[04] Bafflement

13 1 0
                                    

(short chapter)

IT'S ALREADY DARK when we arrived at a restaurant. Gutom na ang mga kasama ko at gutom na rin ako. It's been a long day for me. Pati na rin siguro sa dalawa. Nakakapagod. But it's all worth it.

Nakapag-order na kami at hinihintay na lang ang pagkain. I excused myself to go to the restroom. Habang naglalakad ako naisip ko ang mga nangyari buong maghapon.

After all those years, ngayon lang ulit ako napagod ng ganito. We maybe just drived around and visited some places, but those places weren't just some places. I'm emotionally and mentally tired.

Pumasok ako ng restroom. It's a good thing na walang ibang tao. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Those emotionless eyes... those were the scariest. It was hard to bring back the emotions that was once there before. It was hard to let everything go.

It's scary. I'm so full of this. Baka kapag naglabasan lahat ng nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gumawa ng katangahan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na basta na lang pumatay.

Mabilis kong binukasan ang gripo at sumalok ng tubig. Hinilamos ko ito sa mukha ko.

Enough of this, Jez. Stop thinking too much. Control. Self-control, Jez. Breath in and out. Relax.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Napakuyom ako ng kamao ko. Nanginginig ako sa galit. Pero hindi ko dapat hayaan na kainin ako ng galit ko ngayon.

Wait a little longer. I will let you go, soon. Don't worry. Hindi magtatagal ay makakapaghiganti rin ako. After awhile, I sighed.

Nawala ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. May pumasok na babaeng mukhang balisa. Mabilis niya ini-lock ang pinto. Tinignan ko siya sa repleksyon niya sa salamin. Nakaharap siya sa pinto at hingal na hingal. Nakahawak pa rin siya sa door knob. Nanginginig siya. Something's off.

Mabilis siyang lumingon paharap at napapitlag ng makita niya ako. Nagulat 'ata siya ng makitang hindi lang siya ang nag-iisa sa loob. Napasapo siya sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang inayos ang sarili at ngumiti ng alanganin sa akin. Unti-unti siyang lumapit sa lababo. Tumingin din siya sa salamin.

Pumunta ako sa gilid ng lababo at kumuha ako ng tissue. Wala akong dalang panyo kaya ito ang pinampunas ko sa basa kong mukha. Pagkatapos kong punasan ang mukha ko ay dumilat ako at tumingin sa salamin. Nagtama ang tingin namin ng babae. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

Tinapon ko sa basurahan ang tissue na ginamit ko. Inayos ko ang buhok ko habang hindi hinihiwalay ang tingin ko sa babae. Nagkunyaring may tinitignan ang babae sa bag niya.

"What might be the reason of you being in a hurry going here?" I suddenly asked. Napatigil ang babae sa ginagawa niya at unti-unting nag-angat ng tingin. I can see that she's having a hard time hiding her true feelings.

Sigurado akong may humahabol sa kanya na pwedeng niyang ikapahamak dahil balisa siya. Who could it be?

She managed to smile a little.

"That's nothing. Please, don't mind me."

"Is that so?"

Biglang may kumatok sa pintuan ng restroom. Nabigla siya at mas lalong namutla. I smirked. That might be the reason. Lumingon ako sa pintuan at naglakad papunta doon.

"I think I should go," sabi ko. Bago ko pa mahawakan ang door knob ay lumingon siya sa akin at pinigilan ako.

"Miss, don't you mind if you stay here a little longer and not open the door?" she asked slowly. She's being careful of the words she'll use. She's afraid.

Deepest Secrets Of Gangsters {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon