[09] Rush

4 0 0
                                    

"Pariz, yuko!"

Bigla akong nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril. Bigla akong napayuko. Naramdaman kong bumilis ang pagpapatakbo ni Czerina.

"Bwisit!" Napahampas ng malakas sa manubela si Czerina habang nagpapatakbo.

Gabi na kaya wala nang masyadong sasakyan. Lumiko kami sa kanan kasabay ng putok ng baril. Patuloy pa rin siya sa mabilis na pagmamaneho at iniiwasan ang mga bala. Natamaan ng dalawang beses ang likod ng sasakyan. At nalaman ko na bullet proof pala 'to.

Napasigaw ako ng may nakasalubong kaming truck, naliko agad ni Czerina ang sasakyan. Kunti na lang bangga na kami.

"Fasten your seatbelt, Pariz. This is gonna be a hella ride." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Ngumisi pa siya.

Mas pinabilis niya pa ang takbo. Pagkalagpas sa mga eskinita may mga sumulpot na mga sasakyan.

Lumiko kami sa kaliwa at doon walang ibang sasakyan ang nadaan. Sunod sunod na naman ang putok ng baril.

"Pariz, kuhain mo ang dalawang baril dyan sa drawer at sa bag ko. Bilis!"

Binuksan ko agad ang nasa harapan ko ngayon at kinuha ang baril. Ang bigat, ang lamig ng metal.

"Pariz!" Binigay ko agad sa kanya ang baril. Kinuha ko ang bag niya at kinuha pa ang isang baril. Kinasa ni Czerina ang baril na nasakanya.

"I'll shoot them. I need you to hold the wheel on place while I shoot. Got it?" Aligaga akong tumango at tinanggal ang seatbelt ko. Kaba ang nararamdaman ko.

"Don't worry it will be fine."

Binuksan niya na ang bintana at humanda.

"Now!" Nabigla ako ng nilusot niya ang kalahati ng sarili sa bintana. Agad akong napahawak sa manubela. Dahil sa bilis ng pangyayari. Nagpagewang gewang ang sasakyan pero agad ko rin nakontrol.

Doon na nagpaputok si Czerina. Inasinta niya ang gulong ng kalaban. Pumutok yung gulong ng isa at nagpagewang gewang na naging dahilan ng pagbangga sa isang pang sasakyan na humahabol sa amin. Napapikit ako saglit dahil sa pagsabog.

Taob na ang dalawa, walo na lang ang natitira. Biglang napapasok si Czerina nung pinaputukan siya ng bala nung mga natira. Dahilan para matamaan niya ako at mabitawan ko ang manubela. Nawalan kami ng balanse.

Kaya biglang tinapakan ni Czerina ang brake. Nakaharang na kami ngayon sa mga humahabol. Ang usok. Hinihingal na ako pero hindi pa tapos. Umayos ng upo si Czerina at humanda sa susunod na gagawin.

"I'm sorry, nabitawan ko." Bulong ko habang nakatungo. Tumango lang siya. Blanko ang expresyon.

"They really won't stop. They want death? I will be glad to bring them death. Are you with me Pariz?"
Kinalibutan ako sa kanya. Pero kailangan namin makaligtas.

"Yes, let's do this." Ngumiti siya ng pamandalian.

Hinawakan niya ang manubela. Tinapakan ang brake at gas ng sabay na naging dahilan sa paglabas ng makapal na usok.

Ang usok ang naging lamang namin sa kalaban. Niliko ni Czerina ang sasakyan patapat sa mga kalaban at pinatakbo ng mabilis. Akala ko balak niya banggain ang mga sasakyan pero bigla siyang lumiko ng malapit na namin matamaan ang mga sasakyan at dumaan sa isang ramp na pang skateboard. Dahilan upang lumipad ang sasakyan at nilagpasan ang mga kalaban sa ere.

Lumapag ang sasakyan ng matiwasay. Mas pinabilis ni Czerina ang pagpapatakbo. Umikot din ang mga kalaban at sinundan na naman kami. Kinasa ko ang baril na hawak ko.

"I did not know that you know how to do that to my gun."

"I just learned it from you, a while ago."

Deepest Secrets Of Gangsters {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon