako sa aking relo. It's already twelve! I've been waiting for thirty minutes already! Ugh! Nakakainis talaga sila.

I sighed. I guess I'll just go and have a look around. I'll find a fine restaurant to eat lunch, too.

Bahala sila dyan. Basta ako, kakain!


ISANG ORAS NA ang lumipas ay wala pa rin sila. Nandito ako ngayon sa labas ng mall at naglalakad-lakad. I went out 'cuz there's nothing interesting inside the mall anymore. Also, I'm so full. Kanina pa ako kain ng kain.

Medyo malayo na rin ako sa mall kasi kanina pa ako naglalakad. Hindi ko rin alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko.

Bakit ang tagal nila? Ang sarap nilang pingutin. Biglang nag-vibrate ang phone ko. May nagtext kaya tinignan ko ito. It's from Riz.

Message from UglyRiz: 'Gurl. Gora ka na muna at maglibot-libot. Ang tagal kasi ni Czerbabe!! Hintay ka lng muna ha? Lechunin ko lng tong bwiset na bibeng to! Luvya!!💋 -RizNaMaganda'

I've been waiting for an hour and a half tapos ngayon ka lang nagtext?! Just wait until we get home!

Bigla akong nakarinig ng isang sigaw.

"Tulong! Ah! Wag mo 'ko hawakan! Ang papangit nyo! You freakin' cyclops-with-a-bull-plus-monkey-face!"

Napakunot ako ng noo. She sounded... weird. Nagpatuloy pa ang kung ano-anong sinasabi ng babae. Sinundan ko ang pinagmumulan ng boses na 'yon. Sa isang eskinita ito nanggagaling.

Nakita ko ang isang babae na pinalilibutan ng limang mga lalaking ang papangit.

Just stating the fact.

"Aba! Sumusobra ka na miss ah! Wag kang mag alala. Mag eenjoy ka rin naman," sabi ng isa. Tapos nang tumawa siya, labas ang ngipin niyang nag-iisa.

Kaya naman hindi ko napigilan ang matawa. An insulting laugh. I pitied that girl.

Mukhang napalakas kaunti ang tawa ko kasi napunta ang atensyon nila sa akin. I stopped laughing. I faced them with my cold expression.

"Sino ka? Anong tinatawa-tawa mo?" tanong ng pangalawang lalaki.

Deepest Secrets Of Gangsters {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon