[10] Run

18 2 0
                                    

Pariz's POV

Ito na ang katapusan ko...

"Kamusta? Masarap ba?"

"Opo lola. Ang sarap nito."

"Natutuwa akong nagustuhan mo, iha."

"Syempre po."

Ang mala anghel niyang tawa. Mata na punong puno ng pagmamahal. Ngiti na makikita ang kasiyahan. Puso na puno ng kabutihan.

Ang sarap ng pagkain na niluto niya. Kasing sarap ng pagmamahal niya bilang parang pamilya ko.

"Gusto mo bang sumama sa akin?"

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Tara na."

"Ano po?"

Hindi ko siya maintindihan.

"Pariz! Gumising ka!"

Ano yun?

"Tara na iha."

Kukuhain ko na sana ang kamay ni lola.

"Ano ba, Pariz! Hindi na nakakatuwa! Gumising ka! Huwag kang bibitaw!"

Teka, kanina ko pa naririnig iyon. At ang boses na iyon... pamilyar. Ano bang sinasabi niya? Huwag bibitaw? Hindi ko maintindihan. Si lola... tara na.

Wala akong maintindihan sa kanilang dalawa. Napaggigitnaan na ako.

"Iha, sasama ka ba sa akin? O sasama ka sa kaniya?"

"Saglit lang po. Hindi ko po kayo maintindihan."

Ngumiti siya sa akin at sinabing,

"Huwag ka munang sumama. Marami ka pang kailangang gawin. Mabuhay ka, iha. Tapusin ang nasimulan. Tapusin ang dapat."

Ano?

"Pariz!"

Parang may pumasok na paulit ulit na hangin sa akin. Yung dibdib ko. Ang sakit.

"Ano ba!"

Yung boses...

Napabuga ako ng tubig. Ang sakit ng dibdib at lalamunan ko.

"Your awake!"

Naramdman ko ang pagupo at pagyakap sa akin. Ubo ako ng ubo. Ang sakit talaga. Unti unti kong minulat ang mata ko.

"Czerina?" Dahan dahan ko siyang tinanong. Nagising ako na nakahiga sa mga buhangin na katabi ng malalim na dagat. Maraming bato sa paligid at mga basag na shells.

"Ayos ka na ba?" Nag-aalala niyang tanong.

"T-teka, ano...?"

"Wag ka na munang magsalita. Halika na. Kailangan na nating nakaalis dito dahil may paparating."

Doon lang ako nakabalik sa sarili. Inalalayan niya akong tumayo kahit na hirap ako at masakit ang aking pangangatawan. Pero mas masakit ang kanyang nararamdaman dahil ang dami niyang sugat na natamo.

Hinila niya ako papunta sa mga malalaking bato at nagtago dahil ang daming naghahanap na sa tingin ko, kami ang hinahanap. Gusto ko mang itanong kung bakit nandito si Czerina at sino ang mga malalaking tao na umaaligid upang mahanap kami, ay hindi pwede. May mas importante pa kaming kailangan pagtuunan ng pansin.

Lumipat kami ng bato na pinagtataguan nang hindi nahuhuli. Hanggang sa isa na lang ang kailangang tawirin na bato upang makapunta sa kalsada at kasunod nun ay gubat. Nakalagpas kami sa mga bato at tumakbo patawid ng kalsada. Malapit na kami sa kagubatan ng bigla akong tinulak ni Czerina upang mapaupo kasabay ng putok ng baril.

Deepest Secrets Of Gangsters {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon