[07] Me?

69 3 2
                                    

JEZZUI'S POV

Kakarating lang namin sa school. Kasama ko na ngayon sina Rizina at Czerina. Maraming nagbubulungan sa  paligid habang nakatingin sa amin. I guess that wouldn't change.

Hindi namin sila pinansin. At naglakad na papuntang room. Pagkadating doon lahat sila nakatingin sa amin pero dire-diretso lang kami at naupo na sa upuan na nakapwesto sa likod. Maya-maya ay dumating na rin si Ms. Delos Reyes.

"Okay, class. We have new students! Please introduce yourselves," she said with a cheerful smile plastered on her face. Tumayo naman ang dalawa kong kasama at pumunta sa unahan.

"Hello, I'm Czerina Stravin. I'm 18 years old."

"Rizina Guston. I'm 18."

"Okay, you may sit down now ladies." sabi ni Ms. Delos Reyes. Nagsimula na mag-discuss si ma'am.

Wala si Kezra at ang dalawang kaibigan niya. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya hindi na ako nagtaka kung bakit wala ang mga 'yon.

Pagkalipas ng ilang oras, nag-ring na ang bell hudyat ng lunch. Nagpaalam na si ma'am at umalis na. Kasunod niya naman ang iba pang estudyante dito sa loob ng classroom.

"Tara na girls, punta na tayo sa cafeteria," sabi ko sa kanila pagkatayo ko. Sumunod naman sila at nag lalakad na kami sa hallway papuntang cafeteria.

We didn't have a hard time buying lunch since the students were giving way.

We ordered our food and headed to the garden to have our lunch. There I saw... who's that again? Oh, yeah. I remembered now. She's Pariz Claire Park.

She was sitting alone under a tree. If you'd look at it, it's a perfect place to hangout. Nagbabasa siya ng libro at hindi ko alam ang title. Tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin at tumayo nang makita kami. Naglakad na kami papunta sa kanya.

"H-Hello po," nahihiyang bati niya.

"Cut off the 'po' Pariz. By the way guys, this is Pariz Claire Park," bored na sabi ko.

Ngumiti naman yung mga loka tapos nagpakilala kay Pariz. Nabigla nga si Pariz at mukhang na-a-akward-an sa kanila. I didn't mind them dahil dumiretso na ako sa pag-upo at kumain. Napansin naman nila iyon kaya umupo na rin sila pabilog at katabi ko sa magkabilang side si Pariz at si Rizina.

Kumain lang kami at nang matapos ay nagsimula na silang mag-usap-usap.

"So, Pariz, tell us about yourself," imik ni Czerina.

"Uhm... Pariz Claire Park po ang pangalan ko. 16 years old na po ako. Wala na rin akong pamilya maliban sa sarili ko." Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita iyon. Natigilan din ang dalawa.

"Ayos ka lang?" maya-maya ay tanong ni Rizina.

"Hindi ka naman masyadong nahihirapan 'di ba? If you need help, nandito kami," Sabi ni Czer.

Marami pang kung ano-anong sinabi at tinanong ang dalawa. Nakita ko na na-iilang na si Pariz kaya binatukan ko ang dalawa.

"Tumahimik na nga kayo ang sasakit nyo sa tainga."

"Nag-aalala lang naman kami, eh," sabi ni Czerina.

"Oo nga!" sang-ayon ni Rizina. Nag-pout pa mukha namang mga bibe.

"Tss." Inirapan ko lang sila.

"Uhm, may trabaho naman akong nahanap tapos may mga tumutulong din sa akin na mga kapit-bahay sa tinitirhan ko. Okay lang ako," nakangiting sabi ni Pariz.

Deepest Secrets Of Gangsters {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon