Chapter 2: First Day

124 14 1
                                    

Alexia's POV





Kaso nga lang . . .






Napaupo ako kasi may walang hiyang babae ang nagbuhos ng tubig sa mukha ko. -___-






Badtrip. Sheyt. Pero nagising yata ako sa katotohanan. Yung mga nangyari waaaah!! Panaginip lang pala ;( nakakainis talaga. Ang saya ko na 'non e. Kaso eto, panaginip lang. Palagi naman e.





Nakita ko naman si Katy na nagbuhos ng tubig sa mukha ko. Halatang nagpipigil ng tawa, akala niya naman 'di ko mapapansin? Aba masaya pa siya ha, natutuwa pa 'tong bestfriend ko na nabasa niya yung mukha ko ng tubig.



"Anong problema mo ha? Epal ka!" sigaw ko sa'kanya at tumayo.




"Sorry na kung nasira ko yung panaginip mo."





"Alam mo naman pala, sinira mo pa. Okay na e. Kung ikaw kaya dyan, buhusan ko ng tubig habang natutulog ka tapos ang ganda ganda pa ng panaginip mo. Gusto mo try ko sa'yo?" pagsusungut ko sa'kanya. Boset e.





"Aish whatever. Oy, anong oras na kasi oh? Late na kaya tayo! Nakooo Alexia please. Bilisan mo, magbihis ka na. Daliiii." sabi niya sa'kin na halos pasigaw na habang tinutulak ako papuntang cr.




Natauhan naman ako nang tignan ko kung anong oras na at dali dali akong pumuntang cr. Wala pa namang 10 minutes at nakalabas na'kong cr.



Napansin ko namang bumaba na si Katy para hintayin ako




After 10 minutes . . .


Ayan, bumaba na 'ko at ayan, buti tapos na 'ko magbihis. Tinignan ko yung wall clock namin kung anong oras na. Nako 30 minutes pa naman bago mag-umpisa.



"Ma. Alis na kami. Bye." kiniss ko si mama sa pisngi at ngumiti siya sa'min na meaning na 'okay go ahead'.



"Osige ingat kayo ha. Bye." sabi ni mama habang busy sa cake. Psh, sobrang hilig ni mama sa pagbebake.




"Sige po tita. Bye." ngumiti si Katy at nagbow. Wow ha. Mabait 'tong babaeng 'to pagdating sa ibang tao.



Nagbike na kami ni Katy papuntang school.



After 20 minutes . . .



Nandito na kami sa room. Okay, goodluck to me. Sana makayanan ko ang pambubully sa'kin ng classmates namin. Buti nalang pagdating ko dito sa room namin, wala pa yung teacher namin.




By the way, 4th year high school kami sa Adamson High. Wala pa namang 10 minutes, dumating na teacher namin.



"Okay class. Sorry if I'm 8 minutes late. Kakatapos lang kasi ng meeting namin. May gusto akong ipagawa sa'inyo. If I call your name, go here in front and could you please present or introduce yourself, each one of you and tell us something we might not know about you." pag-eexplain ng teacher namin.




"But first, ako muna ang gagawa 'non. Class, I'm Sir Aivan DelaFuente, your english teacher. And I like red apples more than green apples." natawa naman ang classmates ko sa sinabi ng teacher namin. Aish akala ko masungit siya e. Buti nalang hindi.





"Castro, Gretchen Honey P." eto yung famous at napaka-arteng babae dito sa Adamson High. Yung crush ko nga, boyfriend niya e. Oh edi siya na pretty. Aish.




Pumunta siya sa harap, pakembot kembot pa paglakad niya. Hoy yung ganyang paglakad binbagayan 'no! Ang sagwa tignan sakanya. Ilang turok ba pinalagay niya at ganyan kalaki at katambok pwet niya? Akala niya naman maaakit mga lalaki, e nakakaasar lang e.



She flips her hair before she speak. Arte niya talaga forevs."Hello everyone, alam ko namang kilala niyo na 'ko. 'Cause I'm one of the famous beautiful woman here in Adamson High. Pero sa mga transferee dyan, okay sige magpapakilala ako. My name is Gretchen Honey P. Castro. You can call me Honey pero 'wag f na f ang pagtawag ha? Kasi If I know, gustong gusto niyo namang tawagin akong Honey." nagbow siya sa'min pati kay Sir.





At eto mga loko loko kong lalaking classmate. Mga nagsigawan at nagpalakpakan pagkatapos niya mag-introduce. Ang kapal lang ng face niya ha? Mas makapal pa siya encylopedia. -____-








"Villapando, Alexia Chole R."







Pero napaisip naman ako. Maganda siya kaya siguro nagustuhan siya ng crush ko. Bagay naman rin sila. Kaso ubod ng sama at arte ang ugali netong babaeng 'to. Porket rich kid, ganyan na siya. Baka nagbayad pa ng sobrang mahal para lang mapaganda mukha niya.








"Villapando, Alexia Chloe R."





Yung crush ko kasi, ang pangalan niya is Oliver Rico. Sikat na basketball player dito sa Adamson High. Saka crush ko lang naman siya e. No biggy.







"Villapando, Alexia Chloe R."






Bakit ba ako tinitignan ng classmates ko? May dumi ba 'ko sa mukha? Well, alam ko namang may pagka-nerd ako. Buhaghag 'tong buhok ko. Kelangan pa ba niang tumitig? 'Di ba sila makapaniwala? Psh.






"Villapando, Alexia Chloe R." tawag ng teacher namin. Teka, ako 'yon ha. Ay shet. Tinatawag na pala ako ng teacher namin. Hala! Nakailang tawag na siguro 'to at ako eto, nagspace out. Tsk tsk loka loka talaga ako.






Napatingin naman ako kay Katy. Nagkakaintindihan nanaman kami kahit sa tingin palang e. Yung itsura ni Katy na parang mina-mouth words niya yung 'stand up'. Buti nalang nandyan ang mabait kong bestfriend, lagi ko 'yang life savior e.





Hala oo nga pala. Tumayo na 'ko pero nakatingin pero ako kay Katy, nakita ko yung kamay niya niya na tinuturo yung sa harapan namin. Napaisip ako, ay onga pala. Pupunta ako sa harap. Omg, just so you know guys, first day of class pa lang namin ngayon. Kaya ini-introduce pa namin yung sarili namin.






Nandito na ako ngayon sa harap, nakakakaba kasi 'di ko alam kung anong reaction nila e. Mahilig pa naman mambully 'tong mga 'to. Halos lahat kasi classmate ko rin last year."As our teacher already said 5 minutes ago and repeating my name 4 times I think? Ahm yea, that's me. I'm Alexia Chloe Villapando. Let me tell you classmates that I'm usually spacing out. An--"






'Di ko na natuloy sasabihin ko kasi kung minamalas ka nga naman. Urgh!!! Nakakahiya sobraaaa. Sana bumuka nalang 'tong lupa at kainin na 'ko. Now na. Sobrang nakakahiya e. Eto namang mga classmates ko, mga nakakunot noo at tinatakpan nila ilong nila.











OO NA! Umutot ako. Eh lahat naman ng tao, umuutot ha? Masama bang umutot ako? Badtrip. -_-




'Di ko na kinaya dito sa room kasi bubully-hin nanaman nila ako kaya humarap ako sa teacher namin at nagbow. Then tuluyan na 'kong umalis. Tumakbo ako. Takbo lang ng takbo hanggang sa 'di ko na alam kung saan na 'ko napunta.









Takbo lang ako ng takbo . . .








Hanggang sa may mabangga ako. Nakayuko lang ako, medyo naluluha na kasi mata ko e. Pero inangat ko rin yung ulo ko para makita kung sino nakabangga ko.






O_o

Lost in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon