Chapter 3: Bestfriends

139 16 2
                                    

Alexia's POV


O_o

Si James lang pala. Ang boy bestfriend ko, si James Tom Belen. Lagi naman siyang ganito. Lagi niyang natiyetiyempuhan na may problema ako.




"Uy parekoy, anyare sa'yo? May nang-away na naman ba? Sino ha?" ayan nanaman ang sinasabi ko e. Lagi niya kasi akong tinutulungan kapag alam niyang may nang-away sa'kin.





"Woy wala 'no. Haha, loko ka talaga. Tagal na nating magbestfriend parekoy, 'di mo pa rin ako kabisado?" natatawa kong sabi kay James. Hays alam ko namang kabisado na niya talaga ako kahit etong kaplastikan ko ngayon, alam niya e. Psh.





"Tigilan mo nga 'ko. Alam ko namang nagpapakaplastik ka dyan." bigla niya naman akong hinila. Ay aba, saan naman ako dadalhin neto?




Naglakad lang kami ng naglakad . . .



Hanggang sa makarating kami dito sa may puno na wala ganong taong pumupunta. Maganda dito. Actually, tambayan namin 'to. Dito kasi, malalabas mo yung sama ng loob mo, pwede mong isigaw yung mga gusto mong ilabas na sobra mo na palang tinatago sa'yo.



"Bwiset ka. Dito lang pala tayo. Hindi mo pa sinabi. May pahila hila ka pa dyang nalalaman." pang-aasar ko. Pano ba naman magkahawak pa rin kamay namin. Ngayon ko nga lang din napansin nang makaupo na kami.





Natauhan naman siya sa sinabi ko at napatingin sa kamay namin. Bigla niyang tinanggal yung kamay niya. At tumingin sa iba, anong problema neto? Aish.




Teka nga, sa pagkakaalam ko. Ako yung problema e. Psh whatever, itutuloy ko nalang yung pagdadrama ko.




"Hoy tumigil ka nga dyan. Itigil mo na 'yang pagdadrama mo. Wala ring mangyayari."



Ay? At kelan pa nakakabasa ng iniisip 'tong si James? Loko ha. Inirapan ko nalang siya kaya napangisi siya.





"Parekoy, bakit ganon? Bakit ganon yung mga tao ngayon? Yung tipong ang nakikita na lang nila sa tao ngayon ay yung labas na kaanyuan, 'yun bang physical appearance. Bakit hindi nila pansinin yung attitude hindi yung kung ano lang yung nakikita nila. Nakakainis e 'no?" tanong ko na may halong natatawa. Ewan ko ba kung bakit ko natanong 'to.





"Ewan ko din parekoy, nakakainis nga din yung mga ganong tao. Pero hindi lahat ng tao ganon. Yung iba, sadyang physical appearance lang napapansin. Wala silang pake kung panget ba ugali, basta gwapo slash maganda, gusto agad nila. Alam mo, hindi naman sila sasaya sa ganon e. Pano kung, sige sabihin na  nating gwapo siya pero pano kung naging kayo tapos mapagod ka din kasi hindi mo kinaya yung ugali niya. Kaya nga sabi nila, think before you click, diba?"







-______-







O_o







Okay. Napanganga ako 'don ha. Kelan pa naging magaling sa pagpayo 'tong si James? Ano ba talagang nakain neto? Haha ibang-iba siya ngayong araw e.





"Oo nga parekoy. Sana alam nila or marinig man lang nila 'yang sinasabi mo. Teka nga, gutom ka ba? Or ano ba 'yang nakain mo? Parang iba ka ngayon e."




He just chuckled. Urgh. Nice speaking parekoy.







***
Nandito na 'ko ngayon sa bahay. Simula nung nakakahiyang pangyayaring 'yon, hindi na 'ko bumalik. Umuwi nalang agad ako. Nakakaasar e, sino ba naman kasi hindi mahihiya 'don?


Lost in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon