[05] School

85 7 1
                                    

"JEZZUI! GUMISING KA na! Tulog mantika ka kahit kailan!" sabi ni Riz habang kinakalabog ang pintuan ng kwarto ko. Argh!

"Ayoko pa! Inaantok pa ako kaya tumahimik ka dyan!" sigaw ko pabalik. Nakakainis.

"Ganon pala, ah. Sige, saglit lang. Tignan ko lang kung hindi ka pa bumangon!" Narinig ko ang mga yabag nya paalis. Buti naman. Ang laki niyang istorbo. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. I'll go back to sleep.

Maya-maya ay may narinig akong ingay.

Tapos naramdaman ko na lang na ang lamig at basa ako! Napabangon ako kaagad.

"Ang lamig!" biglang sigaw ko. Tinignan ko ang suot ko. Basa iyon. Binuhusan ako ng malamig na tubig!

Lumingon ako Kay Riz at tinignan siya ng masama. Ngumisi lang ang loko. Nilapag niya ang baso sa maliit na lamesang malapit sa pintuan at nang-aasar na bumaling sa akin.

"Kasi naman po, alas syete na ng umaga. Mamayang nine na po ang pasok mo. Matagal ka pa naman kumilos. Baka unang araw mo pa lang sa school, late agad! Bumangon ka na dyan! Gusto mo pa ng isa?" sermon niya habang nakahalukipkip. Napa-irap ako dahil sa asar.

Kung hindi ko 'to kaibigan, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. Tumayo ako sa higaan at naglakad palapit sa kanya.

"Oo na! Maliligo na ako. Alis na!" sabi ko habang tinutulak ko siya palabas ng kwarto.

"Wala ka na bang ibang ka-" Hindi ko na siya pinatapos at sinaraduhan ko na ang pinto. Napabugtong-hininga ako. Humikab pa ako bago dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto ko upang maligo at mag-ayos. Nakakatamad naman.

🔸🔸🔸🔸🔸🔸

RIZINA'S POV

Hala! Anong problema nun? Tinatanong ko lang naman kung may kailangan pa siya. Sinaraduhan agad ako ng pintuan. Ayos din eh, hindi na magbago.

Bumaba na ako kaysa ma-stress pa sa babaeng 'yun. Ang sakit niya sa bangs. Teka. Wala naman akong bangs.

Pagkababa ko, dumiretso ako sa kusina. Nakita ko naman na nagluluto at nag-aayos ang babaita.

"Oh, Riz ano na? Nagising mo ba siya? Nakakatawa siguro ang itsura niya 'no?" natatawang tanong ni Czerina habang inaayos ang lamesa.

"Sinabi mo pa! Hindi mo ba alam na halos dumugo 'yung ilong ko dahil sa pagsagalpak niya ng pintuan sa harapan ko?! Nakakaloka!" Tinawanan niya lang ako. Nagmukha tuloy siyang takas sa mental hospital.

"Tulungan mo nga ako dito. Hindi niyo naman ako yaya para ako lang ang gumawa."

Sinamaan ko siya ng tingin at nagkibitbalikat lang siya. Hindi man lang naapektuhan sa tingin ko. Tumulong na lang din ako sa paglilinis dahil baka kung ano na naman ang masabi nito.

Yes, may mga maids dito pero hindi kami laging umaasa sa kanila. Sometimes, we do things by ourselves. Kapag wala naman kaming oras para gumawa, hinahayaan na lang namin ang mga katulong na gumawa nito.

Hindi kami papasok ngayon ni Czer kasi hindi pa tapos ang mga papeles para makalipat na kami doon. 'Yung kay Jezkaye lang ang kumpleto na kaya naman mag-isa lang siya ngayong papasok at hindi niya pa kami kasabay. Bukas pa kasi ang pasok namin.

Pinagmasdan ko si Czerina. 'Yung nangyari kahapon, alam kong apektado pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko alam kung sino ang babaeng tinulungan ni Jez kahapon. But I knew that she was someone from Czerina's past. We did know each other's past but not all.

We preferred not to open the wounds that were already sealed. Some of it were not meant to be remembered or to be talked about. It could destroy the present.

Deepest Secrets Of Gangsters {On Going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon